CHAPTER 34

14.9K 415 56
                                    






Dalawang bag na malaki lang ang dala ni Serenity pababa sa grandisyosang hagdan ng bahay ni Primo, kung ano lang ang dala niya ng magpunta dito at tumira ay 'yon din lang ang bitbit niya. Hindi na siya nag-aksaya pang kunin ang mga biniling damit sa kanya ng asawa at iba pang gamit dahil ayaw na niyang makarinig pa ng kung ano mula dito. Malinaw ang sinabi nito sa kanya kanina, pinapaalis na siya nito at ayaw ng makasama pa sa bahay nito kaya naman gagawin niya ang gusto nito at tutuparin 'yon. Dahil hindi din niya masikmura ang sinabi nito na niloko niya ito at nang-didiri ito sa kanya.



Her heart is aching, she can't believed that Primo want her out not only on his house but also in his life. Na para bang napakadali siyang bitawan nito kahit ganito pa ang sitwasyon niya at kaaalam lang nila na buntis siya. Primo decieved her and it was like profoundly embarassed dahil parang pinapalabas nito na nangaliwa siya kahit ang totoo naman ay hindi. Dahil hindi niya talaga ginawa ang binibintang nito sa kanya, dahil unang-una hindi niya kayang gawin 'yon. And until now honestly she can't still not understand why her husband saying he can't have a baby, that he's a barren man. Na hindi nito kayang bigyan siya ng anak, dahil buntis nga siya diba at dalawa pa sila mismong kausap ng doktor kanina at nagpatunay na nagdadalang-tao talaga siya.



She gradually let her into her life, ito naman ang pumasok sa buhay niya at hindi naman siya pero hindi niya alam na ganito pala ang mangyayari. The trust she gave to him gathers over the long haul, she trusted him so much, period. Hindi lang pagsasama ang pinagkatiwala niya dito kung hindi pati na buong sarili pero heto lang pala ang mangyayari sa kanila. The sentiments ought to be brought was so dynamic, there is no returning dahil naisuko naman niya na dito ang kanyang pagkababae at hindi lang isang beses dahil hindi niya na mabilang kung ilan. Dahil kasal sila at hindi naman ito simpleng tao lamang ay parang hindi pa gano'n nagsi-sink in sa isip niya ang lahat dahil mas naiisip niya ang pagbubuntis niya ngayon. Paano na ako ngayon? So magiging single mom na lang ako dahil maghihiwalay na kami? At ano ang sasabihin ng mga tao oras na malaman nila na hiwalay na kami pero buntis ako? Sasabihin din ba ni Primo na ako ang nagloko kahit hindi naman?



The entirety of the shared feelings between them was so convulated and utilized pero napapaisip din siya ngayon kung ang lahat ba ng pinakita nito sa kanya ay totoo o hindi. Na sa totoo lang wala din naman sa hinagap na naisip niyang mangyayari ang ganitong bagay dahil napakasaya naman talaga nila, buo ang tiwala na binigay niya dito lalo pa at nakikilala na din naman niya si Primo sa araw-araw nilang magkasama. He's not only a Mayor for her, dahil iba naman ang ugali nito kapag sila lang at gustong-gusto niya ang pinapakita nito sa kanya kahit minsan ay naiinis na siya dahil parang ayaw nitong nagkakahiwalay silang dalawa.



Pero may katapusan pala, may hangganan ang saya na nararamdaman niya sa piling nito. At ang masaklap lang ay kung kelan naman hulog na hulog na siya kay Primo ay tsaka naman nangyari ang ganito. But nevertheless she will never forget those words he said to her, dahil lahat ng salitang binitawan nito sa kanya ay tandang-tanda niya at para 'yong matalim na kutsilyo na tumarak sa dibdib niya.



"Aalis na ako." Taas noo ko sabi sa kanya ng maabutan ko siyang nakaupo at may hawak na tasa ng kape sa malawak na sala sa ibaba. Wala ang mga kasambahay doon at ewan ko pero dapat kapag ganitong oras ay naka-ayos na siya at nag-aayos na para pumasok sa munisipyo pero nandito pa din siya o baka sinisigurado lang na aalis talaga ako?



Dahan-dahang tiningnan ni Primo si Serenity, parang gusto niyang tumayo at yakapin ito lalo pa at namumula pa din ang mata nito tanda ng pag-iyak kanina at maging ang ilong nito na katamtamang tangos lang ay namumula din. Pero nasa isip niya na niloko siya nito at nang-lalake ito kaya naman napa-igting lang lalo ang panga niya ng isipin 'yon.



"Good, you can do everything you want from now on and about our marriage ipapadala ko na lang sa abogado ko ang annulment paper na pipirmahan mo." Sabi pa ng alkalde na muling ininom ang hawak niyang kape.



"May sasabihin pala ako.." Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Ikaw ang bumitaw sa ating dalawa, ikaw ang naniwala sa ganyang pananaw mo na hindi ka na magkaka-anak pa. At kung tutuusin ay ako pa nga ang dapat magalit sa 'yo dahil ako ang niloko mo. Hindi ko alam na ang tinitingalang mayor ng Santa Clarita ay katulad mo Primo, pero heto na eh, ako ang sinaktan mo sa mga salitang sinabi mo sa akin kanina. Pero ito lang ang tandaan mo, oras na lumabas ako sa bahay na 'to ay kakalimutan na din kita at kahit magka-salubong pa tayo sa daan ay iisipin ko na lang na hindi kita kilala." At tsaka ako lumabas ng bahay niya, doon lang ako tuluyang naiyak at ng akma pa nga akong tutulungan ng mga bodyguards niya dahil sa bitbit ko ay nagdire-diretso na ako ng lakad. Ang sakit dahil hinayaan niyang maniwala siya sa gusto niyang paniwalaan, na hindi niya ako mabubuntis? Eh di kung gano'n ano 'tong nangyari sa akin? Himala? Dahil sa kanya ko lang naman isinuko ang pagkababae ko. At sana, huwag siyang magsisisi sa huli dahil aakuin ko ng buo ang responsibilidad bilang magulang ng magiging anak namin at hinding-hindi niya talaga ako makikita pa.



Naibato naman ni Primo ang tasa ng kape niya dahil sa sinabi sa kanya ni Serenity. At siya pa talaga ang malakas ang loob na magsabi sa akin ng gano'n? Samantalang ako nga ang noloko niya dahil nagpa-buntis siya sa ibang lalake!



Tumayo na ang alkalde at umakyat na sa kuwarto, alas nuwebe na ng umaga pero papasok siya sa kanyang opisina. He need to be busy so he can forget about her, gusto niyang burahin ang alaala nito sa kanya, ang ginawang pang-loloko sa kanya ni Serenity, na isang beses sa buhay niya ay nagpapasok siya ng babaeng katulad nito na lilinlangin lang pala siya.



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now