CHAPTER 51

2.6K 33 0
                                    

Chapter 51: Press conference

“DON’T ever call me that. Kinikilabutan ako,” mariin na saad ko. Kung puwede lang ay ayoko ng marinig pa na tinatawag niya akong ganoon. Dahil sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ko ay naaalala ko lang talaga ang nakaraan. Naaalala ko lang kung paano niya ako saktan at iwanan dati at ipinagpalit sa iba. “Ang mabuti pa. Umalis ka na lang. Nakita mo naman na okay na ako. Kaya lumabas ka na. Sige na, labas na, Dr. Jaickel,” pagtataboy ko sa kanya.

Nanatiling matigas naman ang aura niya at balewala na yata sa kanya ang ilang ulit kong pagtataboy sa kanya. Mas mabuti na iyong ganito kami. Ayoko na talagang mapalapit pa sa kanya.

“Nasa bedside table mo ang mga gamot mo. Inumin mo 'yon at huwag mong kalilimutan,” sabi niya at akma na siyang lalabas nang pinigilan siya ni Meriah. Hinila pa nito ang laylayan ng suot niyang shirt.

“Doc Daddy, pyes stay po...” she pleaded at pumuwesto pa ito sa harapan niya. Niyakap ang binti niya na tila ayaw niya nga talagang umalis ang daddy niya.

“Nasa kabilang unit lang ako, baby. Hindi naman aalis si Daddy,” sabi niya na ikinaikot ng mga mata ko.

“But Doc Daddy...”

“After my work. Susunduin kita rito. Lalabas tayo at magpapaalam ka sa Mommy mo, okay?” sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko. Lumingon naman sa side ko si Meriah. Mahaba na naman ang nguso niya. Inirapan ko siya.

“Yas po. Bye na po?” Nakuha pa talaga maglambing ng batang 'to. Eh, alam niya na galit ako sa daddy niya.

Nang sulyapan ko uli siya ay nakatusok ang isang daliri niya sa pisngi niya na parang itinuturo niya lang din na ro’n siya hahalikan ng magaling niyang ama kaya iyon ang mabilis na ginawa nito sa kanya.

“Take care okay?”

Umalis na lang ako ro’n at pumasok sa guest room para puntahan si Hersey. Nadatnan ko siya sa kama at ang himbing pa nang tulog niya.

“Okay na ba siya?” tanong ko kay Xena na nag-aalalang tiningnan ito. Nakabantay talaga siya.

“She’s fine naman. Pero ang sabi ni Dr. Jaickel ay baka aabot daw ng three days ang tulog niya. Masyadong mahina ang katawan niya at mahihirapan talaga siyang maka-recover,” paliwanag naman niya sa akin.

Totoo nga na umabot pa ng three days at tulog lang si Hersey. Ang asawa niya ay talaga namang wala ng pakialam pa sa kanya. Hindi yata iyon nag-aalala para sa asawa niya. Kung sabagay nga naman ay hindi niya ito naaalala at wala siyang idea na ito pala ang asawa niya.

Ang ina ng anak niya.

***

May press conference kami at may mga media ang invited para tanungin ako sa mga bagay-bagay na nangyari sa amin noong isang araw lang. Na kung bakit kami na-ambush at para saan iyon?

Alam naman nila kung kasali ka sa presidential candidates ay expected na may banta sa buhay mo. Dahil ayaw nilang manalo ka sa election pero dahil nga palagi kaming nadadawit sa gulo at kapahamakan, sa halip na bumaba ang ratings ko dahil malaking trouble nga lang ang dala ko ay mas lalo lang ito tumataas. Na marami raw talagang hadlang sa akin at ‘yon naman ang totoo.

I was wearing my sky blue t-shirt for our team Miamor ‘Mia’ Ferrara, a blue saleco, and a white sailor types of pants, and blue loafers flat shoes. Mataas na nakapusod ang buhok ko.

Conference meeting iyon pero ganoon ang susuotin namin para kilala raw kung ano’ng partida kami sa presidential candidates.

“Are you done, Red?” tanong ko kay Red paglabas ko sa kuwarto ko.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now