CHAPTER 01

38.4K 725 58
                                    




Hi! This story will be posted here on wattpad, matic ang pag block ko sa mga nagmamadali sa update. Tapos sa mga pasmado ang bibig mag comments. Yon lang, good evening!



Ang yabag ng mamahaling sapatos ni Mayor Primo ang tanging maririnig habang naglalakad sa pasilyo ng presinto na pinuntahan niya kasunod ang limang bodyguards. Alas dyis na ng gabi at imbes na nasa mansyon niya na siya ng ganitong oras ay heto pa din siya at may pupuntahan na lakad. "Nasaan na?" Agad niyang tanong sa pinaka hepe ng kanilang bayan na alam niyang kanina pa din naghihintay sa kanya, tinuro naman nito ang isang lalake na nakaupo at nakatali ang mga kamay sa loob ng isang selda. Ito lang ang nandoon at ito din ang taong sinadya niya sa ganitong oras. 

Primo is so serious when he went inside of the cell, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nilapitan niya agad ang lalake na nakaupo doon at hinila ang buhok nito para magtama ang tingin nilang dalawa. 

"M-Mayor.." Takot ang mababakas sa lalake ng makita si Primo. 


"Ako nga. "At isang malakas na suntok ang pinakawalan ng alkalde sa kaharap, may suot pa naman siyang knuckle punch kaya dumugo agad ang ilong nito dahil doon at sa lakas na din ng suntok niya. 



Hindi naman nakahuma ang apat na pulis na naroon kabilang ang hepe sa ginawa ni Primo. They knew that their mayor is fumming mad now. At alam din nila na iba kung magalit ang mayor nila kaya wala ni isa sa kanilang nagtangkang umawat. Wala kaseng sinasanto ang alkalde ng Santa Clarita at wala itong pakialam kung sino pa ang makabangga nito na tao. 




Sunod-sunod na nagpakawala ng mga suntok si Primo sa lalakeng nasa harapan niya, at ng makita niyang halos wala na itong malay ay saka lang siya tumigil. Pagkatapos no'n ay saka siya bumaling sa hepe ng prisintong pinuntahan niya.





"Ilan nga ang ni-rape ng putanginang 'to?" Hindi pa din nabago ang boses ni Primo at galit pa din talaga ito. 




"A-Apat ho Mayor, at limang taon lang ho ang pinakabatang biktima niyan." Sagot ng hepe. 





Napatiim bagang lang ulit si Primo at muling tiningnan ang lalakeng nasa harapan niya pa din. Apat ang biktima at alam niyang lahat 'yon ay buhay naman pero napakababata ng mga biktima ng lalakeng ito na puro menor de edad talaga. At dahil nasa Pilipinas tayo ay alam din niyang walang bitay dito at ang puwede lang mangyari sa suspect ay ang makulong. At para sa kanya ay hindi sapat 'yon lalo na sa mga kapamilya ng biktima. Hindi din siya uupo sa isang tabi at maghihintay na lang ng ibababang parusa dito ng husgado. At hindi din siya sigurado kung hanggang ilang taon ba ito makukulong dahil siguradong gagamit at gagamit ito ng pera para makalaya.





 "At siya ang kapatid ni konsehal Enriquez diba?" Tanong niya pa sa hepe, pinatutukan niya kase ang kaso nito ng isa sa pamilya ng biktima ay lumapit sa kanyang tanggapan, noong una nga ay hindi pa siya naniniwala lalo pa at kilala din sa bayan nila ang pamilya ng suspect. Pero may lumabas pa na tatlo pang biktima kaya doon na siya nag-utos ng man hunt operation para mahuli nga ang walanghiyang 'to. 





"Opo Mayor siya nga po, nanggaling na nga po kanina dito si Konsehal at sa Lunes pa nga daw nila mapipiyansahan 'yan dahil Biyernes ngayon. Pinipilit nga nila ako kanina na mailabas 'yan pero may usapan na din ho kase tayo kaya tumanggi ako kay Konsehal."



"Good job hepe, at ito ang sabihin mo sa kanila wala na silang dapat piyansahan pa sa Lunes dahil ang sigurado ay ibuburol na nila ang gagong 'to bukas ng umaga."




Nanghilakbot naman ang suspect sa narinig na sinabi ni Mayor Primo at kahit duguan na ang mukha at hirap ng magsalita ay pilit pa din nitong tiningnan ang alkalde. "W-Wag po, wag n-niyo akong patayin Mayor. M-Maawa kayo sa akin, may mga anak din ako."





Napangisi naman si Primo bago tiningnan ang lalake sa harap niya. "Noon mo pa sana naisip 'yan, puro menor de edad ang biktima mong hayop ka at ang dapat sa mga katulad mo ay hindi na binubuhay pa." 'Yon lang at binunot na niya ang kalibre kuwarenta'y singko niyang baril na nasa kanyang tagiliran at saka pinaputukan sa ulo ang suspect. Dead on the spot agad ito at isang tama lang din ng baril ang pinutok dito ni Primo. 




