CHAP 30

20.2K 573 72
                                    

(⚠️WARNING: THIS CHAPTER MAY TRIGGER YOUR ANXIETY/DEPRESSION/PANIC DISORDER⚠️)

"Thank God you're stupider than me. I thought I was the most dimwitted person on earth." I laughed mockingly and wiped my tears. "Do you really think you can shove that lie at me? You did me wrong and you still had the fvcking audacity to turn the tables to put the blame on me? Cut that shit and, for once, act like a man!" I screamed and pushed him hard on his chest.

Para naman siyang walang lakas na nagpadala sa tulak ko. He looked lost. Nakayuko lang siya at tila nawalan ng planong magsalita pa.

"Ang kapal ng mukha mo para ipagpilitang nagloko ako! Ang kapal ng mukha mo para gumawa ng k'wento kahit pa alam nating lahat ang totoo! Putangina, anong klaseng tao ka? Tao ka pa nga ba?" Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil gusto na namang kumawala ng mga hikbi ko. "Ganiyan ka na ba talaga? Ganiyan na ba talaga kayo? Lahat na lang ng kagaguhan niyo pipilitin niyong ipalunok sa akin. Putangina, anak ko ang pinatay niyo! Anak natin! Kahit kaunting kahihiyan at pagsisisi man lang magkaroon kayo!"

Kumuyom ang mga palad niya at marahan na inangat ang kaniyang paningin patungo sa akin. Gusto kong matawa nang unti-unting bumagsak ang mga luha niya. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakabisado ang bawat sakit na nakapaskil sa mukha ko.

Mapait akong ngumiti. "Ano? Naubusan ka na ba ng kasinungalingan? Naubusan ka na ba ng pekeng senaryo na ipapasok sa utak ko?"

Nanghihina siyang napailing. "I-I . . . didn't kill our baby," he barely managed to say.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay sinampal ko siyang muli. Pulang-pula na ng kaniyang pisngi dahil sa pananakit ko pero wala akong pakialam. Kung pwede ko lang siyang patayin sa oras na ito ay nagawa ko na. Muli akong napaluha, hindi sa sakit kundi sa matinding galit na nananalaytay sa katawan ko.

Tinawid ko ang maliit naming distansya at mariin na hinawakan ang kaniyang panga, matalim ko siyang tinitigan. "I. Fvcking. Swear. Zachary," I emphasized each word. "I will destroy you, and I will make sure that you can never tell another lie again."

Hindi siya pumalag sa pagkakahawak ko kahit pa halos bumaon ang kuko ko sa kaniyang balat. Namungay lang ang kaniyang mga mata na para bang hirap na hirap na siyang panoorin ako. Pabalya ko siyang binitiwan saka walang imik na tinalikuran. Naglakad ako pabalik sa kotse ko at sumakay. Saglit ko pa siyang tinanaw, nakatayo pa rin siya, hindi kumikibo. Para siyang nawawalang bata na tulala sa kawalan.

Ang galing niyang umarte, kaunti na lamang ay iisipin kong may dissociative identity disorder siya. Napailing na lamang ako at pagak na natawa bago sinimulang paandarin ang kotse ko. Ang lakas ng loob niyang magpanggap sa harapan ko na para bang hindi ko mismo nakita ang mga katarantaduhan nila.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang maalala ang ama ko. Hindi ko alam kung ano'ng mas masakit. Iyon bang hindi niya ako pinaniwalaan noon at hindi sinuportahan, o ang katotohanang isa siya sa mga taong pumatay sa anak ko? Buong akala ko ay naloko lang din siya ng kasinungalingan nina Eunice at Tita Ayna, pero all this time kasali pala talaga siya.

Pilit kong iniisip kung ano ba ang nagawa kong pagkakamali sa kaniya. Siguro nga hindi ako ang anak na kaya niyang ipagmalaki sa lahat, pero buong buhay ko, pinilit kong maging mabuting anak sa kaniya. Nag-aral ako nang maayos. Sumunod ako sa mga utos niya. Pinakisamahan ko ang bago niyang pamilya kahit pa madalas nasasaktan ako dahil ramdam kong nagsusumiksik lamang ako sa kanila. Nilunok ko iyong lahat.

Si Tita Ayna. Oo, maaaring mayroon akong sama ng loob sa kaniya, pero sa buong panahon na magkasama kami sa mansyon hindi ako kailanman nagpakita ng kahit anong ikagagalit niya. Pilit kong tinanggap na siya talaga ang pinili ng ama ko. Na siguro nga mas kailangan siya ni Daddy. Hindi ako pumatol sa kahit anong parinig niya sa akin. Kulang pa ba iyon?

Si Eunice. Siguro nga hindi kami pareho ng ina at hindi kami tulad ng ibang magkapatid na sobrang malapit sa isa't isa, pero kahit kailan hindi ko siya inaway. Tinuring ko siyang kapatid. Nagparaya ako sa atensyon at pagmamahal ng ama namin. Nag-adjust ako sa mga pagkakataon na ramdam kong gusto niyang silang tatlo lang ang magkakasama. Pagbabakasyon, pagkain, at iba pa. Lahat ginawa ko para sa kanila.

Si Zachary. Ni minsan hindi ako nagloko sa kaniya. Lahat ng paraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal ginawa ko. Hindi ako pumalya sa pagbibigay ng assurance. Naging mabuti at maintindihin akong partner. Hindi ako nanakal o tumutol sa mga gusto niyang gawin. Hindi rin naman ako ang lumapit sa kaniya para makipagrelasyon, siya ang nagpakita ng motibo sa akin at nanligaw. Kaya bakit? Bakit niya ako pinaglaruan?

Ako ang naubos. Ako ang bumaba sa kanilang lahat. Pero bakit ako pa rin ang pinagtulungan nila?

SINALUBONG agad ako ni Nanay Victoria nang makauwi ako sa bahay. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha nang mapansing basa ang suot ko, pero hindi ko siya binigyan ng atensyon kahit ilang tanong na ang nalapag niya sa akin. Alam kong kabastusan iyon pero hindi ko talaga kayang makipag-usap kahit kanino. Nilampasan ko lang siya. Manhid na manhid ako na maski ang pagkilos ko ay hindi ko na maramdaman.

Umakyat ako sa hagdanan at nagtungo sa ginagamit naming k'warto ni Zachary. Tumakbo agad palapit sa akin ang alaga kong kuting pero kahit siya ay hindi ko magawang pagtuunan ng pansin. Dumiretso lang ako sa cabinet at kumuha ng pamalit na damit, pagkatapos ay muli akong lumabas ng silid at nagtungo sa banyo.

Para akong robot na kusang gumagalaw. Sa bawat pagbuhos ko ng tubig sa aking katawan ay bumabalik ang mga alaala ko sa mansyon. Gusto ko ulit umiyak, sumigaw, magwala, pero tila napagod na rin ang sarili ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naligo. Nang matapos ako ay muli akong bumalik sa k'warto at doon tulalang nagsuklay habang nakaupo sa gilid ng kama. Pilit akong nilalaro ni Angel pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Pakiramdam ko ay nasa isa akong panaginip, na tila hindi totoo lahat ng nasa paligid ko. Para akong hinihila sa pagitan ng ilusyon at realidad.

Wala sa sarili akong tumayo at ibinalik ang suklay sa loob ng drawer ng bedside table, pero bago ko pa iyon maisara ay nakuha ng isang gunting ang aking atensyon. Kinuha ko iyon at saglit na tinitigan. Mayamaya pa ay pinaghiwalay ko ang talim niyon at itinapat ang isang parte sa aking pupulsuhan. Idiniin ko nang sobra ang gunting sa aking balat at saka marahan na hinila. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses kong hiniwa ang sarili ko.

Agad kumabog ang dibdib ko nang walang tigil na dumaloy ang aking dugo. Pinanood ko lang iyon habang nararamdaman ko ang paninikip ng aking hininga. Mapait akong ngumiti. Katulad ng normal na nangyayari sa akin sa tuwing nakakakita ako ng dugo, muli akong kinain ng eksena ng nakaraan. Umikot ang paningin ko. Bumalik ang imahe kung saan nakasalampak ako sa sahig at niyayakap ang dugong nawala sa akin, ang anak ko. Ang pagmamakaawa ko, ang bawat hagulgol ko.

Angelei . . .

Patawad, anak, kung hindi kita nagawang protektahan.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now