Nagtawanan kaming lahat. Sumang-ayon din naman sila Amelle sa pahayag niya.

"Uy, uy! Palabas na raw sila sabi ni ate Gwen," pare-pareho kaming nagulat sa malakas na boses ni Paoline.

Napahawak sa dibdib niya si Anne na gulat na gulat. Napailing ako dahil kahit kailan talaga, magugulatin 'to. Kahit nga makita ka lang niya sa harap niya magugulat siya.

"What?!" sabay na sigaw ni Jett at Gray nang makita nilang nilalatag ni Amelle ang banner na pinagawa namin.

Welcome back, Loislane Amya! ang nakalagay na greeting because we're that extra. Tinawanan namin ang reaksiyon nung dalawa sa ginawa namin.

Nakatayo kami pinakaunahan ng harang kahit pa kaunti lang ang kasamahan namin na naghihintay. Nagsusumiksik kami sa harap para ibalandra ang banner. Una namin na nakita ay ang mga magulang nila kasunod sila Gwen at ang pamilya nito.

Nagsimula kaming mag-ingay at pumalakpak na parang may inaabangan na artista. Hindi rin naman makapaniwala ang pamilya ni Loislane sa ginagawa namin pero sanay na sila sa amin kaya binati na lang nila kami isa-isa.

Isinigaw namin ang pangalan ni Loislane nang makita namin siyang pupungas-pungas na nagtutulak ng mga bagaheng dala niya. Nakayuko siya at tila aburido dahil sa naririnig na ingay na hindi niya alam ay mula sa mga kaibigan niyang jologs.

Ramdam ko ang hindi magkamayaw na excitement mula sa aming lahat. Ang pagtili at pag-iingay ay isang bagay na pwedeng gawin mo lang nang walang emosyon, e, pero there's this buzzing energy around us. I can really feel it dahil kahit ang mga kamay ko ay nanginginig at nanlalamig. Nakailang gigil ako sa braso ni Paoline at kung sinumang malapit sa akin.

"LOISLANE!" Sabay-sabay na tawag namin sa kanya dahil naiirita na siya sa ingay namin. Napaangat ang ulo niya at panandaliang napahinto. Mga ilang segundo pa ang nakalipas bago niya mapagtanto na siya 'yung kinakawayan at tinatawag namin.

Nagtatatakbo siya papunta sa amin at sabay-sabay namin siyang niyakap. Napawi ang pagod at irita niya nang makalapit siya sa amin. Parang walang jetlag at nakikipagtawanan na.

"My God! We missed you. Halos dalawang taon ka nawala, bakit parang gumanda ka yata lalo?" sigaw ng kambal na inabutan ng handbag ni Loislane at ngayon ay kinakalkal na nila.

Lumapit ako sa kanya at saka ko siya inakbayan. "Alam mo ba na ang hinihintay lang ng mga niyan, e, yung pasalubong mo para sa kanila?"

Pare-pareho kaming natawa. This feels good, really. Just laughing and going back to the times na hindi kami adult at wala kaming mga responsibilidad.

"Wala pa rin kayong pagbabago," napailing lang siya sa amin habang nangingiti, but her eyes says differently. Kita sa kanya ang hesitation at pagpipigil na maghanap ng wala.

Sinalubong naman siya, finally, ni Jett at Gray.

"Bakit kayo nagsundo sa amin?" tanong ni Loislane kay Paoline.

"Sino pa ba magsusundo sa inyo? Na-miss ka kaya namin kaya nag-message ako kay Ate Gwen. May driver naman tayo." Itinuro niya ang dalawang kaibigan namin na lalaki.

"Hindi nga lang nakasama si CK," pagsisimula ni Jett pero pinutol agad ito ni Loislane na panandaliang nanlaki ang mga mata nang marinig ang pangalan ni CK.

"Tara na, inaantok na ako. Uwi na tayo!" Hinila niya 'yung dalawang lalaki para ibahin ang usapan. Kahit hila niya 'yung dalawa, nauuna pa rin siya kaya pasimple kong piningot si Jett.

He extended his head to whisper, "Nagbibiro lang naman ako."

Si Jett ang nagmaneho ng van kung saan nakasakay ang buong pamilya ni Loislane pati na rin ang mga bagahe nila samantalang si Gray ang kasama namin pito pauwi. Medyo tahimik pa kami at pakonti-konting kuwento lang dahil mabilis lang naman ang naging biyahe, buti na lang.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now