CHAPTER 281: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

356 32 5
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 281: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

SA BENCH AREA ng Kanagawa Team, inihanda ni Coach Kageyama ang magiging first five ng kanilang Team. Pero bago niya ginawa 'yon ay sinuri niya ang mga players ng Yamanashi Team.

Limang players na naglalakihang katawan at higanteng tangkad.

Mainam na lang at may datos si Coach Kageyama sa kanila. Ang mga players na ito ay barumbado kung maglaro. Ginagamit nila ang kanilang lakas at katawan para mapuruhan ang mga kalaban.

"Mga boys, makinig kayo. Ang Round 1 match niyo ngayon ay haharap kayo sa barumbadong players... 'Yon ang Yamanashi Team." Wika niya na kinataas ng mga kilay ng players.

"Barumbado?" Kiyota

"Ano 'yan? 'Yong parang pareho sa Toyotama?" Hanamichi

"Pass na ako diyan, mabait ako ee." Sendoh

Hindi nagpatinag si Coach Kageyama sa first five ng Yamanashi Prefecture Team.

"Tssk. Kung parumbaduhan lang ang pag-uusapan... Marami kami niyan..." Ngising wika niya at tiningnan ang mga players na kanyang pipiliin. "Ang numero uno... Sakuragi!" Tawag niya.

"Oh bakit?" Iritang sagot nito.

"Maglalaro ka." Coach Kageyama

Agad namang kumislap ang mood ni Hanamichi sa kanyang sinabi. "Waw, talaga? Aba naman— lab mo talaga ako Manong Coach ano NYAHAHAHAHA!"

"Oo naman lab kita. Barumbado ang makakalaban niyo kaya ikaw agad ang pumasok sa isip ko."

Agad namang bumusangot ang mukha ni Hanamichi. "Papuri ba 'yan o nang-iinsulto ka, Coach?"

"Both." Nakangising sagot ni Coach Kageyama. "Ang mga makakasama mo sa court ay siguradong barumbado rin katulad mo." Dagdag niya pa. "Kiyota, Rukawa, Hanagata, at Sendoh."

Agad namang nagmaktol ang dalawang huli niyang nabanggit.

"Bakit kasali ako sa pangkat ng barumbado?" Hanagata

"Hindi naman ako barumbado ka? Ang bait ko kaya." Sendoh

Isa-isa naman silang pinaghahampas ni Coach Kageyama sa braso. "Huwag nang magmaktol. Pumasok na kayo at samahan niyo ang tatlong magulo loob ng court." Sabi nito at pinagtutulak sila sa court.

"Teka, teka, teka naman— hindi ba dapat may Team Captain?" Maktol ulit ni Sendoh.

"Ang ingay mong bata ka— matalino naman kayo ee, atsaka eksperyensado kana sa pagiging kapitan kaya bahala kana sa diskarte niyo." Tanging sagot ni Coach Kageyama hanggang sa tuluyan na silang nakapasok.

Nakatuon ang tingin ng mga manonood sa first five ng Kanagawa Team lalo na sa player na may pulang buhok na si Hanamichi.

"Tingnan niyo! Hindi ba 'yan si Hanamichi Sakuragi? Ang lalaking pulang dyablo ng College Matches?"

"Oo nga 'no?"

"Taga Kanagawa pala siya? Hindi ba miyembro 'yan ng Tokyo Team?"

"Baka naman taga-kanagawa talaga siya na nag-aral lang sa Tokyo?"

Hindi lang si Hanamichi ang nakilala ng mga manonood, lalong-lalo na ang Team Captain ng Yamanashi Prefecture Team.

"Tssk... Aba naman, mukhang nagmula pala sa ibang pinanggalingan ang mga players ng Tokyo Team. Nahati sila sa dalawang pangkat." Wika ng kapitan habang nakatingin sa Kanagawa Prefecture Team na nasa court at Tokyo Prefecture Team na nasa kabilang court area.

Tulad ng Kanagawa, pang-walo rin sa bracket ang Tokyo Prefecture Team at kalaban nito ang Fukui Prefecture Team na tulad din sa Yamanashi Team ay nagmula rin sa Chubu Region.

Lumapit naman sa kanya ang vice-captain ng Team. "Kahit nahati na ang Players nila, huwag pa'rin tayong pakasisiguro. Ang lalaking may pulang buhok ang kanilang Ace Player, siya ang pupuntiryahin na'tin."

Napatingin naman ang dalawa pa nilang kasamahan sa Team. Ngayon ay apat na silang magkalapit.

"Tama ang sinabi mong 'yan, ang lalaking may pulang buhok ang kanilang Ace player. Nakita ko sa video kung paano niya nagawang ipanalo noon ang Tokyo Team sa College Matches." Sagot pa ng isa.

"Sang-ayon ako, diyan. Puntiryahin na'tin at palabasin sa court 'yong lalaking may pulang buhok. Siguradong sagabal siya sa plano na'tin." Dagdag pa nong isa.

Pinagkaisa nila ang kanilang mga kamay at nagcheer, ngunit natigilan sila nang mapagtantong apat lang sila.

Lumapit naman sa kanila ang ikalimang player at nagsalita. "Mukhang wala talaga kayong nalalaman tungkol sa first five ng Kanagawa Prefecture Team." Wika nito habang nakaturo sa first five ng Kanagawa. "Ang lalakeng may pulang buhok... 'Yan ang dating mvp at ace player ng College Matches

Yung pangalawa naman na nagngangalang Rukawa ay isang player na nagmula pa sa amerika. Pinauwi lang siya rito ay maging isa sa representative ng Kanagawa.

'Yong Kiyota naman... Ay dating star player ng Kanagawa na nagmula sa kuponan ng Kainan.

Ang pang-apat naman ay ang center na Fade-away shot signature. Isa siyang centro pero napakahusay nito sa pagiging Fade-away shot user.

At ang pang-lima naman ay kilala bilang si Sendoh, ang 2 times super ace player ng College Team at Intercollegiate Matches. Kilala rin siya bilang ACE of all ACES.

Sa madaling salita, ang first five ng Kanagawa Prefecture Team ay lahat mga delikado. Kahito siguro 'yong Sakuragi at Rukawa lang ang maglalaro laban sa'tin— ay hindi pa'rin na'tin sila kayang matapatan." Wika ng shooting guard ng Yamanashi Prefecture Team.

— KnightAncient

PS: Maraming salamat sa pagbabasa mga lods. Huwag kalimutang mag VOTE at suportahan sa Youtube.💖🏀✨

YT Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now