CHAP 31

20.2K 617 50
                                    

I felt someone brushing my hair as I awoke. Gently and sweetly, as though lulling me back to sleep. It was cold all around me, and there's also a strange, familiar smell that stings my nose.

"Baby, I'm always here for you. We will get through this," I heard someone mutter, and then felt something touch my forehead.

Marahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang namumungay na mga mata ni Zachary. Bakas ang pag-aalala at pamomroblema sa kaniyang mukha. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at halos nangingitim din ang ilalim ng kaniyang mga mata, tila ba ilang araw siyang hindi nakatulog.

Blangko lang naman ang ekspresyon ko, binalewala ko ang kaniyang presensya at inilibot ang paningin ko sa paligid. Puro puti ang pintura ng silid, nakahiga ako sa isang hospital bed habang may nakakabit na dextrose sa akin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang benda sa aking pupulsuhan. Sa mga sandaling iyon ay unti-unting bumalik ang mga alaala ko bago pa man ako mawalan ng malay. Muli akong pumikit at pagod na nagpakawala ng hininga.

"How are you? Do you need anything? Do you want to drink?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ilang araw na ako rito?" tanong ko imbes na sagutin siya.

I heard him heaved a deep breath. "Two days, baby," he answered softly.

Mapait naman akong napangiti. I was waiting for him to ask for something trivial, but it didn't come. It's like he's being careful and giving me time to be okay.

Muli akong dumilat. "What are you doing here?"

"Baby . . ." nahihirapang sambit niya at maingat na hinawakan ang kamay ko,

Nanghihina man ay binawi ko ang kamay ko at iniiwas ang aking paningin. "You're doing this because of the baby, right?"

"Atasha, I am here because of you. I care for you," he said in a hoarse tone.

Hindi ko napigilang mapaismid at saka siya binalingan ng tingin. "Maglolokohan pa ba tayo, Zachary?" natatawa kong sambit. "Nandito ka dahil may kailangan ka sa akin. Huwag mo na akong linlangin pa."

Namuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, bumuka ang bibig niya para magsalita pero tila hirap na hirap siyang umimik. Mariin siyang lumunok at napayuko, muli niyang hinawakan ang kamay ko. Maingat niya iyong inangat at saka dinampian ng mga halik—mula sa likod ng aking palad patungo sa nakabenda kong pulso.

"P-Please . . ." garalgal niyang saad. "Hurt me instead. Don't do this again." Nang iangat niya ang kaniyang paningin patungo sa akin ay tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya.

Napatiim-bagang ako habang pinagmamasdan siya. Gusto ko siyang sampalin pero wala na akong lakas para gawin iyon. Iniiwas ko na lang ang aking paningin at palihim na kinuyuom ang isa kong kamay.

"I am not pregnant, Zachary," I said blankly. "Stop acting in front of me."

Inaasahan kong magugulat siya o kaya naman ay magagalit, pero humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa akin. Nilingon ko siyang muli, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang namumungay na nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na pagtaasan siya ng kilay.

"Hindi mo ba ako narinig? Hindi ako buntis kaya tigilan mo na ang pagpapanggap mo. Niloko kita, pinaglaruan," pag-uulit ko, umaasang masasaktan siya.

Gusto ko siyang makitang umiyak sa panloloko ko. Gusto ko siyang makitang magalit. Gusto ko siyang makitang magwala, pero bakit iba ang ipinapakita niya sa harapan ko?

Hindi pa rin siya nagsalita. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa kamay naming dalawa. Marahan niyang hinaplos ang likod ng aking palad gamit ang hinlalaki niya at saka huminga nang malalim.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now