CHAPTER 04

24.8K 542 29
                                    


M.A series 2nd gen Azreya Sandoval is now on going patreon and vip group. Any comments nga pala sa story na 'to ni Mayor?




Hindi ko na alam kung bakit ganito si Primo, dahil tinotoo talaga niya ng sabihin na sasamahan niya ako sa pag-deliver ng mga banana cake ko. Nag-dress na lang ako para wala na siyang mareklamo at para makaalis na din kami kaso dalawa lang talaga kami! Hindi siya nagpa-drive sa driver niya o nagpasama sa mga bodyguards niya kaya naman sobrang tahimik sa loob ng sasakyan niya habang nagmamaneho siya. At buti na lang din at saktong alas dyis talaga ng umaga kami nakarating sa nag-order ng tinapay sa akin, halos kinse minutos lang kase ang layo ng nag-order sa akin mula sa mansyon niya. 



"Sandali lang ako sa loob, hintayin mo na lang ako dito." Sabi ko paghinto ng sasakyan niya sa address na pinuntahan namin. 

"No, sasamahan na kita at ako na ang magbubuhat ng mga dala mo." Pinarada lang ng maayos ni Primo ang sasakyan sa gilid ng kalsada bago niya pinatay ang makina at bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan din niya ng pinto ang asawa na alam niyang naguguluhan sa inaasta niya ngayon. Pero ano bang magagawa niya? Eh sa hindi naman siya busy ngayong araw kaya sinamahan niya na ito. Isa pa gustong-gusto niya kapag nakikita itong hindi mapakali kapag magkalapit silang dalawa at para nga siyang teenager na hindi maiwasang kiligin. Pero syempre hindi niya 'yon ipapahalata dito at kikimkimin niya na lang ang tungkol doon. 

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, nauna pa nga siya sa akin na maglakad na para bang siya mismo ang nag-bake ng mga tinapay ko. At hindi talaga sumagi sa isip ko na makikita ko si Primo ng ganito, nakasuot ito ng pantalon na kupas at kulay asul tapos kulay puting t-shirt lang din ang pang-itaas nito na pinarisan ng itim na rubber shoes. Kaya naman napaka casual ng suot niya hindi gaya kapag pumapasok siya sa munisipyo, kaya parang nahihiya ako dahil sinamahan niya na nga ako tapos siya pa ang nagbitbit ng mga tinapay ko.  


    Nagulat naman ang mga tao na nasa loob ng opisina ng pumasok doon ang alkalde, dahil hindi nila inaasahan na magagawi ito doon. Nahihiya pa ngang ngumiti si Serenity dahil ito ang unang beses nilang mag-asawa na lumabas at makita ng mga tao. 

"Good morning ho, sinamahan ko lang ho ang aking may-bahay na magdala nitong mga ginawa niyang banana cake." Nakangiti at magalang na sabi ni Primo, puro pa naman senior citizen ang naroon sa loob at hindi siguro bababa sa bente katao ang nandoon. 

Nilapitan naman ni Serenity ang nag-order ng mga tinapay sa kanya, madalas itong bumibili sa bakery niya at noong isang araw nga ay nag-order ito ng madami para ngayon. Hiningi niya na lang ang address kung saan niya dadalhin at buti na lang malapit lang din. Tumatanggap din kase siya ng mga orders kaya..

"Naku hindi po namin inaasahan na makikita namin kayo Mayor, aba'y ibang-iba po ang itsura niyo ngayon. Para po kayong mas bumata." Sabi ng isa na naroon sa loob ng opisina na nilapitan pa talaga ang mayor. 

Primo smiled widely. "Maganda lang ho ang gising kaya ganito tsaka bata pa naman ho talaga ang Mayor niyo." Pagsakay niya sa sinabi ng matanda. 

"Narito na din po pala kayo kaya magpapasalamat na din kami ulit sa dagdag na allowance niyo sa aming mga senior, naku napakalaking tulong po no'n para sa amin." Nakangiti na sabi naman ng isang matandang babae na lumapit din sa alkalde. 



"Wala ho 'yon, basta gastusin niyo ho lang ng tama." Ani ni Primo, siya kase mismo ang nagsulong na gawing walong libo ang bawat matatanggap ng bawat senior citizen sa kanilang bayan, at oo hindi pumayag noong una ang mga konsehal at maging ang congressman sa bayan nila pero ipinilit niya talaga 'yon. "O siya ho hindi na kami magtatagal at para matapos na din ang meeting niyo, may pupuntahan pa din ho kaming mag-asawa eh." 



Nagtanguan naman ang mga naroon pero bago umalis ang alkalde ay may mga nagpa-picture pa sa kanya na siya namang pinaunlakan ni Primo bago sila umalis ni Serenity. 



     "Thank you.." Pasasalamat ko sa kanya habang tinutupi ko ang eco bag na pinaglagyan ng mga tinapay. Tumagal kami kase nakipag-kuwentuhan pa siya sa mga tao sa loob pero ayos lang naman dahil nakita ko ng personal kung paano makipag-usap ang isang Mayor Primo Suarez sa mga tao. 

"Wala 'yon, dadaan ka pa ba sa bakery mo?" Kaswal na tanong ng alkalde bago ibinalik ang telepono sa kanyang bulsa, nag-text sa kanya ang hepe ng presinto sa kanilang bayan at sinabi nito na alam na ng pamilya ni konsehal Enriquez ang nangyari sa kapatid nito na pinatay niya kagabi. Pero gaya ng sabi niya ay wala siyang pakialam kung malaman pa ng mga ito na siya ang pumatay dito. That suspect deserved the death he gave to him, at hindi siya nagsisisi sa ginawa. 



"Oo, idaan mo lang ako do'n tapos umuwi ka na." Isinuot ko na ng kusa ang seatbelt sa akin dahil kanina ay ilang na ilang na naman ako ng isuot niya ito sa akin, paano parang sinasadya na lumapit pa sa kin kahit alam niyang naiilang ako. 

"Grabe ka naman pauuwiin mo ako agad? Dapat nga ilibre mo man lang ako dahil pinagmaneho kita eh." Kunwaring sabi ni Primo, he just want to know what will be her reaction at para na din makasama niya ito maghapon. 

My mouth parted on what he said, ilibre ko siya? Eh siya nga itong nagpumilit na sumama eh! "Wag na nakakahiya ka ilibre hindi ka naman kase kumakain sa mga turo-turo." Sabi ko na lang, hindi naman kase kami nagsasabay kumain sa bahay kahit pa sabihin na magkasama kami sa mansyon niya. At sa totoo lang isang beses ko pa lang siya nakakasabay kumain at 'yon ay noong araw ng kasal namin pero pagkatapos no'n ay hindi na. 

"Try me, hindi naman ako pihikan Serenity pero may gusto talaga akong kainin eh." Hinawakan pa ni Primo ang kanyang baba na may patubong balbas na para bang nag-iisip. 

"Ano naman 'yon? Wag ka munang magpa-libre sa akin ng mahal Primo at kakabili ko lang ng bagong oven." Inunahan ko na siya, baka mamaya ay magpa-libre siya sa akin sa Carlo's talagang mauubos ang benta ko ng banana cake kapag nagkataon. Kilala kaseng restaurant dito sa Santa Clarita ang Carlo's at karamihan ng mga kumakain doon ay mga may kaya talaga dito at hinding-hindi ako kakain sa gano'ng kamahal na restaurant. 

"Hindi naman ano kung hindi sino Serenity, ikaw  kase 'yong gusto kong tikman." 

Ano? "Primo!"



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt