CHAPTER 60

2.8K 41 1
                                    

Chapter 60: Real escape

“ANO’NG sabi sa ’yo ng soon-to-be father-in-law mo, Jai?” tanong sa akin ni Even. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya sa akin o ano.

“He’s dealing with the mess at gusto niya... Gusto niyang ilayo ko rito ang mag-ina ko,” sagot ko.

Iyon naman ang plano ko noong una. Na kung mangyayari ang ganitong klaseng gulo ay gagawa ako ng paraan para itakas sila at dahil ayaw no’n ni Miamor ay alam ko na sa sarili ko na mahihirapan ako na gawin iyon. Na isa pa nandiyan ang daddy niya.

Pero ngayon... Wala na nga akong dapat pang problemahin dahil magagawa ko na iyon ng hindi na ako nababahala pa. Si President Ferrara na mismo ang may gusto na itakas ko ang anak at apo niya.

“So...ano na? May blessing ka na pala sa President, eh. Anytime soon ay puwede mo ng pakasalan ang ina ng anak mo. Mabibigyan mo na ng kompletong pamilya si Meriah,” sabi niya at siniko pa ako. That’s my plan for my daughter. “Kailangan mo na ngang kumilos, Jai. Ang mga alagad ni Dad ay alam kong babalik din sila rito sa hospital. Hindi na kita matutulungan pa riyan. Sige na, kumilos ka na. Sasabihan ko sila sa plano mo.”

“Sige. Si Lervin. Sabihin mo muna sa kanya kasi baka hindi iyon agad papayag. Ayaw niyang madawit din sa gulo ang hospital natin dahil lang sa itinakas ko lang naman ang anak ng presidente ng bansa, isang senator at pangarap ng mga tao na uupo sa posisyon na iyon na balang araw,” sabi ko. Si Miamor nga ang gusto nilang manalo sa botohan. Dahil alam daw nila na mana iyon sa ama at maaasahan sa bayan.

Nasaksihan ko naman na ang mga mabuting nagawa niya kaya nagsisisi ako kung bakit minsan ko na nasira ang imahe niya sa mga tao. Nakikita ko naman na karapatdapat nga siya sa posisyon na iyon dahil alam kong kayang-kaya niyang i-handle. Pero iba pa rin ang nakikita ko sa kanya. Mas naaalala ko ang anak namin.

“Ang cool no’n. Tapos...ano kaya ang itatawag sa ’yo?”

“Hindi ka na nakakatuwa, Even,” sabi ko sa kanya na tinawanan niya lamang.

“Basta goodluck, Jai. Pero sana...huwag tumagal. Kasi kailangan ka pa namin dito, para sa Team Art,” paalala niya sa akin sabay na tapik sa balikat ko.

“Alam ko naman iyon.”

“Ikaw ang unang bumuo ng team nito kaya literal na ikaw ang team leader namin. Kailangan nating iligtas si Arthea. Alam ko na ilang beses na tayong nabigo pero heto pa rin tayo, Jai. Patuloy na lumalaban din para sa kanya at hindi tayo sumuko dahil pati siya ay mahigpit pa rin ang kapit,” emosyunal na sabi niya. Inakbayan ko naman siya na nauwi sa pagsakal ko sa leeg niya nang pabiro.

“Aray! Aray, ang braso mo naman!” reklamo niya pero tinawanan ko lang siya.

“Tigilan mo na rin si Taki. He’s not good for you, Even. Si Hiro na lang ang piliin mo,” sabi ko sa kanya at bigla namang dumating sina Hiro at Taki. Kumunot agad ang noo ni Taki nang makita niya ang ginagawa ko.

“Ano’ng ginagawa mo sa baby chibi ko, ha Jai?” nanlalaki ang mga matang tanong naman ni Hiro. Marahas pa siyang nilingon ni Taki.

“Tandaan mo, Even. Uuwi pa rin siya siya sa kanila. Babalik pa rin siya sa pinagmulan niya at alam mo ang tradisyon ng pamilya niya,” saad ko pa na ikinayuko niya lamang.

“A-Alam ko naman iyon, eh.”

“What are you doing, Jai?” malamig na tanong sa akin ni Taki. Ngumisi ako sa kanya saka ko pinakawalan si Even. Ang sama na kasi agad nang tingin niya sa akin. Ganito naman siya palagi. Binabalewala niya ang nararamdaman ni Even pero kung makabakod naman siya ay wagas.

“Nag-iisang babaeng kaibigan lang natin si Even, Taki. Kaya ingatan mo siya, ha Hiro?” sabi ko kahit na si Taki lang naman ang pinagsasabihan ko na.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now