CHAPTER 17

24.4K 385 11
                                    




Hi on going na sa patreon at vip group ang story ni Maria Cristina Tuazon. Ito yung anak ni Mikael at Irish sa My hot policeman at isa siya sa triplets.

Maulan pala na gabi, magpakape na kayo at malamig😆 pm is the key.







Impit akong napatili ng sa pagbangon ko ay maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng hita ko. Para 'yong nangalay na hindi ko maintindihan, pero nagulat na lang ako ng makita ko ang nag-aalala na si Primo papunta sa akin, nilapitan niya ako at inalalayan makaupo.



"A-Anong ginagawa mo dito? Diba may pasok ka? Anong oras na ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Maliwanag na kase sa labas at tingin ko mahaba din ang tulog ko, nakasuot na din ako ng damit niya pero sa ilalim ay ramdam kong wala.



"Alas dos na ng hapon Serenity.." Hinawakan pa ng alkalde ang kamay ng asawa, kanina pa siyang umaga nagising at hinayaan niya lang matulog ito. He tooked her until dawn at talagang hindi niya tinantanan ang asawa dahil parang sabik na sabik siya sa sex. At parang isang kasalanan ang gisingin ito dahil alam niya sa sarili na pinagod niya ito kagabi.



"A-Alas dos? Pero bakit hindi mo ako ginising? Tsaka bakit nandito ka? Diba may pasok ka?" Muli lang ako napakagat sa labi ko nang sa pag galaw ko ay naramdaman ko na naman ang sakit sa pagitan ng hita ko. Diyos ko parang nawarak 'yong ano ko!



"Nag-absent muna ako ngayong araw, ayoko namang iwan kita dito mag-isa." Biglang sumeryoso ang boses ni Primo lalo pa at nakita niya sa ekspresyon ng mukha nito na may masakit sa asawa, at ito na nga ang pinapangambahan niya na baka nga ano ang mangyari kay Serenity pagka-gising nito. "Your not feeling well, alam kong masakit ang katawan mo." At talagang hinawakan pa niya ang leeg at noo nito para malaman kung nilalagnat ba ito at nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman na hindi naman ito mainit. Dahil kung hindi dadalhin niya talaga ang asawa sa ospital ora mismo.



"W-Wala akong lagnat." Naiilang na sabi ko sa kanya. "Pero masakit ang katawan ko." Pag-amin ko din, baka mamaya kase ay humirit na naman siya ng ginawa namin kagabi, eh masakit talaga ang katawang lupa ko.



"I will not say sorry because I tooked you Serenity, dahil alam ko naman na pareho tayong nag-enjoy kagabi." Sabi pa ng alkalde, para kaseng pinag-sisisihan niya ang ginawa nila kung hihingi siya ng tawad dito. And he knew they really both enjoyed savoring each other last night.



"T-Tumigil ka nga, tsaka wag mo akong tingnan ng ganyan." Iniwas ko sa kanya ang tingin ko at humawak sa balikat niya, gusto kong mag-banyo pero parang pati pagpunta doon at pag-ihi ay mahihirapan pa ako. "Magba-banyo ako ako." Huminga pa ako ng malalim sa lagay na 'yan para lang sabihin 'yon. I need his help or else baka gumapang na ako papuntang banyo para maka-ihi lang.



"Bubuhatin na lang kita." Ani ni Primo, tumayo na siya at walang hirap na binuhat ang asawa. She's still shy to him even if they made love countless times last night dahil yumuko ito agad pagka-buhat niya.



Agad kong ni-lock ang pintuan ng banyo pagkalabas ni Primo paano ba naman wala pala talaga akong suot na pang-loob at tanging t-shirt niya lang suot ko. Humawak na nga lang ako sa dingding para makapunta sa bowl dahil hanggang pagpasok lang dito ako nagpa-buhat. At napakagat labi na lang ako ng maramdaman ko ang hapdi sa pag-ihi ko. Napadasal pa nga ako dahil sa sakit, ayoko man isipin ay siguro nagka-sugat sugat ang pagkababae ko. Naalala ko na naman kase kung gaano ba kalaki 'yong ano ni Primo!



