CHAPTER 42

15.8K 393 17
                                    


Hi! Chapter 01 of Night of sin with the Senator is now posted in Patreon and vip group. Daily updates po ito, and again R-18 story po ang sinusulat ko so read at your own risk po. Yon lang, dm niyo ako sa fb page sa mga gustong sumali.









Parang hindi ako makapaniwala sa mga ikinukuwento sa akin ngayon ni Lina pero nandoon pa din na ang lahat ng mga kuwento niya ay talaga namang kayang gawin ni Primo. Pero kase nakakapagtaka lang dahil bakit parang sobra-sobra naman ang pakealam niya sa akin? Eh samantalang tandang-tanda ko lahat ng sinabi niya sa akin noon at kung gaano siya kagalit.



"Pero Ma'am buti na lang po talaga buhay pa din 'yong naka-bangga sa inyo at hindi napuruhan ni Mayor kung hindi mas malaking issue po 'yon sa Santa Clarita." Kuwento pa ni Lina sa kanyang boss, nandoon din ang dalawang nurse na nagbabantay sa Ma'am Serenity niya kaya bale apat sila. Kasama niya kanina si Garreth dito, well actually sa condo siya ng binata tumutuloy simula ng dalhin dito ang amo niya sa Maynila.



"Hindi niya na sana ginawa 'yon, baka mamaya may mangyari pa sa kanyang masama o kaya kagalitan siya ng mga tao." Sabi ko naman na napapailing na lang, siguro dala ng galit kaya nagawa 'yon ni Primo lalo na kung masama talaga ang lagay ko sa ospital ng maabutan niya. Pero hindi pa din valid 'yon para sa akin at talagang nagpadalos-dalos siya sa ginawa niya.



"Naku Ma'am alam niyo naman si Mayor wala ding sinasanto 'yan tsaka kapag galit ay talaga nga namang galit." Sabi pa ni Lina, medyo nawala na ang inis niya sa alkalde dahil nga nagka-malay na ang boss niya pero hindi na siya boto dito kagay noon.



"Pero mali nga, nasaan ba kase siya? Simula kahapon hindi pa siya pumupunta dito." Tanong ko naman. Kay Lina ko lang nalaman na-announce pala akong patay na noong nasa ospital ako sa Santa Clarita, na wala na talaga ako after i-revive ng mga doktor. Kaya parang pangalawang buhay ko na pala ito kung tutuusin at salamat talaga dahil bumalik pa din ang heart beat ko.



"Eh diba Ma'am parang pinagsabihan niyo yata siya na kung bakit siya nandito? Eha baka kaya hindi dito pumupunta dito kase pagkakaintindi ni Mayor ay ayaw niyo ang presensiya niya."



"Hindi naman 'yon ang sinabi ko sa kanya ah, naiinis lang ako kase naalala ko 'yong pinuntahan ko siya sa mansyon niya." Naiintindihan ko na sinisisi ni Primo ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin at medyo may tama siya doon dahil hindi nga talaga siguro ito mangyayari sa akin kung hindi ako nagpunta sa mansyon niya at sinugod siya. Pero hindi pa din naman talaga siya ang may kasalanan. But knowing him I know he felt guilty lalo pa at hindi pa ako nakakalakad masyado pero atleast safe kami ng baby ko at alam ko na okay talaga ang pinagbubuntis ko.



"Pero alam niyo naman si Mayor maiksi lang ang pasensiya no'n tskaa sa sitwasyon niyo po talaga noong nasa ospital kayo ay talagang magagalit siya sa driver na nakasagasa sa inyo." Sabi pa ni Lina, bali-balita kase ang nangyaring 'yon sa bayan ng Santa Clarita lalo na at binaril nga daw ni Mayor Primo ang suspect sa pagkakabangga sa Ma'am Serenity niya.



"Kapag nakita mo siya sabihin mo nga puntahan ako dito para makausap ko siya." Sabi ko na lang, buti na lang at buhay ang nakabangga sa akin at hindi niya pinuruhan pero kahit na. Hindi pa din tama ang ginawa ni Primo do'n, at paano kung may pamilya pala 'yon? May anak na binubuhay? Eh di nawalan na ng ama dahil sa nangyari sa akin. Kaya kailangan ko talaga siyang makausap.



Samantalang kasama naman ni Primo si Garetth sa cafeteria ng ospital, halos tatlong oras na sila dito pero parang kaya niya pa tumagal hanggang bukas na nakaupo lang dito. The result of his check-up was out, and he already talked on the doctor here also in the hospital. And honestly he don't know what to feel right now, if he will celebrate or he should start mourning. Kanina pa din siya chini-cheer up ng kaibigan pero hindi naman niya magawa.



"Ano na Primo? come on umakyat na tayo sa itaas." Muling aya ni Garreth sa kaibigan, kanina pa sila pinagtitinginan ng mga costumer na narito dahil nga nandito din ang anim na bodyguards ni Primo pero ayaw pa nito umalis at mukhang walang balak na tumayo sa kinakaupuan nito.



"You can go now if you want, pero ako dito muna ako." Sagot ng alkalde na muling humigop sa pang apat na kapeng inorder niya. Dapat yata isa lang ang ininom niya simula kanina eh, dahil nagpa-palpitate na siya.



"Hindi mo puwedeng hindi harapin ang asawa mo, kausapin mo na siya kase bukas lalabas na din siya sa ospital diba?"



"Hindi ko kaya, sa tingin mo ba mapapatawad niya ako kapag humingi ako ng sorry sa kanya?" Balik na tanong ni Primo, base kase sa resulta ng check up niya ay okay naman na ang nerves niya noon na hindi nagfa-function dahil sa natamo niyang aksidente. So meaning kanya nga talaga ang pinagbubuntis ni Serenity at hindi na siya dapat pa magduda.



"Wala kang ibang pagpipilian kung hindi harapin si Serenity Primo, 'yon lang ang masasabi ko para maging maayos kayo o ano." Payo ni Garreth, he felt relieved actually when he heard the news from him. Masaya siya para dito dahil may tsansa na magka-ayos pa ito at si Serenity kaya dapat ay wala ng sayangin pang oras ang kaibigan niyang ito at puntahan na ang asawa.



"Pero sinabihan ko siya na may lalake siya Garreth at paano kung magka-sumbatan kami? Alam ko naman na may kasalanan ako pero 'yon naman kase talaga ang alam ko diba? Na hindi na ako puwedeng maka-buntis." Hiyang-hiya siya hindi lang kay Serenity kung hindi lalo na sa sarili niya, at parang paulit-ulit na naririnig ni Primo ang mga sinabi niya sa asawa .At para sa kanya mahihirapan siyang kunin ang tawad nito.



"Pero okay na nga diba? Sinabi na kamo ng doktor na okay na okay ka at healthy ka so 'yon pa lang ay dapat matuwa ka na." Hindi alam ni Garreth kung matatawa na lang ba sa nakikita niyang reaksyon ni Primo eh, pero sigurado siyang nakahanap na ito ng katapat at 'yon ang asawa nito "Walang mangyayari kung tutunganga ka dito, mas maigi pa na puntahan mo si Serenity para makausap. Isa pa sigurado ako na mapapatawad ka no'n."



"At paano kung hindi?" Kontra agad ng alkalde na kanina pa hindi alam ang gagawin.



"Wag ka munang mag-isip ng ganyan kase hindi mo pa nga siya nakakausap kaya kung ako sa 'yo ay halika na para hindi na tayo nag-oover think pareho." At tsaka hinila ni Garreth ang kaibigan, wala naman itong choice kung hindi harapin si Serenity at isipin nila pareho na magiging okay ang lahat. Kaya sana nga, 'yon ang mangyari sa mga ito.




#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Donde viven las historias. Descúbrelo ahora