CHAP 27

20.6K 492 30
                                    

Suddenly, all of my exhilaration subsided—possibly because I thought back on my past. I was quiet for the following few hours. I wasn't even moving from my position; I was just looking at my surroundings and Zia from time to time, who is now assisting Nanay Victoria in setting out the tableware for eating.

Napabuntonghininga ako at tumingin sa mapayapang langit. Mapait akong ngumiti. Hindi ko maiwasang magtanong sa Panginoon kung bakit ko naranasan ang lahat ng masasakit na bagay na ibinigay niya. Para palakasin ako? Para mas ihanda ako?

Pero kailangan ko ba lahat ng iyon?

Maybe I wasn't a perfect child. Even so, I know that I have been an honest and good partner. I couldn't help but feel unfair. Why do I have to suffer all the pain? Why do I have to be the only one to be broken?

Revenge. Only the ignorant don't realize that's wrong, but can they hold it against me?

Two years ago, I was at my lowest point. I lost a child. I was cheated by people I trusted. The person I was hoping would support me abandoned me. I was forever deprived of the opportunity to be a mother. So is it wrong for me to make them suffer the miserable life I have? While I was haunted by nightmares and consumed by trauma, they slept soundly and even managed to prepare for a wedding. That's more inappropriate than revenge, right?

Pagak akong natawa nang maalala ang sinabi ng doctor sa akin bago pa man ako lumipad patungong America. Pilit niya mang pagandahin ang salita niya ay alam kong iisa lang ang ibig sabihin niyon, hindi na ako magkakaanak pa kahit kailan. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ng anak ko sa katawan ko, mababa pa sa mas mababa ang tsansa na mabuntis ako. Pakiramdam ko noon ay wala na akong silbi kaya naman kahit may mga nagtangkang manligaw sa akin ay hindi ko sila pinagbigyan. Alam kong may mga taong kayang bumuo ng pamilya na walang anak, marami ring option ngayon tulad ng pag-aampon para mapunan ang bagay na iyon. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang i-open ang bagay na iyon sa iba kaya naman kahit kay Aireen na kaibigan ko ay hindi ko ipinaalam. Pakiramdam ko ay magiging pabigat lang ako sa iba kaya naman sinolo ko na lamang ang bagay na iyon. Pinili ko na lamang mag-isa kaysa ipakargo rin ang problema ko sa magiging partner ko.

I have faith that one day I will likewise accept the situation I am in. The idea that I am inadequate and useless will no longer exist in my mind. But since it's still ingrained in my soul, I shall utilize it as a weapon against them.

"Are you okay?"

Marahang napabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Nakatitig sa akin si Zachary na para bang inaalam niya sa mukha ko ang problema. Ramdam ko ang pag-aalala niya, saglit pang natuon ang kaniyang paningin sa aking tiyan at marahang umupo sa tabi ko.

"Is there something wrong?" muli niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya, ang mga mata niya, ang kilos niya. Nakakatawang isipin na nakikita ko ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan ko sa mga oras na ito. Kung paano siya tumingin at kumilos noon ay katulad na katulad ng mga panahong wala pa akong alam sa lahat. Mga pagkakataong akala ko lahat ay totoo.

"Why?" mahinang sambit ko na ikinakunot ng noo niya.

Why do you have to treat me like that?

Itinuon kong muli ang aking atensyon sa kawalan. Tahimik lang naman siya sa gilid ko na parang naghihintay ng susunod kong sasabihin. Mapait akong ngumiti at pumikit nang tumama ang malamig na hangin sa mukha ko. Ramdam ko ang paglipad ng ilang hibla ng mga buhok ko na hindi ko inabalang ayusin.

Gusto ko ring makawala sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ring maalis lahat ng galit sa dibdib ko. Gusto ko ring mamuhay nang payapa katulad ng hangin na malayang naglalakbay sa buong mundo.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now