CHAPTER 24

2.4K 34 0
                                    

Chapter 24: Suspicion (Meriah)

“MERIAH...” Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at pinukulan ko pa siya ng masamang tingin. “Ang kapal ng mukha mong hawakan ako. Wala kang karapatan,” malamig na saad ko.

Nanggigigil ako sa sobrang galit sa kanya dahil nahawakan na naman niya ako. Grr.

“Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan kang matumba at madagdagan ang pilay mo, ha Senator Ferrara?” Bakit feeling ko lang ay labag sa kalooban niya na tawagin niya akong senator?

“Wala ka nang pakialam pa roon,” laban ko sa kanya at nilapitan ko na ang anak ko. “Let’s go, Meriah,” pag-aaya ko kay Meriah.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagbungisngis niya at pumapalakpak pa siya. Ano naman kaya ang dahilan at pumapalakpak siya? Tss.

“Momma... Yie...”

“'Tong batang ito, eh. Let’s go home...” Naglahad ako ng palad sa kanya na mabilis naman niyang tinanggap. Kahit naaaliw akong tingnan siya dahil may multong ngiti nga siya ay binalewala ko na lamang iyon.

Mamaya ko na siya pupurihin at isusumbong ko siya kay Mommy. Ang bata-bata pa ay marunong na sa ganito. I’m sure na hindi niya ito nakuha mula sa akin, dahil hindi naman ako ganito.

“Bye...bye, doc...” I rolled my eyes. Bakit kailangan pang magpaalam ng baby ko sa doctor na makapal ang face? Hindi naman namin ito ka-close.

“Don’t bye-bye him, Meriah,” ani ko at inosenteng sinulyapan lamang ako nito. Wala rin siyang pakialam sa sinabi ko.

“Wait. May nakalimutan ka, Senator,” sabi niya at walang ganang tiningnan ko lang siya. May pahabol pa talaga siya?

“Wala na akong nakalimutan pa,” masungit na sabi ko at kinuha niya ang dala kong bouquet. Iyan yata ang tinutukoy niyang nakalimutan ko.

“This...”

“Sa ‘yo ‘yan, peace offering,” ani ko.

“Peace offering? I don’t like this. Hindi ako mahilig sa bulaklak. Hindi ka na dapat nag-abala pa. Public apologize ang gusto ko, hindi peace offering,” sabi niya at halata sa boses niya na hindi nga niya gusto ang bulaklak. Tapos ang demanding niya masyado. Ayaw niya sa peace offering? Mas gusto niya ang public apologize? Ha... In his dream.

“Itapon mo na lang kung ayaw mo. Hindi na sa akin ‘yan,” saad ko at binuksan ko na ang pinto, “And you know me. Wala sa vocabulary ko ang mag-public apologize. Excuse us...” Humigpit ang hawak sa akin ni Meriah, hinigpitan ko rin ang sa akin.

“But on second thought. I will keep this because I know... Hindi mo rin gusto ang ganitong klaseng bulaklak. I appreciated this,” he said and when I looked at him again ay kinuha niya ang vase ng fake flowers at inilipat niya ang white tulips.

Nakasunod lang din ang tingin ko sa kanya. Kinuha niya ang bottled water niya at binuhusan ng tubig ang vase. Bakit yata lumalambot ang puso ko sa mga nakikita ko lang? Tss.

“Thanks for this, Senator Ferrara.” Sincere man iyon o ano ay wala na akong pakialam pa. Hindi na importante pa sa akin kung nagpapasalamat siya dahil na-appreciate naman pala niya o ano...

“Whatever,” I said.

“Wait, about Meriah...” Nahinto na naman ang pagbukas ko sa pintuan dahil sa pagbikas niya ng pangalan ni Meriah.

“Aalis na kami. Ano pa ba ang kailangang mo, ha?” inis kong tanong sa kanya. I heard his footsteps, lumalapit na naman siya sa amin. “Ano na naman ba? Ano ba ang pakialam mo sa kapatid ko?”

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now