CHAP 21

22.1K 470 41
                                    

I'm not sure how long it was before I realized I had slept off; I didn't even notice it until a gentle touch on my hair roused me from my nap. I purred and opened my eyes gradually. I was a little taken aback when Zachary's face emerged in front of me.

"Good morning," he said softly, although his demeanor was still strong due to his rugged features.

My forehead furrowed when I caught a whiff of smoke. I ignored him and roamed my eyes, searching for that smell, but I found none. My attention went to him again when he got up from the bed.

"I have already prepared your grilled chicken intestines," he said.

Hindi ako umimik. Natuon lang sa kaniyang pisngi ang paningin ko nang makakita ng kung anong kulay itim doon. Mayamaya pa ay napaawang ang bibig ko nang itinaas niya ang laylayan ng kaniyang damit at ipinunas sa kaniyang mukha—marahil ay napansin niya ang paninitig ko. Tumambad tuloy sa akin ang impis at medyo maskulado niyang tiyan na mayroon pang panaka-nakang pawis. Napaiwas ako ng tingin at wala sa sariling tumikhim.

"Hindi na ako nagugutom," ani ko at saka siya tinalikuran.

Naramdaman ko ang mabilis na paglubog ng kama sa gilid ko. "Is there something wrong?" usisa niya.

Napatiim-bagang naman ako at gumalaw palayo dahil nararamdaman ko ang pagdikit ng kaniyang katawan sa aking likod. "I lost my appetite. Hindi ko na gusto ng isaw, buko na pala ang gusto ko."

"What?" hindi makapaniwala niyang sambit.

Kita ko ang pagbagsak ng kaniyang mga balikat mula sa gilid ng aking mga mata. "But . . ." he trailed off. "I personally grilled it for you," I heard him whisper.

Natigilan naman ako nang unti-unting mapagtanto ang amoy na kanina ko pang naaamoy pati na rin ang dumi na nakita ko sa mukha niya. Palihim akong humugot ng hininga at saka siya nilingon nang walang emosyon. Bakas ang pagkabigo sa kaniyang mukha, ni hindi niya iyon inabalang itago sa akin.

"Did I ask you to do that?" I said, brows arching.

He heaved a sigh. "What do you want? Coconut juice or the flesh itself?" he asked instead of answering.

"Both," I said and turned my back again.

"Okay," he uttered weakly. "I'll just put the grilled intestines aside for now, just in case you want it again later."

Naramdaman ko ang pagtayo niya paalis sa kama. Mabagal ang bawat galaw niya na animo'y nawalan ng lakas kumilos. Nang marinig ko ang mga yabag niya ay marahan kong nilingon ang kaniyang direksyon. Asta na niyang pipihitin ang seradura ng pinto nang bahagya akong tumikhim dahilan para tumigil siya at matuon ang atensyon sa akin.

"May kailangan ka pa ba?" tanong niya.

"Dal'han mo ako ng isaw pirasong isaw," ani ko.

Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Zachary. Ilang beses siyang tumango bago tuluyang lumabas ng silid. Napairap lang naman ako sa kawalan saka napatingin kay Angel na ngayon ay gising na at nakamasid sa akin. Napaismid ako at bumangon. Binuhat ko siya patungo sa aking hita at saka hinaplos ang may kalaguan nitong balahibo.

"How's your sleep, baby?" I asked sweetly.

Katulad ng nakasanayan ay ngimiyaw siya sa akin bilang sagot at saka nag-inat. Napangiti naman ako at sinimulan siyang laruin gamit ang aking mga daliri. Sinusubukan niyang hulihin ang mga iyon sa tuwing hinahaplos ko ang kaniyang tiyan—bagay na minsan gusto niya, madalas ayaw naman.

"Ouch!" munting daing ko nang sumabit ang kaniyang kuko sa balat ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang sumulpot si Zachary. May bitbit siyang isaw habang hinahawakan at sinusuri ang kamay ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng kaseryosohan at pag-aalala sa kaniyang mukha kahit hindi naman gano'n kalala ang natamo kong sugat.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now