CHAP 29

19.8K 550 73
                                    

Aireen and I were both speechless when we got to her apartment. My mind was still confused, which is why I didn't drop off at Nanay Victoria's house first. Besides that, I also plan to take the car and some of my things that she brought home after I called her before. I reviewed Zachary's laptop again to uncover further documents that would shed light on the situation, but I've gone through all of them one by one, and even with his lesson plans that were saved, I still didn't find anything in the end.

Napahilot na lamang ako sa aking sentido at tuluyan nang sumuko. Pagod kong isinandal ang aking likod sa sofa at wala sa sariling napaangat ng tingin sa kisame, nagbabaka sakali na may ideyang papasok sa utak ko. Halos ilang minuto rin ako sa gano'ng posisyon hanggang sa mapalingon ako kay Aireen nang lumabas siya sa kusina, may bitbit siyang baso na may lamang lemonade juice at saka iyon inilagay sa center table na nasa harapan ko.

"Ano'ng sunod mong plano?" usisa niya habang umuupo sa tabi ko.

Isang malalim na hininga naman muna ang pinakawalan ko bago umayos ng upo. "Katulad pa rin ng dati, ang lisensya naman ni Zachary bilang pagka-doctor ang sisiguraduhin kong mawawala."

"Sa ilang linggo o halos buwan mong pananatili roon, hindi talaga nagbago ang desisyon mo?" manghang sambit ni Aireen.

Napaismid naman ako saka siya tiningnan nang nakaloloko. "Mukha ba akong uto-uto?" Inirapan ko pa siya saka kinuha ang lemonade na inihanda niya.

Natawa naman siya sa sinagot ko at napailing. Pareho kaming natahimik sa sumunod na mga segundo. Sinimulan kong inumin ang juice habang nakatitig sa kawalan, binabalikan ang mga panahon na magkasama kami ni Zachary sa bahay ni Nanay Victoria.

"But I admit—" I started. "—He messed with my mind because that's not the kind of treatment I expected from him. It made me question his real intention."

"Maybe he's really plotting something," Aireen mumbled.

Napakibit-balikat na lang ako at ibinaba ang basong hawak. "Hindi ko alam. Minsan kung hindi niya lang ako naloko noon ay iisipin kong sincere ang mga kilos niya. It's not that I'm being soft like you think, but there's really something off with his behavior."

"How do you say so?" kuryosong tanong ni Aireen, naroon ang panunubok sa tono niya.

I merely shook my head because I couldn't think of the perfect words to express what was bothering me.

"Mahal mo pa?" biglang tanong ni Aireen na ikinakunot ng noo ko.

I looked at her in disbelief. "Anong klaseng tanong 'yan? Pagkatapos niya akong lokohin at patayin ang anak ko mananatili pa rin akong tanga sa kaniya?"

"Sa mga araw na nakakasama mo siya sa probinsya, ni minsan ba hindi ka nakaisip ng mga what ifs?" muli niyang hamon.

Hindi naman ako agad nakasagot. Siguro dahil totoo na minsan ay may mga pumapasok na tanong sa isip ko sa tuwing nakikita ko si Zachary. Hindi man sa paraan na iniisip ni Aireen, pero sa tuwing nakikita ko si Zachary na inaalagaan ang alaga kong kuting ay madalas akong mapaisip.

What if he lets my child live?

What if he accepts our child despite having a relationship with my sister?

What if Angelei is alive? Will he treat his child the way he cares for Angel?

Mapait akong napangiti at walang imik na dinampot ang juice na kalahati na lamang ang laman. Itinapat ko iyon sa laptop ni Zachary saka marahang ibinuhos. Narinig ko ang pagsinghap ni Aireen pero nanatili lamang akong nakatitig sa ginagawa ko, walang emosyon.

"Kung may naiisip man ako na tungkol sa kaniya, iyon ay kung paano siya paluluhurin nang lumuluha sa harapan ko," malamig kong sambit saka ko nilingon si Aireen, isang walang lamang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. "Love? That's bullshit. I can't keep loving a murderer."

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now