CHAPTER 45

15.6K 420 20
                                    




Hi! Pasukan na ulit bukas at pipilitin ko na makapag-daily updates kahit busy ang forda, gising ko starting kanina ay 3 am dahil nagtitinda na po ako ulit ng pandesal, hehe (bili na kayo)
Nahinto lang kase talaga siya nung nag-pandemic then nag-come back ulit ako now.


On going na din po ang Night of sin with the senator sa patreon apps at vip group
Grabe ba hirap maging single parent😆 yon lang, happy reading!





Serenity was so surprised when her cousin Sienna Jacinto visited her, hindi nga lang niya inakala na magkikita sila ng Ate Sienna niya sa ospital.



"My God Serenity kung hindi ko pa naka-chat si Lina noong nakaraan hindi ko man lang talaga ito malalaman." Sienna shook her head while looking to her cousin, mas matanda siya dito ng ilang taon kaya Ate ang tawag nito sa kanya. Sa mother side sila mag-pinsan at ang mga tatay at nanay nila ang magkapatid.





"Buhay naman ako Ate tsaka lalabas na nga ako dito sa ospital bukas." Pinisil ko pa ang kamay niya, sino bang mag-aakala na magkamag-anak kaming dalawa? Eh sa antas pa lang ng buhay ay naging malayo na kami sa kanila. Hindi ko naman masasabing mahirap ang naging buhay namin pero mas nakaka-angat talaga ang pamilya nila sa amin. Still masaya naman ang naging buhay ko kasama ang mga magulang ko.




"Wag ka ngang nagsasalita ng ganyan at baka masabunutan kita." Ani ni Sienna, hindi naman kase siya mahilig gumamit ng social media at kung hindi ngalang niya siguro nakita ang katiwala nitong pinsan niya na si Lina na naka-online ay hindi niya siguro ito kukumustahin pero 'yon nga. Nabalitaan na lang niya na naaaksidente pala itong si Serenity at naka-confine sa isang malaking ospital dito sa Manila. Hindi niya lang talaga mahila kahapon ang asawa na si Eros papunta dito dahil busy ito sa kapitolyo kaya ngayon lang sila nakapunta.





"Eh sa okay lang naman talaga ako Ate, diba Kuya Eros?" Tanong ko pa sa asawa niyang gobernador, katulad namin ni Primo ay malaki din pala ang agwat nilang dalawa pero pareho naman silang masaya sa buhay may asawa kaya walang problema. Tsaka kitang-kita naman na patay na patay itong si Kuya Eros sa pinsan ko.




"Eh 'yan ang sabi mo eh, kaya sige na lang din Serenity pero nag-aalala lang ang Ate mo kaya ganyan." Sabi naman ni Eros na inakbayan pa ang asawa. May mga dala silang prutas para kay Serenity at hindi lang isang basket dahil ang dami talagang pinamili ni Sienna para sa pinsan nito. Wala naman kaso sa kanya 'yon dahil kamag-anak naman ito ng asawa niya at sabi niya nga kung sino ang mahal ng asawa niya mahal na din niya syempre.



"Pero teka totoo ba ang kuwento ni Lina sa akin ha? Na pinagdudahan pa ng asawa mo kung anak niya ba 'yan o hindi? Diyos ko Serenity baka naman salbahe 'yang Mayor na 'yan ha. Tsaka bakit hindi mo man lang kase pinaalam ang nangyari sa 'yo ha? Kung pinoproblema mo lang ang pagtatayuan para sa bakery mo, malawak ang lupa sa probinsiya namin at puwede ka naming tulungan ni Eros para makapagtayo ka doon." Sabi pa ni Sienna, pagkasabi kase sa kanya ni Lina sa chat na nasa ospital nga daw ang pinsan niya ay agad siyang nakipag-video call dito at 'yon nga kinuwento na nito sa kanya ang nangyari.



"Ate.." Hay naku talaga masasakal ko si Lina nito mamaya.




"Tsk, kaya kanina hindi ko na gusto ang vibes ng itsura ng Primo na 'yon eh, tsaka hindi ka kase sana dapat nagpakasal agad. Diba sabi ko nga sa 'yo kapag may kailangan ka or something puwede mo akong mahingan ng tulong pero hindi mo naman ginawa." Dagdag pa ni Sienna, silang tatlo lang kase ang nasa loob ng hospital room kaya ayos lang dahil lumabas muna ang asawa nitong pinsan niya para nga makapag-usap din sila ng maayos nitong si Serenity. Beside kahit siguro harapan ay masasabi niya ito sa harap ng asawa nito kahit nandito pa ito.



