CHAP 12

23.1K 594 21
                                    

The white ceiling welcomed me the moment I opened my eyes. I can also smell the chemicals that surround the room. I am in the hospital, I'm sure of that.

Marahan kong inilibot ang aking paningin. Walang tao bukod sa akin. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang s'werong nakaturok sa aking pupulsuhan.

Kailangan ba ito?

Napabuntonghininga na lamang ako at napatitig muli sa kisame. Normal na ito sa akin; ang atakihin sa tuwing nakakakita ako ng dugo. Nagsimula ang lahat noong nakunan ako. Maski ang buwanang dalaw ko ay hindi ko matagalan. May cases na hindi naman ako inaatake, iyon ay kapag clouded ang isip ko sa ibang bagay.

Yes, it fvcking traumatized me.

Natuon ang atensyon ko sa pintuan nang lumagitnit iyon. Unti-unti ay lumitaw ang bulto ni Zachary. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Agaw pansin ang nakadikit na band aid sa kaniyang ibabang pisngi. Nakasuot siya ng white coat habang may nakasabit naman na stethoscope sa kaniyang leeg. Mayroon din siyang bitbit na papel sa kaniyang kamay. Kasunod naman niyang pumasok ang isa pang doktor.

Naunang lumapit si Zachary sa akin. Sinuyod niya ang kabuuan ko bago muling itinuon ang atensyon sa aking mukha, sa mga mata ko specifically.

"Do you feel okay? You don't experience breathing difficulties?" he asked.

Naiilang man ay umiling ako. Iniiwas ko ang aking paningin. Pasimple kong nahigit ang aking hininga nang hawakan niya ang braso ko.

"Are your senses coming back now?" he questioned once more. "Is there nothing that hurts with you? Your chest? Your stomach? Body pain?"

Hindi naman ako nakasagot at napatitig lang sa kaniya. Yes, I am definitely aware that he's a doctor. Naninibago lang ako na nakikita siyang nagtatrabaho. Bukod pa roon, hindi ko inaasahan na siya mismo ang magsusuri sa akin. He's a cardiologist for Pete's sake! I mean, it can be related somehow, but he knew for sure that it was not him that I needed.

Isang tikhim ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Lumapit ang doktor na kasama ni Zachary sa kaniya at tinapik ang balikat nito, ipinararating na siya na ang mag-aasikaso sa akin. Doon ko lang nagawang ituon ang paningin ko sa kaniya. He's Thelmo, Zachary's closest friend.

Saglit pang umigting ang panga ni Zachary bago ibinalik ang paningin sa akin. Umiwas naman ako at bahagyang inilayo ang braso ko sa pagkakahawak niya. Isang buntonghininga mula sa kaniya ang sunod kong narinig bago siya marahang lumayo, binibigyang distansya ang doktor na kasama niya.

"Good evening, Ms. Rodriguez. I am Doctor Verdox, a psychiatrist. Can I ask you some questions?" pormal niyang saad sa akin.

I am still speechless because of my hesitation. It's not that I don't trust him; I just don't like the fact that Zachary was with us. In addition, he's his friend.

Mukhang nakahalata naman si Thelmo sa pag-aalangan ko kaya tiningnan niya si Zachary at sinenyasang lumabas.

"What? No, I'll fvcking stay here. I need to know her situation," he uttered.

Wala sa sariling napahilot sa kaniyang sentido si Thelmo. Mayamaya pa ay kusa niyang hinila si Zachary sa lab coat nito at kinaladkad palabas. Rinig ko pa ang mahihina nilang pagtatalo sa bungad ng pintuan.

"Fvcking stop, dude. This case is private; you know that. Just stay there and wait for me to finish examining her," anas ni Thelmo at saka tuluyang isinarado ang pinto.

Lumakad siya pabalik sa akin. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago pumormal ng tayo. Sandali niya pang ch-in-eck ang hawak niyang chart at saka tumingin sa akin.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now