CHAPTER 29

15.4K 371 12
                                    




Hi! Sa mga readers ng story ni Azreya, bukas ko po ipopost yung 4 chapters. Para hindi na siya bitin kase tapos na siya. Yon lang, happy Thursday!






"Malapit na ba?" Tanong ni Primo sa asawa habang yakap-yakap ang limang unan, his wife is changing the bed sheet of their bed at kahit puwede namang ipatong sa upuan ang mga unan na hawak niya ay talagang hindi daw puwede dahil baka madumihan.



"Wait lang hindi pa ako tapos." Hindi ko na siya tiningnan dahil matatagalan lang ako panigurado sa pag-aayos ng kobre kama kapag kinausap ko pa siya. King size bed ang binili namin at sigurado ako na hindi na ito basta masisira dahil gawa ito sa puno ng narra. Ang ganda din ng kama dahil may nakaukit na design talaga sa mga gilid.

"Ayan tapos na.." Serenity smiled after she finished putting the beddings on their bed, kulay puti ang nilagay niya para hindi lang malinis tingnan kung hindi para maaliwalas din. "Ilagay mo na 'yang unan dito." Sabi niya kay Primo, sinunod naman siya ng alkalde pero inayos pa din niya 'yong mga unan sa uluhan ng kama. Mas gusto niya na siya mismo ang nag-aayos ng kuwarto nila at hindi niya talaga inaasa ang paglilinis nito sa mga kasambahay dito. Private space na kase nilang mag-asawa 'to kaya naman para sa kanya ay sila lang talaga dapat ang nakakapasok dito.

"Ayos na ayos ah, mamaya naman panigurado gusot-gusot na 'to." Sumampa na si Primo sa kama, may nilagay pa nga ang asawa niya na clip sa ilalim ng kutson na pinang-clip sa bedsheet para daw hindi magusot 'yong sapin nila sa kama pero hindi siya masyadong tiwala doon lalo na kapag ano.



"Hindi mo naman kailangang maging malikot sa pagtulog." Inalis ko na ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko at isinampay 'yon sa towel rack na nasa loob ng banyo. Naligo muna talaga ako bago ako nagpalit ng bedsheet. Naglinis din muna kase ako ng kuwarto namin pagkatapos naming kumain kanina.

"Pero alam mo maganda 'to kung bibinyagan natin." Pilyong sabi pa ni Primo habang nakatingin sa asawa.

"Primo!" Inumang ko nga sa kanya ang hawak kong hair brush. "Tumigil ka nga diyan, I rolled my eyes to him and sat down on the chair on my vanity cabinet. Habang tumatagal at habang napapadalas ang nangyayari sa pagitan namin ay mas lalo lang siyang nagiging vocal sa akin. 'Yong bang hindi na siya nagdadalawang-isip pa sa sasabihin niya.



"Oh bakit? tama naman diba? Dapat lang natin itesting kung gaano katibay ang kama na 'to." Hirit pa ng alkalde, baka makalusot, eh di masaya na naman kami ng alaga ko.



"Ewan ko sa 'yo, matutulog lang tayo okay? At tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan dahil baka doon ako sa sofa matulog." Tinuro ko pa sa kanya ang sofa na nandito din sa loob ng kuwarto namin. Ang laki naman kase ng kuwarto na 'to at talagang may pa-mini sala pa.



Napasimangot naman si Primo dahil do'n, parang kakaiba na ang pagbabanta nito sa kanya ah kase ayaw niya ng sinabi nito.



Ngumiti ako ng matahimik siya, see? takot ka din pala mawalan ng katabi sa kama eh. Iniligpit ko na ang suklay na ginamit ko bago ako sumampa sa kama. Mag-aalas onse na ng gabi pero gising pa talaga kaming dalawa.

"Kumusta ang trabaho mo? wala na pala 'yong mga nagche-check point na mga pulis."



"Ayos lang, pagod as usual pero fulfilling naman ang pagiging mayor sa bayan na 'to. About sa nagche-check point na 'yan wala na talaga dahil hindi na naka-red alert ang kapulisan ng Santa Clarita. Dahil 'yong mga bandido na napabalita na bumaba galing sa bundok ay binigyan ko ng trabaho." Kuwento ni Primo habang nakasandal sa headboard ng kama nila.



"Ano? Come again?"Tiningnan ko siya ng maigi at mukhang seryoso naman siya.



"I meant it, nakita namin noong nakaraan 'yong grupo nila na nangingikil no'ng pauwi na kami so dahil nandoon na din naman ako ay kinausap ko na din sila. They just doing it because they can't get any source of income, at dahil nga daw 'yon sa quarrying pero syempre ipinaliwanag ko sa kanila na hindi naman na ang munisipyo ang nakakasakop do'n dahil madaming bayan ang naghahati ng bundok dito so sabi ko kung kailangan nila ng trabaho bibigyan ko sila basta makipag-usap lang sila sa akin sa munisipyo."


"Hindi nga ginawa mo 'yon?" Parang hindi pa din ako makapaniwala, ang sarap naman sa pakiramdam at marinig ng sinabi niya.



"Yes at wala akong pakialam kahit hindi pa sila botante dito dahil nga hindi sila mga naka-rehistro. I gave them a job, 'yong iba pinasok sa janitorial program sa munisipyo at 'yong iba naman sa construction na siyang gumagawa ng mga kalsada at mga buildings na tinatayo under sa aking term." Sabi pa ng alkalde, tinanong niya na din kung may mga anak ba ang mga ito at ng sabihin naman ng ilan sa mga 'yon na mero'n ay inalok niya na din na ma-enrol sa public school ang mga bata dito sa kanilang bayan.



"Eh paano kung matapos ang term mo? Eh di wala na silang trabaho gano'n?" Para naman kaseng for short term lang pala kung gano'n ang mangyayari.



"Naka probational sila at sabi ko dapat silang mag-seryoso sa trabaho para kahit hindi na ako ang mayor ay maging regular ang trabaho nila." Pangalawang term pa lang ito ni Primo at sa susunod na halalan ay may balak din talaga siya tumakbo at siguro naman siya pa din ang mananalo kung sakali.

"Ang galing! Pinahanga mo naman ako." At sa sobrang tuwa ko nga ay nakurot ko pa siya sa pisngi.

"Serenity!"



"Natutuwa lang ako, sabi kase ng ibang tao istrikto ka daw masyado o kaya naman may pagka-salbahe pero ang saya lang pakinggan na binigyan mo ng trabaho 'yong mga kumakalaban sa gobyerno." 'Yon naman kase talaga ang mga 'yon eh, pero heto at binigyan ni Primo ng pagkakataon na makapag-bagong buhay.



"Tsk.." He shooked his head, he's not yet used to be praised of his wife but her reaction seems so priceless. "Alam ko naman na gano'n ang tingin sa akin ng ibang tao dito sa Santa Clarita pero ginagawa ko lang ang tama." Hinila niya nga ito at tsaka inihilig sa kanyang braso. "I'm maybe short temper but I just show it to those people who deserve it."

"Basta ako natutuwa lang ako dahil binigyan mo sila ng chance para makapagbago." Kung dati hindi ako komportable kapag ganito kami kalapit sa isa't-isa ay iba naman ngayon. Hindi na kase ako masyado kinakabahan kagaya dati.



"Some people deserve a second chance wife, pero may mangilan-ngilan lang talaga na hindi deserving para magkaroon ng gano'n." Sabi pa ng alkalde, sa dami ng tao na nakasalamuha niya ay nahasa na lang siya kumilala ng tao at kapag dito sa bayan nila may mga tao din naman na hindi niya din talaga sinasanto.



"Sige na nga at dahil diyan kahit maya-maya na tayo matulog." I kissed him on his cheeks pero imbes na matuwa ay parang hindi man lang siya masaya sa halik ko.



"Torrid kiss kase ang gusto ko." Mabilis na sabi ng alkalde bago inihiga ang asawa at kinubabawan ito. "Plus binyagan na natin ang kama na 'to."

#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Where stories live. Discover now