"Okay naman na Ate kase nakapag-patingin na siya sa doktor kaya alam na niyang anak niya talaga ito." Paliwanag ko naman, ayoko namang maging masama ang tingin nila kay Primo dahil asawa ko pa din naman siya. Isa pa napaliwanag na din naman niya ang side niya kaya ayos na sa akin ang gano'n, ayoko na din kaseng i-istress ang sarili ko sa mga bagay-bagay lalo pa at buntis ako.




"Still siya pa din ang may kasalanan kung bakit nandito ka, pasalamat na nga lang talaga at nagising ka agad at hindi ka natulad noon sa akin na hanggang ipanganak ko si Miracle ay coma pa din ako." Sabi pa ni Sienna sabay tingin kay Eros na para bang may malaki itong kasalanan, well gano'n na nga din 'yon dahil hindi naman lalala ang sakit niya sa puso at hindi siya maoospital kung nagtuloy-tuloy agad ang pagpapa-check up niya kaso nga ang walanghiya naman niyang asawa ay kinulong siya sa kuwarto at hindi siya tinantanan hanggang hindi siya nabubuntis. Pero past is past ika nga kaya hindi na lang din niya 'yon uungkatin pa.




"Baby naman wag mo akong tingnan ng ganyan, okay naman na tayo tsaka iba naman ang kaso ng pinsan mo." Agad na sabi ni Eros, he pretty knew that looked at alam niyang kinukumpara ni Sienna ang nangyari dito noon sa pinsan nito ngayon. At oo na nga din siya ang suspect sa nangyari sa asawa, guilty na kung guilty.




Napaismid na lang si Sienna kay Eros bago bumaling kay Serenity. "So anong plano mo ngayon? Kung gusto mo sa bahay ka muna tutal nasa bahay na lang din naman ako palagi. Para habang nagpapagaling ka kasama mo ako." Alok niya dito.





"Uuwi na kami bukas sa Santa Clarita Ate pero kinausap ko na kanina si Primo at sinabi ko sa kanya na hindi muna ako uuwi sa mansyon niya, sabi ko nga gusto ko munang makitang nagsisisi siya sa mga ginawa niya at nasabi niya sa akin. Sa bahay na din muna ako uuwi at doon ko muna siguro papauwiin si Lina para may kasama ako."




"But our home is always open for you, mag-pinsan tayo at lagi mong tatandaan na nandito lang ako na puwede mong malapitan." Sabi pa ni Sienna, naaalala niya kase ang nangyari sa kanya noon kaya naman isa lang ang sigurado ngayon hindi niya na siguro makaka-vibes ang asawa nito.




"Salamat Ate, alam ko naman 'yon pero parang hindi mo naman ako kilala. Hangga't kaya ko ayusin ang isang sitwasyon at lusutan ay gagawin ko mag-isa." Siguro nga kung hiningian ko silang mag-asawa noon ng tulong tungkol sa bakery ko ay tutulungan talaga nila ako pero syempre ayoko naman isipin ng mga tao na ginagamit ko ang impluwensiya nila lalo na nito ni Kuya Eros.




"Geezz magkamag-anak nga talaga tayo Serenity, kaya nga ako pinag-titiyagaan ko na lang itong Kuya mo eh." Pabiro niyang sabi sabay tingin pa ni Sienna kay Eros na nakaupo sa bandang likod niya at gaya ng inaasahan ay..




"Sienna!" The governor even stamped his foot after he heard that. Pinag-titiyagaan ha? Lagot ka sa akin mamaya pagdating sa bahay.





Halos isang oras din ang tinagal ng mag-asawang Jacinto sa ospital, talagang nilubos na ni Sienna ang pangangamusta at pakikipag-kuwentuhan sa pinsan niyang si Serenity at nagsabi na dadalaw na lang ito sa Santa Clarita. Hindi na din nila nakausap pa si Primo dahil wala naman ito paglabas nila ng kuwarto kaya nagpasya na silang umuwi.


"Nakita mo 'yong lagay ni Serenity diba? Buti na lang at okay na siya. My God Eros ganyan ba talaga ang mga pulitiko?" Sienna said out of nowhere, hindi man dapat ikumpara ang asawa ng pinsan niya sa asawa niya ay hindi naman niya mapigilan. Lalo pa at pareho sila ni Serenity ng sinapit at bumagsak sa ospital dahil sa mga asawa.




"Baby iba naman ako ah, tsaka bakit pati ako nadamay?" May himig na tampo ang boses ni Eros, ewan niya pero parang bumabahag na ang buntot niya pagdating kay Sienna. Samantalang noon naman ay siya ang matapang sa kanilang dalawa.



"Anong magka-iba parang pareho nga kayo ng Mayor na 'yon eh. Aside sa pareho kayong pulitiko ay pareho pa kayong mapanakit sa asawa." At tsaka nagpatiuna si Sienna sa paglalakad.




Tangina, at nadamay pa nga! "Baby, baby! Wait lang uy!" Habol naman ng gobernador dito.




#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now