CHAPTER 57

2.9K 51 3
                                    

Chapter 57: Meeting the Father & Poison

“IF YOU really want to run as a president of our country... I will support you, Mih,” he said, sincerely.

“B-Bakit nagbago ang isip mo? Bakit susuportahan mo na ako ngayon?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Dati-rati ay ayaw niyang gawin ko ang bagay na iyon dahil alam niyang mas delikado at magulo ang buhay. Ayaw pa naman siya sa mga ganoon.

Especially that we have a daughter now. Kaya bakit? Bakit gusto na niya akong suportahan? Nagbago agad ang isip niya. Sa paanong paraan at ano ang dahilan?

“I already told you. Hindi na ako gagawa pa ng mga bagay na ikagagalit mo sa akin kaya kung ano man ang gusto mo, ang desisyon na pipiliin mo ay dapat kong respetuhin iyon,” sincere na sabi niya at hinawakan pa niya ang kamay kong nasa ibabaw lang ng table. Ramdam na ramdam ko ang init na dala ng kanyang kamay.  Tatanggalin ko na sana iyon nang inilagay rin ni Meriah ang maliit niyang palad sa ibabaw nito. Ngiting-ngiti pa siya.

Napahinga na lamang ako ng malalim at hinayaan ko na lang doon ang kamay ko. Dahil baka pagsasabihan na naman ako nito.

May soccer field ang rest house nila pero hindi naman ito kalakihan, parang sinadya lang ito gawin para sa isang pamilya. Hindi kami agad umuwi at nagawa pa nilang maglaro na dalawa.

Nakaupo lang ako sa green house at paminsan-minsan ay pinapanood silang naglalaro pero sa tuwing napapatingin sa gawi ko si Jaickel ay mabilis kong babawiin ang tingin ko. Mabuti na lamang ay may magazine siya rito para kunwari ay busy ako sa pagbabasa ko.

Naghanda rin siya kanina ng snack and juice. Pero coffee lang ang ininom ko. Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Mommy.

Tama naman siya... Kapag sinunod ko nga ang gusto ni Dad ay magiging masaya ba ako? Magiging masaya nga ba ako sa pinili kong direksyon na tinatahak ko ngayon? Pero kasi...simula ng maging senator ako ay hindi naman ako---

Tama, bihira kaming nagkakasama ng baby ko. Dahil busy rin ako palagi. Malabo iyong mahabang bonding naming mag-ina. Madalas nga silang magkasama ni Mommy.

Nag-angat ako nang tingin sa kanila nang marinig ko ang mahinang pagbungisngis ng anak ko. Napangiti ako dahil sa kasiyahan na nakikita ko.

“Kayo po ba? May naisip po ba kayong plano para sa anak namin?”

“Kung ano ang nararapat para sa bata.”

Ano nga ba ang nararapat para kay Meriah Amor? Maliban sa pagbibigay ko sa kanya ng mga bagay na gustong-gusto niya? Naibibigay ko naman sa kanya ang lahat ng iyon, ng walang kahirap-hirap. Wala na nga akong problema para ro’n. Secure na nga ang future niya but...

“Akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat?”

“Hindi. Hindi malinaw sa akin. Dahil ang gusto ko...ang mabuo naman tayong tatlo. Iyon ang mas malinaw sa akin, Mih.”

Kompletong pamilya? Kung sabagay, paano ko mabibigyan ng masayang pamilya ang anak namin kung hindi naman kami kompleto? Kung hindi naman kami buo na tatlo? Paano ko nga ba na nasasabi na hindi na nga ako magkakaroon pa ng problema kay Meriah sa hinaharap? Na kung ang kahit na isang mahalagang bagay ay hindi ko naman kayang ibigay sa kanya. Kaya paano?

“Hindi mo rin ba ako tatanungin kung ano ang plano ko para kay Meriah, Miamor?”

“Wala ka namang sinasabi tungkol doon. Eh, ano?”

“Ang bigyan natin ng kompletong pamilya si Meriah Amor...”

“Please, Mih... G-Gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang anak natin... Hindi lang ganoon... A-Ayoko rin no’n...”

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon