CHAP 32

20K 599 120
                                    

It's been two weeks since Zachary brought me to his condo. At first, I had no idea why we didn't go to Nanay Victoria's house, but then I heard his phone call with his friend, Thelmo. He wanted me to be close to a psychologist so that if I ever thought about getting checked, it would be easy. I just shrugged it off and kept ignoring him.

Napatuon ang atensyon ko kay Angel nang muntikan na siyang mahulog sa cat condo na binili ni Zachary noong isang araw. Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan niya ng pera ang pusa ko, kayang-kaya ko namang i-provide 'yon. I am her mother, he's a stranger. Ano'ng karapatan niya para umaktong co-parent sa pusa ko?

Tumayo ako at lumapit sa kuting. Maingat ko siyang dinampot at dinala sa kama, hinaplos ko ang kaniyang balahibo habang bahagyang nakanguso. Sinubukan niyang kumawala sa kandungan ko para muling tumakbo sa cat condo na nasa gilid ng k'warto, pero pinigilan ko siya.

"Ikaw, ah? Nagpapaloko ka sa isang 'yon," ani ko at umirap. "Cheap lang 'yan, ipagpapatayo kita ng mansyon! Ako lang dapat ang paborito mo," patuloy ko pa.

Ngumiyaw lang naman si Angel, mukhang tutol pa sa sinabi ko. Lalo tuloy akong napanguso at hinayaan na siyang makaalis. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nasa gano'n akong sitwasyon nang marahan na bumukas ang pinto, hindi ko man iyon tingnan ay alam kong si Zachary ang papasok sa silid.

Sa loob ng ilang linggo naming magkasama ay hindi ko siya kinakausap. Ayaw kong makipag-communicate sa kaniya na magulo pa ang isip at emosyon ko. Nanatili ako sa puder niya hindi dahil gusto ko kundi para malaman kung anong mga plinaplano niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung bakit nakiayon siya sa palabas ko kahit alam niyang hindi talaga ako buntis. Siguro nga tama si Aireen, may plinaplano siya sa amin ng pamilya ko.

Napatiim-bagang ako nang mabilis na bumaba si Angel mula sa cat condo at tumakbo papalapit sa kaniya. Isang halakhak naman ang pinakawalan ni Zachary at binuhat ang nagpapauto kong pusa. Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko kung paano siya lambingin ni Angel, marahan niyang kiniskis ang kaniyang mukha sa panga ni Zachary habang ngumingiyaw nang mahina.

Traydor.

"What do you want to eat this afternoon?" he asked when his gaze went towards me.

Umirap naman ako saka muling humiga sa kama."I have no appetite. Leave, Zachary, I want to sleep."

"But you've been sleeping the whole day. Hindi ka pa kumakain ng umagahan." Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Pumikit lamang ako at yumakap sa unan na nasa tabi ko. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kabilang side ng kama senyales na tuluyan na siyang naupo roon.

"Are you sick?" The back of his palm touched my forehead before I had a chance to protest.

Ignoring the concern in his eyes, I looked at him with a dissatisfied look on my face. "What now, Zachary? Can't you respect my personal space? Dito ka na nga tumutulog sa gabi pati ba naman maghapon ko pakikialaman mo pa?" I spat angrily.

Napalunok siya at tila napapasong lumayo sa akin. "I'm just concerned. Sorry," he said lowly.

Inirapan ko naman siya bago tinalikuran. Totoong gusto ko pang matulog kaya naman naiinis ako sa panggugulo niya. Hindi ba siya makakain mag-isa? Bakit kailangan niya akong isipin, eh, hindi naman siya ang magugutom?

"Lumabas ka na. Huwag mong landiin ang pusa ko," bulong na anas ko at sumiksik sa aking unan.

Isang malalim na hininga naman ang pinakawalan niya bago ko naramdaman ang pag-angat ng kabilang parte ng kama. Nagsimula siyang maglakad papalayo pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay bumaling ako ng higa patungo sa direksyon niya. Natigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Where stories live. Discover now