CHAPTER 14

2.3K 41 0
                                    

Chapter 14: Doctor’s help

“GO BACK to the hospital, Miamor,” utos sa akin ng Daddy ko. Napamasahe ako sa aking ilong. Iyon lang ang dahilan kaya niya ako pinatawag? Para lamang doon? Pero bakit pa ako babalik doon?

“Father, nakabisita na po ako kahapon sa kanila. I even bought them a grocery right? Ano pa ho ba ang gagawin ko roon?” nagtatakang tanong ko.

“Just do what I have told you, Miamor. Kailangan mo ‘yon,” giit niya sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako. Alam ko na ang gusto niyang mangyari o ang kanyang tinutukoy.

Utos na niya iyon kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sumang-ayon na lang din sa gusto niyang gawin ko. Wala namang kaso ‘yon sa akin pero...nandoon mismo si Dr. Jaickel and one hundred percent na magtatagpo na naman ang landas namin. Posible pa rin ang bagay na iyon dahil mukhang sa section or ward ng mga biktima ng sunog siya naka-assigned. Kung sana ay hindi na lang niya ako naalala pa, ‘no? That’s good...but...

“Okay po, Dad. I’ll go there,” I said and I turned my back from him when I heard my daughter’s voice.

“Momma!” Mabilis akong lumapit sa kanya nang makitang may balak pa siyang lapitan ako. Hindi pa nga siya nakapaglalakad na mag-isa at walang umaalalay sa kanya.

Pinangko ko siya at hinalikan sa pisngi. “What are you doing here, my Amor?” malambing na tanong ko sa kanya. Mahinang bumungisngis siya at yumakap sa leeg ko.

She’s now three years old and I don’t think so kung paniniwalaan ko pa ba ang mga dating babysitter ng baby ko.  Dahil sa hindi maayos niyang paglalakad pero nakikita ko pa rin sa kanya ang determinasyon na mas matuto pa kung paanong maglakad ng walang tulong ng iba. Sinusubukan naman niya iyon.

Minsan nga ay kapag pinipigilan siya ay naiirita siya. Iiyak siya ng sobrang lakas at magdadabog. Mahirap siyang aluin na maski si Mommy ay hindi siya kayang patahanin. Kung wala lang ako sa tabi niya.

Honestly speaking, mas madalas niyang kasama ang lola niya kaysa sa akin na Mommy niya. Pero parang alam niya rin na kung sino ang totoo niyang ina.

“Wala ka naman sigurong gagawin ngayon, love?”

“Uhm, why Mother?” tanong ko.

“Tinawagan ko kanina si Red, na nandito ka sa palasyo kaya dumiretso na kami rito ni Meriah. May dadaluhan akong lunch meeting later with your Dad,” she said at mabilis na tiningnan ko si Daddy.

“Father, hindi ko po puwedeng isama si Meriah sa hospital,” seryosong sabi ko at napatitig naman siya sa kanyang apo. Na tuwang-tuwa talaga ito nang makita ako at nakahilig na ang kanyang ulo sa balikat ko. “Dad...”

“Alam mong hindi na namin makukuha pa si Meriah kapag nakita ka na niya,” sabi niya na ikinabahala ko lalo.

“Daddy, isama niyo na lang po sa inyo si Amor. Mapipilit ko po siya na sumama siya sa inyo,” giit ko at hinawakan ko ang balikat ng anak ko pero nagprotesta siya at umungot.

“Naiingayan din siya kapag isasama namin siya somewhere, love,” ani Mommy. Pero desperado rin ako na huwag siyang isama sa akin ngayon. Hindi puwede.

“Mom...”

Meyiah...wiyy come to Momma...” mahinang sambit ni Amor malapit sa tainga ko at inilapit niya talaga roon ang kanyang bibig para mas marinig ko siya. Na magbago na ang isip ko. Alam kong naiintindihan niya ang pinagsasabi ko na huwag siyang isama sa akin.

“Baby...”

“Meyiah come, Momma! I wiyy come with you!” I sighed. Alam na alam talaga niya kapag pinipilit ko siyang isama sa grandparents niya.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now