CHAPTER 49

2.6K 44 0
                                    

Chapter 49: Telling the truth

“MOM, is he sick po?” pag-uulit niya sa tanong niya sa akin. Sinulyapan ko ang Daddy niya na nahihirapan na ngang tumayo. Baka dahil iyon sa gamot na naaksidente kong naiturok sa kanya. Sintomas lang iyon ng gamot ko. Pero nakikita ko naman na paunti-unti na siyang nakaka-recover. Alam kong pagaling naman na siya.

“He’s fine, my Amor. Nag-iinarte lang siya,” sagot ko at talaga namang binabalewala ko ang Doc Daddy niya.

Heyp him po, Momma,” she said. I shook my head.

“Ayaw ko nga. Tulungan mo kung gusto mo,” malditang sabi ko at napanguso na naman siya.

“Doc Daddy, you okay po?” tanong niya sa malambing na boses.

“I’m...f-fine, baby...” nahihirapang sagot nito.

“You’re not po, eh... Please, Momma?”

“Matanda na siya, baby. Hayaan mo na siya,” sabi ko at nang hindi na nga niya ako mapipilit pa ay bumuntong-hininga siya.

“N-No, baby... Stay still,” ani Jaickel nang binalak na ni Meriah na bumaba sa bed. Hinayaan ko ito at tinulungan ko pang bumaba.

Nang malapitan na siya nito ay prenteng humiga na lang ako at hindi ko na sana sila papansinin pa nang marinig ko na naman ang pag-iyak ng anak ko. Ayoko nang bumangon pa. Sumasama lalo ang pakiramdam ko.

“M-Mom... Pyes... Heyp my Doc Daddy po...” nagmamakaawang sambit nito sa akin. Napabuga ako ng hangin at dahan-dahan ulit ako bumangon.

Kunot-noong nilapitan ko sila at lumuhod din ako sa tabi ni Meriah. “Tang-ina naman,” mahinang bulong ko.

“Huwag kang magmura. Naririnig ka ng anak natin,” mahinang suway niya sa akin na mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Anak natin?

“Anak natin?” tanong ko sa kanya at napangisi pa ako. Bumaba ang tingin ko kay Meriah. Naka-pout pa rin siya at namumula ang mga mata niya. Pahikbi-hikbi pa siya. “Ako ang mas may sakit dito, Meriah. Bakit iniiyakan mo siya?” tanong ko sa makulit na baby na 'to.

“K-Kasi po, Momma... My Doc Daddy can’t take care of you if...may sakit po siya...” she reasoned out.

“At ikaw?” tanong ko pabalik.

“I’m fine na po...” I rolled my eyes.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Jaickel na palipat-lipat na ang tingin sa amin. “Walang infection ang gamot, may mga muscle lang ng katawan mo ang hindi kayang igalaw. Lalo na kung pagaling ka na,” paliwanag ko sa kanya at mariin kong pinisil ang tuhod niya pataas sa kanyang hita.

Hindi ko lang naman iyon pipisilin talaga dahil ima-massage ko na ang muscle niya. Sa parteng iyon ay ang naninigas na.

“Namumutla ka,” komento niya at sinalat na naman niya ang noo ko. Hindi ko na lang siya sinita sa paghawak niya sa akin at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko sa kanya.

Bahagya pang tumaas ang kilay ko dahil humilig sa tagiliran niya si Meriah habang nakayakap ito at nanonood naman sa akin.

“Why are you looking at me like that, Meriah?” I asked her.

“You worried about my Doc Daddy, Momma... But niaaway mo po siya payagi.”

Nagkatinginan kami ni Jaickel dahil sa sinabi ng anak niya. Nakatitiyak ba ang batang ito na nag-aalala nga ako sa doc daddy niya?

“Bakit mo naman nasabi iyan, Meriah? Mukha ba akong nagwo-worry sa pinagmamalaki mong doc daddy, ha?” supladang tanong ko sa kanya.

“You can ignore him po, Momma... But yook at you...”

Gloom Series 5:The Unforgettable Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now