CHAPTER 39

15.6K 463 30
                                    





Nope, hindi ko na po isasali si Eros sa story na 'to binura ko na kanina yung chapters na kasama sila. Pero target ko is hanggang 60 chapters 'to.







Santa Clarita..

Nag-huling hithit ng hawak na sigarilyo si Primo bago nilapitan ang lalakeng katabi ng pulis, agad niya itong sinikmuraan at sinuntok sa mukha pagkalapit niya pa lang dito. At hindi siya nakuntento doon dahil tuluyan na niya itong binugbog. Ito ang driver na nakasagasa kay Serenity at putangina na lang ang masasabi niya talaga na bakit hindi ito pa ang napunta sa kalagayan ngayon ng asawa niya na halos mag-agaw buhay na sa ospital. 



"Hayop ka, tangina mo! Asawa ko pa talaga, si Serenity pa talaga!" Sigaw pa ng alkalde sa lalakeng nakahandusay na sa sahig pero patuloy pa din niyang sinisipa sa katawan. Wala siyang pakialam kung mapatay niya pa ito dahil 'yon talaga ang naiisip niya mula pa kanina. Sinaglit din niya talaga ito dito sa presinto para personal na makita. 



"Sorry po Mayor, sorry po.." Duguan na sabi ng suspect, napadura pa nga ito sa sahig at parang pakiramdam niya ay natanggalan din siya ng ngipin sa lakas ng pagkakasuntok ng alkalde. Hindi naman siya tumakas dahil may mga nakakita din naman sa aksidente na nangyari kanina at agad na tumawag ng ambulansiya at ng mga pulis. At sa ag-responde na nga ng mga pulis ay tsaka niya lang nalaman na asawa pala ng Mayor ang nabangga niya kaya natakot talaga siya sa seguridad niya. 

"Sorry? Tangina kainin mo 'yang sorry mo na hayop ka!" At hinila pa ni Primo ang suspect hanggang sa mapaluhod ito sa harap niya. "Alam mo bang malala ang lagay ng asawa ko ha? At sa kagaguhan mo 'yong animal ka!" At muli niya lang ito sinuntok ng malakas.  



"A-Aksidente lang po ang nangyari Mayor, hindi ko naman sinasadya at ginusto na bumangga ang minamaneho ko kanina." Sabi pa ng lalake na halos duguan na ang buong mukha, tama nga ang pulis na humuli sa kanya kanina. Mapapatay talaga siya ng alkalde dahil galit na galit ito ngayon sa kanya pero hindi naman niya talaga ginusto ang nangyari kanina, nawalan lang talaga siya ng preno. 



"Aksidente? Hindi sinadya?" Pa-barag na sabi ni Primo na hindi na maipinta ang mukha sa labis na galit. "Puwes hindi ko din sadya kung mapatay kita ngayon." At tsaka binunot ni Primo ang baril sa beywang ng hepe na nasa tabi niya at ipinutok 'yon sa suspect. Kanina niya pa naiisip na gawin 'to dahil hindi talaga siya papayag na gano'n lang ang kahihinatnan ni Serenity. Kailangang may managot at hindi sorry lang!





      Inabot na ng gabi bago naialis si Serenity mula sa Santa Clarita hospital papuntang Manila, at kasama din lumuwas sina Lina at Garreth. Pero kahit pa kasama si Lina ay hindi pa din niya kinakausap si Primo dahil galit pa din siya dito hanggang ngayon lalo pa at nakita niya na ang itsura at sitwasyon ng boss niya. Halos hindi niya makilala ang Ma'am Serenity niya dahil sa nangyari dito at isa lang ang hiling niya at ito sana ay gumaling at magka-malay na. 



Quezon City..

    Sa isang pribadong ospital sa Quezon city na-confine si Serenity, agad itong inasikaso ng mga doktor pagkalapag pa lang ng helicopter na sinakyan nila galing Santa Clarita. Pinasok agad ito sa isang pribadong kuwarto at ang pinakamahal talaga ang kinuha ni Primo para maging komportable si Serenity kahit pa walang malay ito. At simula pa kanina ay ni hindi man lang nagawang magpahinga ng alkalde kahit sandali, wala naman sa kanyang sinabi ang mga doktor kung kailan ba ang posibilidad na magigising ang asawa. Pero isa lang ang sigurado hindi siya papayag na hindi gumaling ito. 



Pero hindi inaasahan ni Primo ang pagsuntok sa kanya ng kaibigan ni Serenity paglabas niya ng kuwarto na walang iba kung hindi si Adam. 



"Cazzo!" Napahawak agad ang alkalde sa kanyang mukha na sinapak ng lalakeng nasa harap niya, susuntukin sana niya ito pero nagsalita naman ito agad at kinuwelyuhan na siya. 



"Hayop ka! Wala dito sana si Serenity kung hindi dahil sa 'yo!" Gigil na sabi ni Adam kay Primo, dito siya dumiretso sa ospital dahil nga kausap niya si Lina kanina at sinabi ngang dadalhin dito sa Manila si Serenity. Kakakausap niya pa lang sa kababata kahapon pero heto na agad ang nangyari dito at wala siyang ibang sisisihin kung hindi ang lintek na Mayor na 'to sa harap niya. 



"Gago ka ba? sa tingin mo ba gugustuhin ko ang nangyari kay Serenity?" Sabi naman ni Primo ng makabitaw mula sa pagkakahawak ni Adam sa kuwelyo niya, nandoon din ang kaibigan niyang si Garreth at maging si Lina pero hindi man lang ang mga ito umawat. 



"Oo, dahil gago ka nga diba, wala kang bayag na hayop ka." Pagak pang tumawa si Adam, wala na siyang pakealam kung ano pang gawin ng alkalde na 'to sa kanya pagkatapos ng ginawa niyang pagsuntok dito. Hindi niya pa nakikita ang kababata pero base sa kuwento sa kanya ni Lina ay malala talaga ang inabot nito. Pero buti na lang talaga ay hindi napano ang pinagbubuntis ni Serenity dahil kung hindi dobleng dagok 'yon oras na magising ito at malaman ang nangyari sa baby nito. "Sabi na eh, sabi ko na nga ba nakakapag-duda ng malaman ko na asawa ka ni Serenity, dahil naisip ko na agad ang agwat ng edad niyong dalawa. At hindi lang 'yon dahil talagang ikaw pa ang nag-suggest sa kanya ng kasal dahil alam mong hindi siya makaka-hindi. Ginipit mo si Serenity, at alam mo doon pa lang napaka-gago mo na." 



Akma namang susugurin ni Primo si Adam dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero doon na pumagitna si Garreth, naiintindihan niyang bugso lang ng galit kaya ganito ang kaibigan ni Serenity. Pero hindi tama na mag-away pa ang mga ito dahil wala namang silbi 'yon. 



"Tumigil na kayong dalawa, hindi na kayo nahiya at dito pa talaga sa ospital." Ani ni Garreth sa dalawa, nakahawak siya sa may balikat ni Primo dahil alam niyang hindi ito ang taong magpapa-dehado. At sa itsura nito ay gaganti at gaganti talaga ito. 



Pero hindi pa din tapos si Adam dahil tiningnan niya pa din ng diretso ang alkalde ng lalake sa lalake. "Alam ko ang tumatakbo sa isip mo, at baka nga iniisip mo pa na ako ang lalake ni Serenity eh, pero do'n ka nagkamali. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang 'yon kaya ang mabuti magpa-check up ka ulit Mayor para matauhan ka at malaman mo na anak mo ang nasa sinapupunan niya." Diniinan pa niya ang pagkakatawag dito ng Mayor ng banggitin niya 'yon bago siya umalis. Bukas na lang siya babalik dito kung saan puwede na niyang makita at madalaw ang kababata. 



Natahimik si Primo dahil sa sinabi nito, dahil gano'n naman talaga ang iniisip niya. Na 'yon talaga ang unang pumasok sa isip niya ng malaman na buntis ang asawa, na ito ang lalake ni Serenity. Pero ngayon ay parang gusto niya din magpatingin sa doktor para malaman niya ang totoo at matigil na siya sa kakaisip kung tama ba ang findings ng doktor sa kanya noon.  






Happy 114k followers pala! Fhem thank you in advance sa magpapa-kape😆😚 09291421118


#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now