CHAP 10

24.3K 613 53
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw ay umalis na ako ng mansyon at nagtungo sa aking boutique. Bumungad sa akin ang head manager ng shop na naghihintay sa akin upang i-assist ako. Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin bago bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang.

"Good morning, ma'am," bati niya sa akin.

Hindi ako normal na ngumingiti sa mga tauhan ko pero dahil masaya ang simula ng araw ko ngayon ay tipid ko siyang nginitian pabalik. Kitang-kita ko ang pagkabigla niya base sa panlalaki ng kaniyang mga mata.

"How's the sales?" I casually asked as I went inside the store.

Malinis, mabango, at presentableng boutique ang bumungad sa akin pagpasok ko. Dire-diretso ang lakad ko habang inililibot ang aking paningin sa mga damit. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Maayos po ang sales natin this quarter. According po sa ating finance ay 6% ang itinaas ng market natin ngayon lalo na at successful po ang summer edition release," pagbibigay detalye niya.

Tumango lang ako saka nagpatuloy sa paghahanap ng masusuot. "What do you think I should wear today?" Saglit ko siyang nilingon. "Iyong magmumukha akong mabait, tipong hindi makabasag pinggan," dagdag ko pa.

Mabilis na kumalat ang kaba at pagkabigla sa kaniyang mukha. Halatang pressured sa tanong ko. Tipid naman akong natawa saka siya tinapik sa balikat.

"Go on. Market our product to me. Tingnan natin kung mapapabili mo ako," ani ko saka prenteng tumayo, naghihintay sa kung anumang ire-refer niya.

Nakita ko ang mariin niyang paglunok bago nagpakawala ng malalim na hininga. Saglit niya akong pinasadahan ng tingin saka iginala ang mga mata sa buong store. Nauna siyang maglakad sa akin na sinundan ko naman.

"Base po sa looks niyo, ma'am, hindi na po maiiwasan na ma-intimidate since sobrang ganda niyo po. No kidding," saad niya na ikinangiti ko naman.

Hindi ako umimik, hinayaan ko lang siyang maging kumportable at pinakinggan ang mga napupuna niya.

"So, if magda-darktone clothes po kayo, lalo kayong magiging domineering kaya aalisin ko po siya sa choices." Pagkatapos niyon ay may kinuha siyang puting button up long-sleeved shirt. "Since ang target aura niyo po ngayon ay pagiging mabait, mas okay po na simpleng pananamit ang gawin ninyo. This shirt will do, ma'am. Manipis po siya kaya hindi masyadong mainit sa katawan kahit pa long sleeves siya. Ternuhan niyo na lang po ng fitted jeans para presentable pa rin pong tingnan," pagtatapos niya.

Napatango naman ako saka kinuha ang damit na napili niya. May point naman ang fashion sense niya according sa hinahanap ko. Tipid akong nagpasalamat saka namili ng jeans bago pumasok sa isa sa mga fitting rooms.

Napangiti ako nang makita ang sarili ko sa full body mirror. Saglit akong natawa dahil mukha talaga akong di-makabasag pinggan ngayon. Para akong matinong estudyante slash empleyado.

Nang makuntento sa sariling itsura ay lumabas na ako at nagpasalamat sa tauhan ko. Of course, binayaran ko rin ang damit na kinuha ko bago nag-abang ng sasakyan sa labas. Habang naghihintay ay narinig ko ang pag-iingay ng aking telepono sa bag kaya kinuha ko iyon at sinagot nang makita ang pangalan ni Aireen sa screen.

"Alam mo bang naghintay ako magdamag dahil akala ko uuwi ka?" bungad niyang reklamo.

Bahagya naman akong natawa saka pinara ang taxi na padaan sa harapan ko. "Sorry. Masyadong napasarap ang pang-iinis ko sa mansyon," ani ko.

Sumakay ako sa loob ng kotse at saka sinabi kay Manong ang address na pupuntahan ko.

"Tsk! Baka naman sa ex mo ka napasarap," pang-aalaska niya pa.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon