CHAPTER 35

2.4K 45 1
                                    

Chapter 35: Distance & Missing him

“THE last time I check, Meriah. Two or three words lang ang kaya mong bigkasin. So...bakit napapahaba na?”

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mommy at umiling lang ako. Even me ay wala rin akong idea kung bakit super madaldal na ng apo niya ngayon, compared sa mga days na nagdaan. But I’m still happy, because that’s my daughter’s improvement.

“Why is that, Madey?” curious na tanong ng baby ko pero wala akong time na panoorin lang sila ni Mommy na mag-usap.

“Mom, isama niyo na po si Meriah sa inyo. My Amor...” Napahawak ako sa sentido ko nang patakbo siyang lumapit kay Jaickel at nagtago pa sa likod ng binti nito. Sumilip lang siya nang bahagya.

Ay behave po, Mommy...” sabi nito sa lola niya at wala sa sariling tumingin sa akin ang mommy ko.

“If I’m not mistaken, love. He’s a doctor, right? I saw him in a medical mission last time,” I nodded. “Then, ano ang ginagawa mo rito, hijo?” baling na tanong niya sa doctor, “And Miamor. Never mong ginawa na harapin ang bisita mo ng nakaganyan ka lang at bakit mukhang may sakit ka ngayon, anak?” nag-aalalang tanong pa nito sa akin at ikinulong ang dalawang kamay niya ang mukha ko.

“Kagigising ko lang po, Mother. Wala po akong sakit,” sabi ko pero mukhang nagdududa pa rin siya. “Pinagpapawisan na nga po ako, eh,” sabi ko at totoong nababasa na ang damit ko ng pawis ko.

“Kaninong t-shirt naman 'yan? Bakit panlalaki talaga... Did you and doc...”

“Mom, it’s not like that po,” agap ko at baka kung ano-ano na ang sasabihin niya at may naiisip na nga siya na wala namang katotohanan.

“You know your daughter, love... Opps...” Napakamot na lamang ako sa reaction niya.

“May alam na po siya. Honestly speaking, I got shot po noong isang araw lang then he saved us,” paliwanag ko na ikinalaki ng eyes niya.

“You what?! Miamor! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Are you okay?!” she asked me worriedly. Nalukot ang ilong ko dahil sa paggala ng isa niyang kamay sa likuran ko.

“Mom, I’m fine. Kaunting daplis lang naman po 'yon--”

“No, First Lady M. Bumaon po ang bala sa balikat niya. Hindi po 'yon basta daplis lang,” sabat ni Jaickel kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Pakialamero talaga siya kahit na kailan.

“Love...”

“Ayos lang po talaga ako, Mother. No need to worry about me. Sige na po, isama niyo ang baby ko sa inyo,” ani ko at nilapitan ko si Meriah. Hindi siya nakapalag nang mahawakan ko na agad ang kamay niya. “Honey, don’t be stubborn. Go with Mother na,” I told her. Humaba pa ang nguso niya at saglit na tiningala niya si Jaickel. Na parang nanghihingi pa siya ng tulong.

“Go...” sabi nito kaya mas lalo siyang sumimangot.

“Why can’t I stay hey na lang po, Momma?” she asked me innocently. I caressed her hair.

“Momma will be busy the following days. I can’t watch over you...and no, Meriah,” pigil ko dahil daghan niyang itinuro ang doctor. “Remember that he’s a doctor. He’s working and super busy niya rin, baby... Hindi natin siya puwedeng abalahin dahil lang sa gusto mo. Remember too, he’s not our relatives,” ani ko kahit na isang kasinungalingan din iyon. Malaki ang role ni Jaickel sa buhay ng aking anak. Aminin ko man o hindi...

“Okay po,” malungkot na sabi niya.

“If I have a free day. I can still visit you, Meriah,” Jaickel uttered kaya naman lumiwanag agad ang mukha niya.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum