CHAPTER 11

22.4K 428 17
                                    



Hi! May copies pa ako ng book ni Princess, Arkanghel at Miguel Santillan, open for installment!






Isang malakas na hampas ang ginawa ni Primo sa lamesa at sa lakas pa nga no'n ay nag-crack ang salamin na nakalagay sa ibabaw nito.


"Mayor.." Nagulat at tawag ng katabi niyang konsehal kay Primo.




"Tapos na ang meeting, you can go now." There's a seriousness on his voice, gusto niya sanang maging maayos ang araw niya pero hindi pala dahil sa natanggap na text message mula sa bodyguard niyang naka-assign sa asawang si Serenity.





"Pero Mayor hindi pa tapos ang topic---" Hindi na natuloy ng lalakeng sekretarya ng alkalde ang sasabihin ng panglikisan siya nito ng mata.




At kahit naguguluhan ang sampung katao sa loob ng meeting room sa munisipyo ay wala naman ang mga ito nagawa kung hindi lumabas na doon.




"Mayor.." Tawag ulit ng sekretarya ni Primo sa kanya ng sila na lamang ang nandoon na dalawa, alam niyang may nangyaring hindi maganda kaya ganito ito.




"Cancel all my appointments now, may pupuntahan lang ako." At wala ng lingon-lingon pa na lumabas si Primo doon, sinenyasan niya paglabas ang mga bodyguards at sumunod na din sa kanya. Parang gusto niyang mang-bugbog ngayon at mukhang hindi lang mang-bugbog dahil baka makapatay na naman siya.







"Where's my wife?" 'Yon agad ang tanong ni Primo ng makita ang isa niyang tauhan sa labas ng presinto, ito din ang nagtext sa kanya kanina at sinabi ngang na-holdup ang bakery ng asawa niya.




"Nasa loob po, kinakausap po ng mga pulis, nandiyan din po 'yong dalawang holdapper at nahuli naman po namin sila Mayor." Magalang na sagot ng bodyguard.




"Good, sumunod ka sa akin." Pagpasok pa lang ng alkalde sa loob ng presinto ay binati na siya ng mga nakasalubong niya pero hindi man lang siya bumati pabalik dahil agad hinanap ng kanyang mga mata ang asawa. At 'yon nga nakitan niya itong nakaupo at kausap ang isang babaeng pulis doon.




"Wife.." Ani ni Primo na parang naglaho agad ang lahat ng isipin ng makita si Serenity.




"Primo." Tumayo naman ako at nilapitan siya. "Teka bakit nandito ka? May pasok ka diba?" Tanong ko sa kanya, alas kuwatro pa lang kase ng hapon at hanggang alas singko ang opisina kaya anong ginagawa niya dito?




Agad ineksamin ng alkalde ang asawa, he looked his wife intently and gritted his teeth when he saw a gauge pad on her elbow. Alam niyang sugat 'yon at wala itong sugat ng ihatid niya kaninang umaga sa bakery dahil siya na ang naghahatid dito bago ito magpunta doon simula noong nakaraang Linggo. "May masakit ba sa 'yo? Ito lang ba ang sugat mo? Nasaan na ang putanginang gumawa nito sa 'yo?" Nang-gagalaiti niyang tanong. Parang hindi niya kayang kumalma ngayon dahil sa nakita at nangyari sa asawa.




"O-Okay lang ako, galos lang naman ito eh." Sagot ko sa kanya, siguradong nagsabi sa kanya ang bodyguard na pinapasama niya sa akin kaya siya nandito ngayon.




"Anong galos lang? Come on dadalhin kita sa ospital para matingnan ka." Galit pa din ang boses na sabi ni Primo, lumapit na sa kanya ang hepe ng presinto at alam nito na galit siya kaya hindi muna ito nagsalita.




Ospital agad? Eh galos lang naman talaga 'to dahil tumama ako sa estante kanina sa bakery. "Hindi na, galos lang talaga 'to tsaka okay naman na ako eh. Nahuli din naman na ang mga holdapper kaya okay na." Hindi bababa sa sampung pulis ang nasa harapan namin at ni isa ay walang nagtangkang magsalita sa kanila, so gano'n ba sila katakot kay Primo?




Bumuntong hininga ng malalim si Primo at muling tiningnan ang asawa. She's reassuring him that she's okay and he believe that. Pero hinawakan pa din niya ang kamay nito at sinuri muli ang siko nito na naka-benda, tsaka siya tumingin sa hepe. "Nasaan na?" Tanong niya dito.




"Nandoon po Mayor." At tinuro ng hepe ang isang selda na pinag-dalhan sa holdapper na nang-holdap sa misis ng alkalde.




Binitawan ni Primo ang kamay ng asawa at tsaka walang salita na sinundan ang hepe.





Tiningnan ko naman ang mga pulis na naroon dahil parang may alam sila sa gagawin ng asawa ko at kung ano man 'yon ay parang kinakabahan na ako.





Agad pinalabas ng hepe sa dalawang pulis ang dalawang holdapper at binitbit ang mga ito sa isang kuwarto doon.



"Tangina niyo ang lalaki ng katawan niyo pero nakuha niyo pang mang-holdap!" Galit na sabi ni Primo tsaka niya sinuntok ang bawat isa na holdapper. Halos kasing laki niya lang ang mga ito at sa ganito siyang mga tao galit. Yong kumpleto naman ang parte ng katawan at wala naman sakit pero hindi lumalaban ng patas. At talagang nakuha pang gumawa ng masama!




"Sorry po Mayor, sorry po hindi na po mauulit." Sabi ng isa sa holdapper.




"Patawarin niyo na po kami hindi naman namin alam na sa asawa niyo po 'yon." Sabi pa ng isa.




At parang doon mas lalong nagpanting ang tenga ng alkalde, kesehodang asawa niya pa ang may-ari ng hinoldap ng mga ito o hindi ay hindi pa din tama ang ginawa ng mga ito!



"Gano'n ba?" Ngumisi siya sa dalawa at tiningnan ang mga ito ng masama. "Then hindi ko din sinasadya kung mapapatay ko ngayon!" Agad niyang binunot ang baril sa kanyang tagiliran at kinasa 'yon bago tinutok sa isa sa suspect pero bago niya pa maputok 'yon ay may tumawag na sa pangalan niya.


"P-Primo!" Nahihintakutan man ay pumasok ako sa kuwarto kung nasaan siya, pinipigilan pa nga ako kanina ng mga bodyguards niya pero tinulak ko ang mga ito. "A-Ano ka ba? Bitiwan mo nga 'yan!"



"Serenity.." Parang lumambot ang mukha ng alkalde ng lapitan siya ng asawa, kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang kaliwang kamay na may hawak ng baril niya.


"Wag mong sabihin na papatayin mo sila? U-umayos ka nga!" Natatakot man pero atleast nasabi ko sa kanya 'yon, hindi ko akalain na magagawa niya 'to, pero ginawa niya!



Primo tooked a deep breathe, he looked on the chief of police who are standing on the door, gano'n din ang mga bodyguards niya at dalawa pang pulis na nasa labas naman. "They hurt you! Sinaktan ka nila at hinoldap pa kaya sa tingin mo wala akong gagawin at ayos lang sa akin 'yon?" Sabi niya sa asawa.


"Pero hindi mo sila kailangang barilin, nahuli naman na sila kaya hayaan na natin na mga pulis ang bahala sa kanila." Ayoko kaseng masangkot na naman siya sa gulo, hindi pa nga nawawala at namamatay ang balita sa pagpatay niya sa kapatid ni konsehal Enriquez tapos ito na naman?


Napahawak si Primo sa kanyang noo at tiningnan ang dalawang holdapper sa harap niya. "Pasalamat kayo at nandito ang asawa ko, kung hindi bangkay na kayong lalabas sa presinto na 'to." Tsaka siya bumuwelo at sinapak muli ang dalawa bago naunang lumabas doon.



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Onde histórias criam vida. Descubra agora