CHAP 18

22.4K 513 34
                                    

Zachary was nowhere to be found when I woke up. I knew he wouldn't stay with me every day, but I didn't think that I wouldn't see his face the next morning either. Anyway, I'm just thankful for that.

Saglit akong nag-inat at natagilan nang makita ang kuting na pumapasok sa loob ng isa sa mga paper bag na nakalagay sa sahig. Kumunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang tatak ng bawat isa kaya naman alam kong mga damit, under wear, at kung ano pang personal na gamit ang laman ng mga iyon. Napalingon ako sa night stand nang may mag-vibrate roon at nakita ang isang smart phone. Agad ko naman iyong kinuha at pinindot ang message notification na nakabungad sa screen.

You can use this phone temporarily. Message me if you need anything else, and please drink your milk.

Isang irap ang pinakawalan ko at isinara ang thread ng mensahe ni Zachary. Itinipa ko ang numero ni Aireen at tinawagan habang isa-isang tinitingnan ang laman ng mga paper bag, naghahanap ng pupwedeng suotin ngayong araw. Wala pa mang ilang segundong nagri-ring ang linya ay sinagot na iyon ng kaibigan ko.

"Atasha?" bungad niya.

I hummed softly in response, then pressed the phone to my ear and shoulder while opening the undies that Zachary had bought. I felt my cheeks heat up slightly when I noticed that they were all lace-style and all red. Even the five bras were the same color.

"What happened to you? Hindi ka umuwi," ani Aireen.

Hindi ko napigilang huminga nang malalim at binitiwan ang mga under wear na hawak ko. Bahagya akong umupo nang maayos sa sahig at pinanood si Angel na muling sumusuot sa loob ng mga paper bag.

"I was abducted," simple kong tugon.

"You, what?!" mataas na tonong sambit niya sa linya. "Nasaan ka ngayon? Alam mo ba kung saan ka dinala? Kilala mo ba kung sino ang dumukot sa iyo? Are you okay?" she asked in panic.

"Chill. It was Zachary. Dinala niya ako sa isang probinsya rito sa Batangas."

Hindi naman siya agad sumagot at narinig ko ang pabagsak niyang pag-upo sa sofa. "You don't plan to run away?" nakikiramdam niyang usisa.

I shrugged, although she couldn't see it. "As of now, sasakyan ko muna ang trip niya sa buhay. Maghahanap din ako ng iba pang bagay na pwede niyang ikabagsak."

"What if mag-backfire 'yan sa iyo?"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "What do you mean?"

"Alam mo na . . . mabilog ka ulit," malamang sagot niya.

I scoffed and stood up. "Alam nating dalawa na kung may maloloko man sa amin ngayon, siya iyon."

Isang malalim na hininga ang narinig ko mula kay Aireen, halatang hindi niya gusto ang plano kong pananatili rito sa probinsya kasama si Zachary.

"Anyway, naipasa ko na sa Ombudsman ang mga dokumento at reklamo sa father mo," pag-iiba niya sa usapin.

"How long does it take for the investigation to begin?" I asked and sat on the bed.

Aireen hummed on the line. "Baka mamaya o bukas puntahan na nila ang Daddy mo. Naipakalat ko na rin ang balita tungkol sa kurapsyon niya."

Tumango-tango na lamang ako at marahan na humiga sa kama. Hindi na ako nagsalita. Nakatitig lamang ako sa kisame, pinakikiramdaman ang sarili ko kung makakaramdam ako ng konsensya o awa para sa ama ko. Pero siguro nga, mas malalim ang galit ko dahil ni katiting na amor ay wala akong maramdaman para sa kaniya.

"You still care," Aireen mumbled.

"What?" taka kong wika.

"We both know, Atasha, that your father will get over it, although what you did will definitely have an effect on his image."

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now