CHAP 23

22.6K 558 48
                                    

(WARNING: May kaunting kulbit. Ehe 🤭)

I couldn't look at or even smile at other guests, while Zachary could barely wipe the smile off his face while talking to them. His hand remained on my back even though he occasionally moved to take the glass on the table. He was drinking with the people, and I don't know if he was drunk or just high.

"Do you want something?" he asked.

Napaayos ako ng upo dahil halos sumiksik ang ulo niya sa leeg ko nang ibulong niya iyon. Nakita ko ang sinusupil na ngiti ng mga kaharap niyang matatanda kaya naman muli akong napayuko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Pasimple akong lumayo pero mabilis pa sa alas-kwatro niya akong nahila pabalik sa tabi niya. Kulang na nga lang ay iupo niya ako sa kaniyang hita kung kinakailangan.

"Are you drunk?" I hissed, teeth gritting.

Katatapos ko lang kumain. Isang oras na rin ang nakalipas mula nang magsayawan ang mga bisita at ang ikakasal. Hindi ako nakisali sa event. Bukod sa hiyang-hiya akong magpakita sa kanila dahil sa eksena namin ni Zachary ay hindi niya rin ako hinahayaan na mawala sa paningin niya.

Zachary chuckled lowly and for the fvcking nth time, he buried his face again between my neck and shoulder. I don't know how he can do that comfortably. We were sitting in our respective monoblocks, and there was a wide table in front of us. Despite the distance and our separate seats, he still managed to stick with me.

"I always treat you this way, Atasha, whether I'm intoxicated or not, especially when you're wearing those kinds of clothes," he whispered.

Nanindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang bawat pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko. Mariin akong napalunok at kinuha ang baso na may lamang tubig sa harapan ko. Tahimik ko iyong nilagok kahit pa ramdam ko ang paninitig sa akin ni Zachary.

"Napakaganda mo, binibini."

Pakiramdam ko ay nakipag-agawan ako ng buhay kay Kamatayan. Habol ko ang aking hininga habang walang tigil ang aking pag-ubo. Ramdam ko rin ang pagdaloy ng ininom kong tubig sa ilong ko.

Ptngna.

"Are you okay?" tanong ni Zachary habang inaabutan ako ng tissue, sinamaan ko lang naman siya ng tingin.

"Oh? Ano'ng nangyari, Sakaryo?" rinig kong usisa ni Manong Pidong.

Saglit naman siyang nilingon ni Zachary at ngumiti. "Nabigla lang si Misis, 'Tay. Sabi ko kasi pagkatapos niyang manganak gusto ko ulit ng isa pa," kwento niya.

Hindi ko alam kung manununtok ba ako sa inis o magtatago sa hiya lalo na noong nagsimulang magsigawan ang mga matatandang kainuman niya. Bigla ay nagsisi akong sumama kay Nanay Victoria. Bukod sa overdressed ako kaysa sa ikakasal, hindi ko na rin kayang tagalan si Zachary.

God, save me from this mess.

Napahilot ako sa aking sentido habang humuhugot ng hininga. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng patong-patong na kahihiyan. Napasinghap ako nang sa isang iglap ay mabilis akong naiangat ni Zachary at ikinandong sa hita niya, pumulupot ang kaniyang kamay sa aking tiyan at isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg.

"Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?" paos niyang sambit.

Involuntarily, my heart skipped a beat. I could smell his fragrant breath mixing with the smell of alcohol. He hugged me even tighter, as if he was very used to what he was doing.

I clenched my teeth and tried to calm down. I admit, he's really like this when we're still together, so it's no wonder how he fooled me. Who the hell would doubt this kind of behavior?

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now