CHAPTER 23

2.4K 47 2
                                    

Chapter 23: Argument

“MOMMA?” I stilled when I heard my daughter’s voice.

“Meriah?” I uttered her name and I looked at my daughter.

“Momma...”

“What are you doing here, Meriah?” I asked her in confused. Kasama naman niya si Mommy. Ang akala ko ba ay umalis na sila ni Mommy,? What are they doing here again? Nagkamali ba sa nabalitaan si Red? Nandito pa silang dalawa.

“Love...”

“Mom...”

“Momma...” Bumitaw siya kay Mommy at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dire-diretso niyang paglalakad. Ni hindi siya nahirapan na humakbang. Ni hindi nga siya nabuwal sa pagtakbo niya. Malawak pa ang pagkakangiti niya.

“My Amor...” When I tried to remove his hand on me ay hinayaan naman niya ako at hindi na pinigilan pa. I walked towards her. Oh, God my daughter. Please, hindi na siya puwedeng makalapit sa doctor na ito.

“Momma...” Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Meriah at hinila ko siya pabalik kay Mommy.

“Ano po ang ginagawa niyo rito, Mother? Hindi po ba ay umalis na kayo kanina pa?” mahinang tanong ko. Maiiyak ako sa stress sa kanila, eh. Wala rin naman akong idea na kung bakit sila nandito sa hospital kanina. Wala silang sinabi sa akin at isa pa ay hindi rin naman kaming nakapag-usap pa ni Mommy.

“Ang apo ko, eh. Gustong bumalik dito, umiiyak kapag hindi ako susunod sa kanya. I’m sorry, love,” sagot ng aking ina at bumaba naman ang tingin ko sa anak ko. Nakatingala ito at may ngiti pa sa labi. Ni hindi naglaho ang magandang ngiti na iyon.

Nakikita ko nga ang ilang butil ng luha sa pilikmata niya at namumula ang ilong niya. Napaka-spoiled niya talaga sa Lola niya.

“Meriah,” sambit ko sa pangalan niya at hinawakan ko ang kanyang pisngi.

Nangingiting ipinakita naman niya sa akin ang susi ni Jaickel. “Hmm... Keys, Momma...”

“What are you gonna do? This is the keys... This is not yours, hmm?” Bumitaw naman niya sa akin. “Meriah.

Hahakbang na sana ako para kunin ulit si Meriah nang pinigilan naman ako ni Mommy. Hinawakan niya ang siko ko.

“Hayaan mo siya, love.”

“But Mom... Hindi niya po kilala ang doctor na ‘yan,” saad ko. Iginigiit ko talaga sa sarili ko na hindi ko siya kilala kaya dapat lang na pagbawalan siya na lapitan ang aking anak.

“No, love. Kanina nga ay nakita pa kita na kasama siya,” naaaliw na saad niomm.

“Hindi po ganoon, Mother... Iba naman po yata ang naisip niyo, eh. Hinila lamang-

“Shh...” putol niya sa akin para lamang patahimikin ako sa pagsasalita.

“Here... Dizz is yours, right?” My eyes widened in shock nang magsalita siya na hindi na nabubulol pa. Maliban sa ginamit niyang katagang ‘dizz’ ay nagawa naman niyang sambitin ng tama ang letrang R. Ngayon ko lang siya nagsalita ng diretso at hindi nahihirapan na magsalita.

“Oh...”

Lumuhod si Jaickel para pantayan niya ang taas ng aking anak at hinawakan pa niya ito sa kanang balikat.

“No...” umiiling na saad ko.

“Anak, hayaan mo na muna si Meriah.”

“But, Mom...”

“Yes, why?” tanong ni Jaickel kay Meriah. Ibinigay naman nito sa kanya ang susi niya.

“Here po... Sowwy... Keep it... Thanks...for hiyam mo sa akin... Doc...”

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now