CHAPTER 43

2.3K 34 0
                                    

Chapter 43: Meeting Senator Xancru

BUT when he woke up... Nasaktan lang ako sa sinabi niya sa akin. Hindi pa siya gaano kagaling dahil alam kong may mga lason pa sa katawan niya at kahit halatang nahihirapan siya ay nagawa pa niya akong pagsabihan ng kung ano-ano.

“G-Ganito ka... Masyado mong pinapairal ang paghihiganti mo na wala namang saysay. Para saan ang lahat ng iyon? Akala ko ba... Akala ko ba ay bukal sa kalooban mo ang maging presidente ng bansa? Pero bakit...inilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo para lang doon? Bakit ikaw mismo ang sumisira ng sarili mong reputasyon? Para lang sa walang kuwentang bagay?” sambit niya na malamig pa sa yelo ang kanyang boses. Mahina lang ang nga iyon na sapat na upang marinig ko.

“Honestly speaking, hindi ka naman madadawit sa problema ko kung hindi ka nakialam,” I said factly. Ang sarap niyang sakalin hanggang sa hindi na siya makahinga pa.

“Kung...hindi ako nakialam ay ibang tao ngayon ang nagdurusa.”

“At okay lang kung ikaw iyon? Tang-ina mo talaga kahit na kailan,” naiinis kong sambit. Nag-iinit talaga ang ulo pagdating sa kanya, eh.

“Tigilan mo na ang lahat ng ito...”

“Wala naman akong ginagawa,” mabilis na sabi ko.

“Naibigay mo na sa akin ang lahat ng antidote ng lason na ito sa katawan ko... Kaya makakaalis ka na.” Mabilis naman akong tumayo dahil sa sinabi niya. Iyon na ang hinihintay ko, ang makaalis na ako agad sa kuwartong ito.

“Aalis talaga ako kahit hindi mo ako pagsasabihan niyan. Wala akong balak na mag-stay rito at bantayan ka. Tawagan mo na lang ang asawa mo,” suggestion ko.

“Si Lucianne ang darating,” he said.

“Wala na akong pakialam pa kung sino ang darating. Buwisit ka,” ani ko at nasa pintuan na ako nang tinawag niya ako. “Ano na naman ba?”

“Pakiabot ang phone ko,” utos niya na ikinasinghap ko.

“Aba, sino ka para utusan ako, ha?”

“Sino ba ang nagkaroon ng atraso sa ating dalawa, hindi ba ikaw?”

“Eh, sino ba ang pakialamero na bigla na lamang sumulpot sa comfort room kanina?” laban ko pa rin sa kanya at pinanliitan ko pa siya ng mata.

“Just please... Pakiabot na lang sa akin ang phone ko... T-Tatawagan ko si Meriah,” sabi niya at napataas pa ang kilay ko. Bakit kailangan pa niyang tawagan ang anak ko?

Lumapit ulit ako sa kanya at ibinigay ko ang phone niya pero nang nasa kamay na niya iyon ay bigla na lamang nadulas. Kaya nahulog sa kama niya.

“Si Lucianne ba ay natawagan mo talaga?” tanong ko sa kanya at mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa akin. “Such a liar. Bakit si Lucianne ang tatawagan mo at hindi si Jillian na wife mo naman?” tanong ko. Sa totoo lang ay isa na iyon sa ipinagtataka ko sa kanya.

Kasi bakit ibang babae pa ang tatawagan niya kung may asawa naman na siya ang puwedeng mag-alaga sa kanya at bakit naman kaya nakatira siya rito sa condominium sa halip na manirahan na lang sa mansion nila kasama si Jillian? Ang dami ko talagang tanong na hindi ko naman kayang isa-boses.

“Hanggang kailan ako ganito? Hindi ko maramdaman ang mga kamay at binti ko. Pati na ang katawan ko,” problemadong sambit niya. Napatango ako.

“Isang linggo ka pang ganyan, kaya magtiis ka dahil ikaw naman ang may kasalanan niyan,” sabi ko at kinuha ko ang cellphone niya. I dialed my daughter’s number at ni-loudspeak ko pa para marinig niya ang boses ng bibong bata mula sa kabilang linya. “Alam mo... Nakuha ng baby ko ang ugali ko, hindi iyon basta-basta sasagot ng tawag kung hindi naka-register sa phone book niya ang number mo,” sabi ko.

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now