CHAP 20

22.3K 578 65
                                    

I stared at him, then slowly licked my lower lip. "I don't know whether to laugh or be annoyed by your stupidity, Zachary," I stated and stepped back.

"Is what I did really hurt your ego that much, Atasha?" he asked, the frustration in his eyes faded.

What? Ego?

I scoffed. "Ego ko ba talaga ang natatapakan dito? Sino ba 'tong naghahabol sa anak ko dahil alam niyang mahihirapan siyang makabuo sa fiancee niya?" My eyes scanned him from head to toe, definitely telling him that I'm disgusted and pissed. "Ikaw, Zachary? Hindi na ba makayanan ng pagkalalaki mo na lunukin lahat para lang makuha ang gusto mo? Unti-unti ka na bang nababaliw?" I chuckled mockingly.

Mabilis na umigting ang panga niya. I know I hit him with my words. Malinaw na malinaw ang pagtitimpi sa mukha niya ngayon.

"Aren't we just the same? Aren't you also desperate for revenge because I will marry your sister? You ruined my name, you ruined our marriage, and you ruined your father's image. Your ego ate you up so much that you were able to destroy everything, Atas—"

My hard slap made him stop talking. Pulang-pula ng pisngi niya at halos makita ko ang bawat linya ng mga daliri ko roon. Nakipagsukatan siya ng masamang tingin sa akin.

"Ang lakas ng loob mong sabihin lahat ng iyan sa harapan ko," mariin kong sambit at kinuyom ang mga palad ko sa galit. "Hindi tayo magkapareho, Zachary. Ikaw, nakipagrelasyon ka sa kapatid ko para sa pansarili mong kaligayahan. Ako, ginawa ko lahat ng iyon para iparamdam sa iyo ang karma mo."

He smirked mockingly. "Karma," he uttered. "Who are you to give me that?"

Mabilis na nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin ulit pero kinontrol ko ang sarili ko. Hindi na rin ako nag-abalang makipagtalo pa dahil una sa lahat, hindi ko naman planong ipaintindi sa maliit niyang kukote ang ginagawa ko. What I want for him is to suffer.

"Just leave, Zachary. Hindi makabubuti sa akin at sa anak ko na makita ka," walang emosyong ani ko at saka siya nilapampasan.

Hindi ako tumuloy sa paglabas, sa halip ay naglakad ako pabalik sa kama at nahiga roon nang hindi siya nililingon. Pilit kong binalewala ang presensya niya kahit pa alam kong nanatili siya sa kaniyang pwesto. Hindi umaalis, hindi kumikilos.

"I will stay here," aniya matapos ang ilang segundo.

Pikit-mata akong nagkunot ng noo. I heard his footsteps approaching my direction so I was slightly alarmed. Napatiim ang bagang ko nang maramdaman ko ang paglubog ng kama. Handa na sana akong bulyawan siya nang matigilan ako sa sunod niyang ginawa. Marahan akong nagmulat at yumuko upang tingnan ang kamay niyang humawak sa tiyan ko.

"I changed my mind. I will stay here to watch over you," he murmured.

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. "And our baby," he added hoarsely.

Kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin kong nababaliw na siya. "Leave, Zachary. Hindi kita gustong makita."

Nanigas ako sa aking pagkakahiga nang maramdaman ko ang tuluyan niyang pagtabi sa likod ko. Mabilis na pumulupot ang kaniyang kamay sa aking baywang, hindi ako binibigyan ng pagkakataong makawala. I heard him chuckle as I felt him lick his lips against my neck.

"Now that you're pregnant, you don't want to see me." There was something unusual in his tone. "Whereas when you entered my class, you always wanted me to make love to you. Is that a pregnancy hormone?"

Since when did I ask him to make love to me? As far as I remember, what I wanted was fvcking.

I was about to get up, but his grip tightened around my waist. "Stay," he commanded in a low raspy voice. "If you don't want to forget the past, then to hell with that. Let's both live with your anger."

"You're crazy," I said coldly.

I was stunned when he pulled me closer to him. "Yes, I've gone mad and desperate. I do not care. The important thing is that I'm the one who got . . ." he paused for a moment, "you pregnant."

I don't know why my heart beat faster when he said that. It's like there's something in his tone that I need to prepare for. A severe trap that I need to escape.

Lumipas ang dalawang araw at hindi nga siya nawala sa paningin ko. At first, I gave him cold shoulders. Hindi ko pinapansin ang bawat pagkakataon na ginugulo niya ako o kinakausap, pero nang mapagtantong magagamit ko ang oras na ito para sa paghihiganti ko ay may ideyang pumasok sa isipan ko.

It's 1 o'clock in the morning. Bumangon ako at sinipa siya sa kaniyang binti dahilan para pupungay-pungay siyang gumising. Walang emosyon ko siyang pinanood na bumangon mula sa pagkakahiga sa sahig.

"Atasha? Is there a problem?" he asked with his half-opened eyes.

Nakita ko pa ang pagsilip niya sa gilid ng kama ko kung saan mahimbing na natutulog si Angel. Iniisip niya siguro na ang kuting ang dahilan kung bakit ko siya ginising. Yes, she was already discharged.

"Gusto ko ng isaw," ani ko.

"You want what?" naguguluhan niyang tanong.

Sandali siyang nagkusot ng mga mata at itinuon ang buong atensyon sa akin.

"I said I want grilled chicken intestine, Zachary," I repeated.

Napaawang ang mga labi niya at saglit na sinilip ang kaniyang wrist watch. "At this time?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Baby, wala pang bukas na ihawan ng ganitong oras."

Napatiim-bagang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung dahil ba bangag kaya hindi niya naiintindihan ang lumalabas sa bibig niya ngayon o sinasadya niya lang talaga akong paikutin sa bitag niya. Pinili ko na lang balewalain iyon at muling humiga. Tinalikuran ko siya.

"My baby wants it," I said simply and closed my eyes.

Hindi ko siya agad naramdaman na kumilos kaya naman sandali ko siyang nilingon. He was staring at me. There was an unreadable emotion in his eyes. Akala ko ay makikipagtalo pa siya sa akin o kaya naman ay babalewalain na lang ang sinabi ko. Nagulat ako nang matapos niya akong titigan ng ilang segundo ay tahimik siyang tumayo.

"Anything else?" he asked, and this time there was a slight softness in his voice.

Napaiwas naman ako ulit ng tingin at saka bumalik sa aking pagkakatalikod. "Iyon lang. Dalian mo," walang emosyon kong utos.

Narinig ko ang pagkaluskos ng kaniyang susi na nakapatong sa ibabaw ng night stand. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis ngunit nahigit ko ang aking hininga nang naupo siya sa likuran ko. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagmamasid niya. Mayamaya pa ay naalarma ako nang unti-unti siyang yumuko, huli na para maiwasan ko ang labi niyang dumampi sa noo ko.

"I'll be back. Bumalik ka na sa tulog mo, gigisingin na lang kita pagbalik ko," masuyo niyang sambit bago tuluyang tumayo at umalis ng silid namin.

Napakuyom na lang ako ng mga kamay at pilit na inalis sa isipan ko ang ginawa niya.

This is a tough fight with a veteran manipulator, Atasha. Keep your walls high and strong.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now