CHAPTER 41

18K 466 14
                                    



Hi! Pre-order pa din po ng book ng M.A series Finale and Married to a tycoon. Open for installment po!


Pero nagulat na lang si Primo ng habang hawak niya ang kamay ng asawa ay maramdaman ang paghigpit no'n mula sa pagkakahawak niya. At sa pagtingin niya nga dito ay hindi siya makapaniwala sa nakita dahil nakadilat na ang mga mata nito at malay na.



"S-Serenity.." He called her name, napatayo din ang alkalde ng masigurong may malay na nga ito! "Shit, shit, shit! Your awake now! You're finally awake!" Masayang sabi niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Hecan't still believe it, pero heto at may malay na nga talaga si Serenity at nakatingin sa kanya!


Samantalang pilit naman ngumiti si Serenity dahil sa reaksyon ni Primo. Pero parang nauuhaw siya kaya pinalibot din niya ang tingin na parang naghahanap ng kung ano hanggang sa..



"Wait, tatawag muna ako ng doktor at tatawagin ko din ang mga nurse na nasa labas." Ani ni Primo na parang hindi alam ang dapat unahin pero dapat munang matingnan ito ng mga doktor. At dahil pinalabas niya ang mga private nurse na kinuha para sa asawa kanina ng pumasok sila dito ni Lina ay wala siyang ibang kasama dito sa loob ng kuwarto maliban kay Serenity mismo. He hurriedly went out from the hospital room to call the two nurses outside, ang isa do'n ang tumawag sa doktor na tumitingin sa asawa dahil bumalik na din siya sa loob kasama naman ang isa pa.



Agad namang pinuntahan si Serenity ng dalawang doktor para tingnan ito halos isang oras din ang lumipas bago natapos ang ginawa nilang pag-check up sa kanya dahil masusi din talaga siyang tiningnan ang siniguro na okay ba talaga ang lahat sa kanya. Masaya ang mga doktor dahil limang araw lang ay nagising at nagka-malay na din si Serenity na hidni katulad ng mga nahawakan nilang pasyente na matagal talaga bago bumalik ang malay.



"You're totally fine Mrs. Suarez and hihintayin na lang natin ang laboratory result mo para malaman natin kung okay ka na talaga." Sabi ng babaeng doktor na nandoon, lima silang nasa loob ng silid at kasama nga si Primo at isa pang nurse. Okay naman ang blood pressure nito at hindi naman mababa o mataas, pero naka-suwero pa din. Pinainom na din nila ng tubig si Serenity na 'yon ang unang-unang sinabi kanina dahil parang uhaw na uhaw na ito. Pero hindi din namannila pinainom ng madami dahil nga baka mabigla ang katawan nito kapag uminom ng madami.



"Pero hindi ka puwede lumabas agad ng ospital para ma-monitor ka pa din naman ng mabuti at kapag okay ka na talaga puwede ka ng makauwi." Sabi naman ng isa pang doktor na naroon.



Ngumiti naman ako ng marinig ko 'yon, actually nagugutom na ako pero palipasin pa daw ang kahit isang oras bago ako kumain. At hindi daw madami agad ang puwede kong kainin dahil baka nga daw mabigla ang katawan ko pero atleast wala naman problema na sa akin at tanging suwero na lang din ang nakakabit. "Thank you po.." Pasasalamat ko sa kanila, tiningnan ko si Primo na nakatayo sa di kalayuan, at hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya ngayon. But I remembered how happy he was earlier when he saw me awake, the happiness I saw was so genuine.



May mga ilan lang na procedure pang ginawa ang dalawang doktor kay Serenity bago ang mga ito umalis sa loob ng silid para mas matingnan ito ng maigi at para na din masiguro na wala talagang problema dito.



"I'm glad you're finally awake now." Parang nakahinga na ng maluwag si Primo ng masolo niya na ang asawa, kahit pa sabihin na nandito pa din ang kaba niya na makausap ito ng sarilinan ay ayos lang dahil masaya siya sa narinig na sinabi ng mga doktor kanina. Akala niya ay matatagalan pa bago magising ang asawa pero hindi dahil pagkalipas lang ng limang araw ay bumalik na ito, pero mukhang hindi para sa kanya.



Ano bang sasabihin ko? Maliban sa sinabi kanina ng doktor na kumausap sa akin na ilang araw nga daw akong walang malay ay ang huli kong natatandaan ay noong nabangga ako ng truck. Pero laking pasalamat ko talaga ng malaman ko na okay ang baby ko na hindi naman napano ang pinagbubuntis ko. Pero ang tanong ay bakit nandito din si Primo? Eh galit nga siya sa akin diba? "B-Bakit ka nandito? H-Hindi naman tayo okay pero nandito ka." 'Yon na lang ang nasabi ko dahil nagtataka talaga ako kung bakit nnadito siya, puwera na lang kung siya ang dahilan kung bakit napunta ako dito sa ospital na 'to.



Mahina lang ang pagkakasabi na 'yon ni Serenity pero rinig na rinig naman 'yon ng alkalde. "D-Dahil nagi-guilty ako sa nangyari sa 'yo, w-wala ka naman dito kung hindi ka pumunta sa bahay para kausapin ako. At hindi ka nga siguro maaaksidente kung hindi dahil sa akin."



"Pero hindi naman ikaw ang naka-aksidente sa akin kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo." Sabi ko sa kanya, ang daming pinaliwanag sa akin kanina ng doktor at ang dami ko din tanong sa kanila pero nasagot naman nila lahat. Nasa Maynila pala ako para mas matingnan ng mabuti at sigurado na ako ngayon na si Primo ang ang nagdala sa akin dito.



"Still I felt it was my fault Serenity." Sabi ni Primo na hindi makatingin ng tuwid sa asawa, nahihiya siya dito at parang hindi niya kayang mahusgahan nito. At alam niyang may karapatan itong awayin siya ngayon at hindi naman siya papalag.



"Wala akong balak na i-give up ang bakery ko kung 'yon ang nasa isip mo pa din. May papeles ako no'n at legal na nasa pangalan ko na ang lupa kaya sana kung balak mo pa din gawan ng hindi maganda ang maliit na pinagkukunan ko ng hanap-buhay ay tigilan mo na sana." Sa wakas nasabi ko ulit, baka kase 'yon pa din ang nasa isip ng lalakeng ito kaya mabuti ng unahan ko.



"Of coure, no. Wala naman akong balak na ituloy pa 'yon." Mabilis na sagot ng alkalde, wala talaga dahil siguradong hindi siya mapapatawad nito kapag pinagalaw niya pa 'yon.



"Kung gano'n gusto ko ng magpahinga muna, at kung puwede at nandiyan pa si Lina sa labas ay papasukin mo siya dito."



Parang hindi naman inaasahan ni Primo ang malamig na pakitungo sa kanya ni Serenity lalo pa at nag-pumilit din itong tumagilid patalikod sa kanya kaya naman hindi na siya nito nakita na nandoon. So he just tooked a deep breathe, dahil kailangan niya yatang intindihin muna si Serenity sa ngayon at tsaka niya na ito kakausapin oras na lumabas ang resulta ng check up niya.



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now