CHAP 9

23.5K 611 77
                                    

I don't know how many hours I've been staring at the ceiling of my room. After my argument with my dad, I came here and never got out again. I didn't bulge even when the maid called me to join my family for dinner.

Hindi ko gustong bumalik o bumisita sa bahay na ito. Kung hindi ko lang kailangan na pumunta rito para sa mga plano ko ay hindi ko gagawin. Sino nga ba'ng gugustuhing bumisita sa impyerno?

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang muling bumalik ang mga alaala ko. Kung paanong lahat sila ay sinaktan ako. Kung paano ako tinalikuran ng ama ko na inaasahan kong kakampi sa akin.

AMOY na amoy ko ang kemikal na pumapaloob sa paligid nang magising ako. Nanatili man akong nakapikit ay hindi nakatakas sa akin ang mahihinang sigaw ng mga taong kasama ko. Nagkakagulo.

"Talagang ngayon niya pa talaga ginawa ito!" Boses iyon ni Daddy, bakas ang gigil sa kaniyang tono.

"Huminahon ka muna. Magagawan natin ito ng paraan," ani naman sa kaniya ng stepmother ko.

May sumibol na kaunting pag-asa sa dibdib ko nang marinig ang aking ama. Para akong bata na biglang nakaramdam ng pag-asa. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin. Base sa puting silid at mga equipment na nakakabit sa akin ay alam kong nasa ospital ako. Nakatayo sina Daddy at Tita Ayna dalawang dipa ang layo mula sa p'westo ko, halatang nagtatalo. Nakaramdam naman ako ng galit nang nakita si Eunice na nakade-kwatro ng upo sa sofa.

"Daddy . . ." tawag pansin ko.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. Bumalik ang matinding sakit sa puso ko habang inaalala ang dahilan kung bakit naririto ako ngayon. Mabilis na napunta sa akin ang atensyon nila.

"Daddy . . ." muling tawag ko kasabay ang pagpatak ng isang luha ko.

Gusto kong magsumbong pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Nagulat ako at natigilan nang mabilis akong pinuntahan ng ama ko at mahigpit na hinawakan sa aking braso, hindi alintana kung nakahiga ako ngayon sa hospital bed.

"Puro na ba kahihiyan ang ibibigay mo sa akin, Atasha?!" galit na sigaw niya.

Napaawang ang labi ko at nalilitong tumitig sa kaniya. "D-dad," utal kong sambit nang mas dumiin ang pagkakahawak niya sa akin.

Walang-awa niya akong hinatak upang ibangon at agad na dumapo sa aking pisngi ang kaniyang palad sandaling makaupo ako.

"Javier!" Inawat siya ni tita at pilit na inilayo sa akin.

Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko habang nakahawak sa aking pisngi. Nalilito, nasasaktan, nawawalan ng pag-asa. Tulala lamang akong nakatingin sa mukha ng ama ko na ngayo'y sumasabog sa galit.

"Tangna, Atasha! Wala akong ibang hiniling sa iyo kundi ang ayusin mo ang buhay mo! Napakahirap ba niyon?" muling sigaw niya sa akin.

"D-Dad . . . wala po akong ginagawa," pilit kong saad sa nanginginig kong boses.

Muli sana niya akong lalapitan kundi lang siya pinigilan ni tita. "Javier, stop it. Huwag mong palalain ang sitwasyon. Nandito tayo sa ospital, maririnig tayo ng mga tao sa labas. Gusto mo bang mas masira ang reputasyon mo sa kanila?" aniya sa ama ko.

"Kausapin mo ang lintek na 'yan! Nanggigigil ako sa kawalanghiyaan niya," sagot ng ama ko at saka mabilis na umalis ng silid.

Pabalya niya pang isinarado ang pinto na lalo kong ipinag-isip. Hindi ito ang inaasahan ko. Ako ang nawalan. Ako ang trinaydor. Ako ang pinagloko. Pero bakit ako ang tumatanggap ng galit ng ama ko?

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now