EPILOGUE

27.5K 723 192
                                    

Study, graduate school, and work. Actually, that's the only plan I have for my life. My studies come before anything else, no matter how much time my buddies and I spend hanging out or drinking. But I had a different goal when I met Atasha Rodriguez. She is simple but beautiful. Her appeal was so strong that even if she were just sitting and busy with what she was sketching, she seemed like an angel in my eyes.

"Ikaw, ah? Matagal ko na napapansin ang lagkit ng tingin mo roon sa fine art student na malimit nakatambay sa bench," puna ni Thelmo nang minsan kaming nag-inuman sa dorm niya.

Mabilis namang umigting ang panga ko at matalim siyang tiningnan. "How did you know her?"

"Whoa! Chill, walang aagaw sa chikababe mo," aniya habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere. "Obvious naman kasi kung anong course ang kinukuha niya, bukod pa roon amoy ko na ang pasimple mong pagdaan sa room nila kahit mas mabilis doon sa kabilang pathway."

Tumawa naman ang iba naming kasama at inulan ako ng kantyaw.

"Make your move, bro. Sige ka malapit na matapos ang last sem, hindi mo na siya makikita ulit," ani Thelmo habang tumataas-baba ang kilay niya.

Inismiran ko naman siya at ininom ang beer na hawak ko. "We're both studying. Baka masira ko lang ang pag-aaral niya."

"Tangina, Zachary, kung makapagsalita ka naman parang bubuntisin mo siya." Natatawang umiling si Thelmo.

Asshole, that's what I'm worrying about.

I just didn't say a word and continued drinking with them. I know how to respect women, but I'm also not a saint who avoids temptation. By just thinking that I'm going to date her and we'll be together, I know that I can't pull out anymore when we get to the point where she gives herself to me.

S'werte na lang kung hindi kami aabot sa puntong iyon.

Hindi ako 'yong tipong namimilit ng babae. Hindi rin ako ang klase ng lalaki na nagbibigay motibo para maikama ang karelasyon. Kuntento na ako kahit sa simpleng date o holding hands lang, pero kung siya ang hindi magkokontrol sa sarili niya, pareho kaming masusunog.

Well, whether something happens to us or not, I can respect her in every way. If we ever become lovers, I will cherish her with all my heart. I will not cheat, I will not hurt her—verbally or physically—and I will never make her feel that she is not my priority because that is the bare minimum that men should do with respect to their partner.

Fvck. Ni hindi niya pa nga ako kilala pero ang layo na ng imagination ko.

Napailing na lamang ako at inalis siya sa isip ko. Hindi pa pwede, hindi pa sa ngayon. Kailangan muna naming magtapos para kung sakaling magkamali kami, hindi ko poproblemahin ang pagpapakain at pagpapaaral sa anak namin.

***

"BRO!"

I raised my head as Thelmo rushed towards me. I'm here today in the library, and I'm busy highlighting notes for our upcoming exam tomorrow. I squinted my eyes as he caught his breath.

"Iyong chikababe mo, nanlalalaki!" namimilog ang mga matang balita niya.

"What?" ani ko, hindi ko alam kung ano ang unang iisipin sa sinabi niya: iyon bang sinabi niya na nanlalaki kahit hindi naman kami magkarelasyon o ang katotohanan na may ibang lalaki na naaligid sa kaniya.

Ptngna. Mauunahan pa 'ata ako.

Wala na akong pakialam sa exam namin bukas, aasa na lang ako sa stock knowledge ko. Tumayo ako mula sa aking p'westo at saka tinahak ang daan palabas ng library. Kung sinuman ang lalaking nangahas lapitan ang babaeng pinapangarap ko, siguraduhin niyang malaki ang laban niya sa akin. Tss!

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now