"Linisin niyo 'yan at wala akong pakialam kahit malaman pa ng pamilya niyan na ako ang pumatay sa putanginang reypis na 'yan." Balewalang binalik ni Primo ang baril sa tagiliran niya at saka lumabas ng selda. Ganito na siya bago pa maluklok bilang alkalde ng kanilang bayan kaya maraming ilag sa kanya na gumagawa ng ilegal at kung anu-ano pang masamang gawain dahil sa ganito niyang ugali. Kapag ganitong klaseng tao ang nakatira sa bayan niya ay nilalagay niya talaga ang batas sa kanyang kamay at wala siyang pakialam kung sino pa ang taong makalaban niya. People put him on this position at hindi niya bibiguin ang taong bayan para lang mapaganda ang nasasakupan niya. 




   Parang walang nangyari na naglakad si Primo palabas ng presinto, kaswal niya nga lang din binati ang mga pulis na naroon at iba pang nakasalubong na tao. Bago sumakay sa sasakyan ay nanigarilyo muna siya at binigyan niya pa nga ang mga bodyguards niya ng tig iisang stick din. Hindi ito ang unang beses na pumatay siya, pero pinapatay niya lang ay 'yong mga talagang makasalanan na tao at alam niyang hindi na papakinabangan sa lipunan. Isa lang ang prinsipyo niya sa buhay at 'yon ay kung gusto mong gawan ka ng kapwa mo ng kabutihan ay gawan mo din sila ng kabutihan. This was his second term for Mayor and he always got the highest votes during election, masyado niyang mahal ang Santa Clarita at masyado din siyang mahal ng mga tao sa kabila ng pagiging istrikto niya kaya kahit may lumaban pa sa kanya sa pagka-alkalde ay siya pa din talaga ang laging nananalo. 




  Matapos maubos ang stick ng sigarilyo ay sinenyasan niya na ang mga bodyguard na sumakay na sa isang pang sasakyan. Dalawa kase lagi ang sasakyan niya kapag ganitong umaalis siya, isa para sa kanya at isa naman para sa bodyguards niya. Tiningnan niya pa ang rilo sa kanyang braso bago sumakay sa kulay itim at pina-costumize niyang Jeep wrangler, pina bullet proof niya ito at bomb proof for safety purposes. 



"Diretso uwi na po ba tayo Mayor?" Tanong ni Carlos ang driver ni Mayor Primo. 



"Oo diretso na tayo sa mansyon Carlos." Tipid na sagot ni Primo, hindi na siya nag-abala pang mag seat belt ng umandar na ang sasakyan niya at saka tumingin na lang sa labas kahit madilim lang din naman doon. Wala siyang makapa sa sarili na nagi-guilty dahil sa ginawa niya kanina sa kapatid ng konsehal sa kanilang bayan. Tama lang 'yon, dahil kung paaabutin pa ito sa husgado ay baka makalaya pa ang suspect at hindi mabigyan ng hustisya ang ginawa nito sa mga biktima.




  Halos bente minutos lang ang tinagal ng biyahe nila mula sa presinto sa bayan pauwi ng bahay ni Primo, this house is actually ancestral house of his family. At mula sa lolo niya sa tuhod hanggang sa kanyang ama ay lahat naging Mayor ng kanilang bayan kaya naman masasabi niyang nasa dugo niya na talaga ang pulitika. Maingat siyang pumasok sa kabahayan, may mga nakabukas pa doon na ilaw gaya ng laging niyang bilin kapag hindi pa siya nakakauwi. Hanggang sa maamoy niya ang mabangong niluluto mula sa kusina kaya doon siya nagpunta. 





"P-Primo!" Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tray ng makita siya na naka-pamulsa at nakatayo pagtalikod ko. Anong ginagawa niya dito? I-I mean bakit siya nandito sa kusina? Kakauwi niya lang siguro, at anong oras na!



Primo gazed at her maliciously, she have a messy hair bun, nakasuot din naman ito ng apron pero madungis pa din talaga ang itsura nito gawa na siguro ng ginamit na harina na nagkalat sa suot nito. Pero kahit gano'n ay napakaganda pa din talaga ng babaeng nasa harap niya. Dahan-dahan niya itong nilapitan at alam niyang kinakabahan na naman ito gaya ng dati. He held her few hair stands beside of her eyes and put it back of her ear.



"I told you don't call me Primo Serenity, call me Mayor.." At kahit may bitbit pa itong tray na may laman na ibe-bake nito ay nagawa niya pa din itong hilahin at siilin ng isang mainit na halik.  





#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now