CHAPTER 39

2.2K 29 0
                                    

Chapter 39: Side story of Hersey

“BAKIT kailangan mo pang magpaalam sa akin? Clinic mo naman 'to,” sabi ko sa kanya at biglang lumipat sa kabila kong dibdib si Meriah. For the second time around ay narinig ko na naman siyang nagmura ng super lutong.

Marahan kong hinaplos ang pisngi ng baby ko at dumilat siya. “Momma...”

“I thought you’re sleeping already, hon?” I asked her.

“I’m syeepy po,” she said and nodded. I planted a kiss on her forehead.

“Okay, close your eyes again and sleep, baby...” I said.

Bumalik din si Jaickel at may dala na siyang camera. Inilapag niya iyon sa table niya.

“Ayaw mo talagang kumain ng pasta?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

“Hindi naman ako mahilig sa pasta at bakit ka ba nag-aabala pa sa akin?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“I just want to ask you that,” sabi niya na halatang nahiya pang sumagot sa akin.

“Nasaan na pala ang mga bisita mo at bakit may dala ka ng camera? Kinuha mo ba 'yan sa reporter na 'yon?” I asked him.

“Yes. May litrato siyang dapat hindi niya kunan,” sagot niya na hindi ko na lang binigyang pansin.

***

“'Di ka sasama, doc daddy?” nakikiusap na tanong ng anak ko kay Jaickel. Napahawak ako sa sentido ko. Super clingy niya, ha.

“Meriah...”

“No, maybe next time, baby.”

“When is next time, doc?”

“Meriah, bakit ang dami mong tanong?” sabat ko. Nilingon ako nito at ngumuso na naman siya sa akin, saka niya hinila-hila ang laylayan ng sleeves nito.

“Sowwy po, doc daddy...”

“Just a doc, honey. You don’t need to call him doc daddy. I’m here,” pagtatama ko sa kanya at mas humaba pa ang nguso niya saka siya bumuntong-hininga.

“Yas po,” sagot niya habang tumatango pero malungkot ang aura. “Sowwy po, Doc Jai...”

“It’s okay, baby. You can call me that,” pag-aalo niya na bigla namang umaliwalas ang mukha ni Meriah.

“Dr. Jaickel---”

“Let her be, kung saan siya mas komportable ay hayaan mo na lang siya,” putol niya sa sasabihin ko sana.

“Alam mong hindi 'yan puwede,” malamig na saad ko.

Bakit ko naman iyon hahayaan gayong hindi naman puwedeng tawagin siya na ganoon ng anak ko. Kahit na siya pa ang totoong daddy ni Meriah. Nakalilimutan niya yata na may asawa na siya, pamilya.

“Makikipagtalo ka pa sa akin sa harapan ng anak mo? Just let her. Do you?” Napabuga ako ng hangin at umiling na lang sa inaasal niya.

“Okay po ba tayo, Momma and doc?” tanong ni Meriah sa amin at pumagitna pa. Hinawakan pa ang pareho naming kamay.

Napansin nga niya ang pagtatalo namin ng doctor na ito kaya ganyan ang tanong niya sa amin. Naiintindihan niya nga talaga ang nangyayari sa paligid niya.

“Yes, Meriah. Sige na, you need to go home, baby. I will see you next time,” paalam pa niya at binuhat ito para isakay sa kotse ko. Isinukbit pa niya ang seatbelt nito sa katawan at pagkatapos ay sinuri niya ang salamin ng bintana.

“What are you doing?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Bullet-proof na ba ito?” he asked.

“Ano naman ang pakialam mo kung bullet-proof 'yan o hindi?” supladang tanong ko sa kanya. Kulang na lang ay hawakan ko na ang magkabilang baywang ko at taasaan siya ng kilay. Ano ba naman kasi ang pakialam niya ro’n?

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz