CHAP 19

21.1K 568 65
                                    

Hindi ko na masundan ang mga nangyayari. Mabilis na inasikaso ng veterinarian si Angel nang dumating kami. May mga itinanong siya sa akin na hindi ko na rin alam kung paano ko nagawang sagutin. I was lost. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Angel habang chine-check siya ng mga nakapaligid sa kaniya.

Ramdam ko ang mga luha ko na walang tigil sa pagtulo. Nanginginig ang mga kamay ko at nananakit na rin ang dibdib ko sa lakas ng kabog niyon. Kung hindi nakaalalay si Zachary sa gilid ko ay baka kanina pa akong bumagsak sa sahig.

"Everything will be okay."

I don't know how many times he has whispered that. As much as I wanted to believe, I couldn't. Not because I don't want Angel to be well, but because I am terrified. Seeing her fight for her life broke my heart. Although she was new in my life, she still held a significant amount of importance for me, and I became attached to her.

A few minutes later, Zachary and I were sitting on the sofa. Angel is now undergoing an operation because the doctor found out that the kitten's poop had hardened inside her tummy. I prayed silently, asking for her safety because the surgery was risky for her young age.

Nabaling ang atensyon ko sa aking hita nang hawakan ni Zachary ang kamay kong nakapatong doon. Marahan niya iyong pinisil. Hindi siya nakatingin sa akin, katulad ko ay nasa mga kamay namin ang atensyon niya.

"She will be okay," I heard him murmur, trying to comfort me.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mamuong muli ang mga luha ko. Bago pa man bumagsak ang mga iyon ay maingat akong hinila ni Zachary patungo sa kaniyang dibdib. Doon ako impit na humagulgol. Yes, I am mad at him, but right now I feel nothing but fear.

Ilang minuto pa ang lumipas, naliliyo na ako at nasusuka. Mukhang napansin iyon ni Zachary kaya naman inabutan niya ako ng tubig at pinaypayan gamit ang isang may kakapalan na flier. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata nang sandaling magtama ang mga paningin namin pero hindi ko siya inintindi.

"You should rest. You are already stressed, Atasha. It's not good for you and for our baby," he said.

I didn't speak. Nararamdaman ko man ang sobrang panghihina at pandidilim ng paningin ko  ay pinilit kong umakto nang maayos. Muling kumabog ang dibdib ko nang makita ang doktor na papalapit sa amin.

Mabilis akong tumayo. "How is she, doc?" bungad ko.

Napakapit ako kay Zachary nang umaalon ang paningin ko sa biglaan kong kilos. Agad namang pumulupot ang kamay niya sa baywang ko bilang pag-alalay. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin at pagtatanong kung okay lang ako pero hindi ko siya inintindi.

"Successful ang operation pero kailangan pa rin natin siyang tutukan," ani ng doktor.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Yes, she's still not a hundred percent safe, but the fact that she fought and didn't die on the operating table made me feel a little at ease. She's fighting, and I know she can do it.

Tipid akong napangiti sa kabila ng pandidilim ng paningin ko. "Thank yo—" Hindi ko na natapos ang pasasalamat ko nang tuluyan na akong nabuwal sa aking tayo.

Hindi ko na naalala ang nangyari pagkatapos niyon. Nagising na lang ako sa isang pamilyar na k'warto. Mabagal kong inilibot ang paningin ko at natigilan nang makita si Zachary sa gilid ng kama. Tagilid na nakaub-ob ang kaniyang ulo habang nakaupo siya sa sahig. Hindi ko alam kung paano niya nagawang makatulog sa gano'ng posisyon. Asta ko siyang gigisingin nang matigil sa ere ang kamay ko, wala sa sarili akong napatitig sa kaniyang maamong mukha. I couldn't help but think back to a moment when I thought everything was perfect as I stared at him right now.

I get it; you love my sister, but is it really necessary to fool me?

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko dahilan para kusa siyang magising. Mabilis na natuon ang kaniyang atensyon sa akin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga titig niya.

"Are you okay?" he asked.

There was a mixture of worry, slight anger, and pain in his eyes, and I couldn't understand why.

Tumango lang naman ako at saka maingat na bumangon. "How's Angel?"

"She's now stable. Kailangan lang siyang tingnan ng doctor ng isa pang araw bago i-discharge," sagot niya.

Nakalma man ako sa ibinalita niya ay bahagya akong nailang dahil napansin ko ang paninitig niya sa akin. Para bang may bagay siyang binabasa sa akin na hindi niya maintindihan. I averted my gaze and decided to stand up. Mabilis namang napunta sa gilid ko si Zachary, nahigit ko pa ang hininga ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

"Okay lang ako. Kaya kong kumilos mag-isa," ani ko at pasimpleng lumayo sa hawak niya.

I heard him heaved a deep breath and didn't bother me anymore. Ramdam ko ang pagsunod ng paningin niya habang naglalakad ako patungo sa pintuan. Asta ko nang bubuksan ang pinto nang marinig ko ang mga yabag niya.

"Atasha," he called behind my back.

Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong emosyon nang lingunin ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kita ko ang pagbuka ng bibig niya para magsalita pero natitigil iyon sa ere. Para bang hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa akin.

I raised an eyebrow. "What, Zachary?" I said lazily.

He cursed weakly and bit his lower lip, he even ran his fingers through his hair. "For a month," he started.

Mas lalong umangat ang kilay ko habang naghihintay nang idudugtong niya. Mayamaya pa ay nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napaatras nang bigla niyang tawirin ang pagitan naming dalawa. I was caught off guard. He stared at me as he slowly jailed me on the door. Ayon na naman ang halo-halong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maintindihan kung para saan.

I was about to push him when he weakly dropped his head on my shoulder, his hands remained on both sides of my head. I could feel his heavy breath. He looked frustrated and tired.

"For a month . . . let's forget everything," he mumbled hoarsely.

Natigilan ako at walang emosyon na prinoseso ang sinabi niya.

"For a month . . . let's pretend that we are okay," he added and then slowly lifted his head.

Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Isang buwan lang. Kalimutan muna natin ang nakaraan."

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now