CHAPTER 55

2.7K 52 5
                                    

Chapter 55: Engagement party

IYON ang gusto kong closure namin. Ang kalimutan ang isa't isa. Nakuha ko na ang hinihingi kong closure kaya sa tingin ko ay wala na rin kaming dahilan pa para magkita. Si Meriah Amor na lamang sana...

I was wearing my gold one-shoulder evening gown. Tonight, engagement na namin ni Gabril. Yes, pinili ko pa rin naman ito. Literal na ni-reject ko na ang tatay ng anak ko. Dahil alam kong ito na ang mas nakabubuti sa aming dalawa. Ang kalimutan na lamang ang isa't isa. Ang nangyari sa amin noon ay ibabaon na lamang sa limot at mahalin na rin niya ang fiancé niya.

Wala naman sa akin kahit may kilalanin pang bagong Mommy si Meriah. Sa tingin ko naman... Hindi mahihirapan si Dra. Lucianne sa anak ko. Nakikita ko na gusto niya si Jaickel, o baka mahal na niya ito. Kaya natitiyak ko na gagawin niya rin ang makakaya niya at mahalin din ang anak namin ng fiancé niya.

Matanggap niya sana si Meriah... Ang hindi lang ako sure kung makakaya rin siyang tanggapin ng anak ko o kung makukuha niya rin ang loob nito.

"Miamor!" Napapitlag naman ako sa kinauupuan ko nang malakas na boses ni Red ang narinig ko.

"May problema ka ba, Red? At sumisigaw ka riyan?" tanong ko.

"Nag-aaway ang Mommy at Daddy mo. Puntahan mo na," sabi niya na halatang may pag-aaway nga ang naganap sa pagitan ng Mommy at Daddy ko.

Eh, ano naman kaya ang pinag-aawayan nilang dalawa? Simula kasi na nagkabalikan sila ay never ko na silang nakitang nag-aaway. Kaya ano na naman kaya ang nangyari? Masyado na kasing maingat si Father sa relationship nila ni Mother. Takot na siyang maiwanan ulit.

"Bago 'to, 'di ba, Red? Hindi naman sila nag-aaway simula nang magkabalikan sila, right?" tanong ko at marahan siyang tumango. Isa rin siya sa nakasaksi, eh.

"Miamor..."

"What? Pupuntahan ko naman sila..." sabi ko.

"Sa tingin ko...may balak na naman ang Mommy mo na iwanan ang Dad mo," sabi niya at napatayo ako ng wala sa oras.

"Really? Si Mother ay iiwan na naman niya si Father?" namamangha kong tanong sa kanya. Magagawa na naman iyon ng aking ina? Eh, ang alak ko ay mahal na mahal niya si Dad.

"Tumigil ka na nga sa katatawag mong mother and father sa parents mo. Hindi 'yon normal sa akin dahil parang madre at pari lang ang tinatawag mo," kunot-noong sabi niya. Nasasanay kasi ako, eh.

"Ang baby ko pala? Nasaan na?" tanong ko. Kanina ko pa hindi nakikita ang bibong anak ko.

"Kaya nga kita pinuntahan dito, eh. Kasama niya ang grandparents niya. Umiiyak habang pinapanood si President Ferrara and First Lady M." Napanguso ako. Mag-aaway pero dapat ang unica hija ko ang magiging audience nila.

Hinatid ako ni Red sa isang private suite kung saan naman naka-check in ang parents ko. Dito siguro sila naghahanda para sa party mamaya.

Medyo nagulat pa ako nang makita ko rin ang parents ni Jaickel. Ayos na ayos din ang kasuotan nila pareho ngunit ang naaalala ko ay hindi naman sila invited sa engagement party namin, ah. Kaya ano kaya...

Ah... Baka may ibang party pa na naganap dito. Iyon ang nasa kabilang ball room kaya? Baka iyon ang party na pupuntahan nilang mag-asawa.

"Good evening po, Tita Sofiane and Mr. Amero," I greeted them.

"Good evening din sa 'yo, hija. Ang ganda mo ngayon, ah. Si Meriah pala?" tanong sa akin ni Tita Sofiane.

"She's with my parents po, Tita," nakangiting sagot ko.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now