CHAPTER 27

2.4K 46 1
                                    

Chapter 27: Shot & secret

“EVEN  she conducted this medical mission and she’s a senator of the country, she still has to line up because she is not the only patient here. Hindi lang siya ang nag-iisang taong suriin. Marami, mas marami ang nauna kaysa sa kanya,” he said coldly.

Nagulat pa sa kanya si Dra. Even dahil sa pagiging bulgar ng pagkakasabi niya, samantalang ako ay inaasahan ko na ito. I just shrugged my shoulder. Ano pa nga ba ang inaasahan ko na sasabihin niya? Ang mauna ako kaysa sa mga taong nakapila ngayon? At magiging mabait na siya sa akin?

“Puwede ko rin namang sundin ang gusto mo, doc. Ang pumila ako,” sabi ko. “I have all the time in the world na isa pa mahaba ang pisi ng aking pasensiya. So, don’t ‘ya worry, hindi ko naman uunahan ang mga pasyente mo,” I added with pambabara.

Tiningnan ko naman ang mga taong kasalukuyan na ring pumipila at dahil narinig nila iyon ay lahat sila nataranta. Kasi isang senator na gusto pa nilang paghintayin at pumila rin?

“N-Naku hindi na po, Senator Ferrara! Sige na po, ayos lang naman po sa amin ang mauna kayo. Wala pong problema iyon sa amin!” Nginitian ko ang isang matandang lalaki at tiningnan ko si Jaickel. Tumaas lang ang sulok ng mga labi ko saka ko siya palihim na inirapan, na siya lang ang tanging makakakita no’n.

Hindi naman siya nakakibo pa at hindi ko rin alam kung nahiya ba siya dahil pinagtanggol ako ng mga tao o sadyang nainis lang siya sa akin dahil pinagbigyan nga lang talaga ako dahil isa akong senator.

Umupo ako na ako at taas noong tiningnan ko pa siya. “Wala naman sigurong masama kung susunod ako sa gusto nila, ‘di ba doc? Nagmagandang loob naman po kasi sila, eh,” I mocked him. He just clinched his jaw.

I removed my gray coat at kinuha ko naman iyon ni Hersey. May ngisi sa labi niya at alam kong natutuwa siya sa mga pinapanood niya ngayon. I rolled up my blue sleeves to my elbow. She prepared the injection but she suddenly stop. Ilang beses na sinuri ang braso ko.

“What is this, Senator? Bakit namamaga ang parteng ito ng balat mo?” curious niyang tanong at ang tinutukoy niya ay ang kaliwang braso ko nga na namamaga pa. Dahil tinurukan ko iyon last week dahil sa bagong imbento kong gamot.

“This is nothing. Sa kabilang kamay ko na lang ang shot ko,” sabi ko at ibababa ko na sana ang sleeve ng damit ko nang may mabilis na humawak no’n. “What are you doing?” kunot-noong tanong ko kay Jaickel dahil siya ang humawak sa siko ko. Aba’t...

“I wanna see this...” seryosong sabi niya at napaigtad pa ako nang tumama ang daliri niya sa namamagang parte ng braso ko.

“H-Hindi na kailangan,” malamig na saad ko at babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan. Humigpit lang ang hawak niya roon.

Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at pinilit ko namang huwag lumingon sa kanya dahil sinuri niya ang kamay ko nang nakatayo lamang siya.

Malapit ang mukha niya sa akin dahil nakayuko rin siya. Nararamdaman ko tuloy ang init na nagmumula sa mga kamay niya na nakadikit naman sa balat ko.

“Saan mo ‘yan nakuha, Senator?” Dra. Even asked me. I cleared my throat at magsisinungaling na sana ako nang agad na magsalita si Jaickel.

“Nakuha niya ito dahil din sa injection. There’a complications with the injection you... Wait, hindi lang isang beses na nangyari ito.” Paano naman niya nalaman iyon?

“M-May bakas pa ng mga shot sa parteng ito. Naku po, Senator. Nagpapa-shot po ba kayo na halos araw-araw?” tanong pa ng doctora sa akin. I was about to say something when he rolled up my sleeve again, and this time ay sa kabilang braso ko na ang sinuri niya.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin