CHAPTER 28

2.3K 56 0
                                    

Chapter 28: Avoiding

“BUT what are you doing here, Meriah? Paano mo nalaman na nandito ako, hmm?” tanong ko sa kanya. Her smile widened.

“Miss Yed... Momma...” she replied and I held her hand. Si Red ang tinutukoy niya.

Nakita ko nga sa labas si Red. “Ano’ng ginagawa rito ni Meriah? Sino ang kasama niya, Red? Hindi siya puwedeng pumunta rito. So, why?” I asked her.

“It’s your Mom, and Meriah was looking for you. Nagbabanta siyang iiyak daw kapag hindi namin siya dinala sa ‘yo,” she explained and I sighed. Isinuot ko ang coat ko at hindi ko na rin naibalik pa ang longsleeve ko.

“Come, let’s get out of here, Meriah.” Tumango lang siya sa akin at nagtaas ng dalawang kamay. Nakangiting binuhat ko na lamang siya at yumakap ang maliit niyang braso sa leeg ko at humilig pa siya sa balikat ko.

“Hmm... Doc?” narinig kong mahinang sambit niya.

Nilapitan namin si Mommy na sa dami-rami pa nang makakausap niya ay bakit si Ma’am Sofiane pa? Magkakilala kaya sila? Dahil nakikita ko ang pagngiti nila at masayang nag-uusap.

“Oh, Senator Miamor is here,” she said in a surprise. What are you doing here, Ma’am Sofiane?

“Have a sit, Miamor,” ani Mom at umupo naman ako sa gabi niya. Nakakandong sa lap ko si Meriah at nang inayos ko ang pagkakaupo niya ay nanatili siyang nakatalikod mula sa Mommy ni Jaickel. My daughter rested her head on my chest at itinatago niya lang din ang mukha niya.

“What... happened to her?” tanong nito sa akin nang mapansin ang baby ko. Umiling ako. Dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito si Meriah Amor. Maliban sa...

“A-Ayaw sa akin ni doc, M-Momma? Ayaw sa akin ni doc... K-Kasi...maguyo tayo, Momma?”

“It’s not like that, hon... Hindi naman tayo magulo, ah. We’re doing good, baby...”

“Sabi po niya... Maguyo tayo, M-Momma...”

“No, baby... Hindi naman iyon totoo, eh.”

“A-Ayaw k-ko na yin po sa kanya, M-Momma... Ayaw ko na sa kanya... A-Ayaw na ni A-Amoy...”

Ito na ba ‘yon, Meriah? Ito na ba ang simula na iiwasan mo na nga sila? Dahil lang sa narinig niya na pag-uusap namin ng magaling niyang daddy. Tss.

“Wala naman po,” I answered and caressed her hair. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya na iiwasan na nga sila ng bibong batang ito.

“Meriah...” she called out my daughter’s name pero nanatili pa rin itong nakayakap sa akin.

Nahihiyang ngumiti ako kay Ma’am Sofiane pero may kung ano sa dibdib ko nang makita ko na parang nasaktan siya sa pag-iwas sa kanya ng anak ko.

“May nangyari ba, love? Bakit ganyan si Meriah?” my Mom asked me. I shook my head.

“W-Wala po talaga, Mother. Baka po...inaantok lang siya,” sagot ko at sinilip ko ang mukha ni Meriah. Nakapikit siya pero matulis ang labi. Nakikinig siya alam ko.

“My Amor?” Saglit siyang dumilat at tumitig sa mga mata ko bago siya pumikit agad saka umungot. “She’s sleepy, Ma’am Sofiane,” I said. Nawala naman ang lungkot sa mukha niya at umaliwalas iyon agad.

“It’s okay,” she said.

“Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Mrs. Amero, love.” I nodded.

“Actually, magkaibigan sila ng anak kong si Jaickel. He’s a doctor...” Goodness, hindi na kami magkaibigan pa ng anak niyo, Ma’am Sofiane and besides hindi naman talaga kami naging magkaibigan. “Jaickel...”

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now