Halos kinse minutos ang tinigal ni Serenity sa loob ng banyo kinatok pa nga siya ni Primo para iabot ang isang malinis at bagong laba na boxer shorts para may maisuot siya. At kahit hindi komportable at naiilang ay wala naman siyang choice kung hindi suutin din 'yon.



"Ginising mo na sana ako kanina ara pumasok ka na lang. Baka mamaya may importante kang gagawin sa opisina mo at baka hanapin ka sa munisipyo." Binuhat niya ulit ako at pinaupo sa kama, kaya ko naman tumayo pero mahirap maglakad dahil ang sakit talaga ng pagitan ng hita ko.

Pero parang hindi man lang inintindi ng alkalde ang sinabi na 'yon ni Serenity dahil ang tingin niya ay nasa braso nito. "Tangina!" Mura niya ng hawakan 'yon at makita ang nangingitim na balat ng asawa, may pasa ito sa braso at hindi lang sa kaliwa kung hindi pati na din sa kanang braso nito ay mero'n din.

Hinila ko ang braso ko na hawak niya at ibinaba ag manggas ng t-shirt na suot ko. Kanina ko pa 'yon nakita noong nasa loob ako ng banyo. At maging sa mga hita ko ay mero'n din kaya naman hinila ko din ang t-shirts pababa at pinag-dikit ang mga hita ko.



"N-Nasaktan kita.." Sabi ni Primo, bumaba ang tingin niya sa mapuputing hita nito at muli lang siyang napamura ng may makita din siyang pasa doon. Pinag-parte niya tuloy 'yon kaya lalo lang siya nagalit sa sarili na marami pala itong pasa sa katawan na alam niyang kagabi lang nito nakuha dahil sa pagtatalik nila.



"H-Huwag mong isipin ang tungkol diyan, pasain lang talaga ako." Sabi ko sa kanya, he looked giuilty at ayoko isipin niya na masama siya o kung ano. Sadyang madali lang talaga ako nagka-pasa kaya ganito.



"That's not okay Serenity, come on dadalhin kita sa ospital." Pinal na sabi ni Primo at akma naman na bubuhatin ulit ang asawa. Alam niyang may mga ointment na puwedeng ilagay sa mga pasa nito kaya kailangan niyang patingnan muna si Serenity sa doktor.



"Ano ka ba, hindi na kailangan okay? A-Ayos lang ako tsaka madali lang talaga ako magka-pasa." Ako na ang humawak sa kanya at hinila siya dito sa kama para makaupo. "Don't worry, I'm okay."



"But I hurt you, I guess I'm to harshed to you last night that's why you had bruises. Wala ito kahapon ng dalhin kita dito." Para pa tuloy lumamlam ang boses ng alkalde dahil kung kanina ay ayaw niyang humingi ng tawad dito dahil may masakit sa katawan nito ngayon naman ay binabawi na niya. He's too harshed when he tooked her, masyado kase siyang nangigigil sa asawa lalo pa at birhen niya itong nakuha.



"N-Natural lang naman siguro 'to kase unang beses p-pa lang natin ginawa 'yon." I'm referring on the word sex that we did last night. "Kaya wag ka ng mag-alala."



"Pero--"



"No more buts Mayor, ang mabuti pa samahan mo na ako sa ibaba para makakain na tayo." Pag-iiba ko ng usapan, sabi niya kase kanina ay nagpa-deliver siya ng pagkain para daw pagkagising ko ay sabay kaming kakain. At sakto naman na nagugutom na din talaga ako, hindi naman kase kami kumain na dalawa pagdating dito kagabi.



Bumuntong hininga ng malalim si Primo, tatawagan niya na lang ang doktor na kilala niya at magpapa-reseta na lang siguro siya ng gamot para kay Serenity. Kaya naman binuhat niya na ito para dalhin sa ibaba para makakain sila.


#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon