CHAPTER 03

28.7K 536 13
                                    






Pakiramdam ko ay hindi lang yata ako isang oras na gising simula ng mahiga ako sa kama, parang hindi kase ako makakatulog kapag ganito. Never naman akong may nakatabi sa kama lalo na at lalake pa, kaya nga nagulat ako ng sabihin ni Primo kanina na sa iisang kama lang kami matutulog? At bakit ba kase may pa-ganito pa? Kung 'yon nga na magkahiwalay kami ng kama naiilang na ako ito pa kayang magkatabi na kaming dalawa?

Tumikhim naman si Primo, alam niyang gising pa si Serenity pero nakatalikod naman ito sa kanya. Ito ang gusto niyang tanggalin dito ang pagiging mahiyain pagdating sa kanya, alam niya namang labag sa loob nito ang pagpapakasal nito sa kanya pero ano bang magagawa niya? Eh sa gusto niya itong maging asawa. Beside wala naman itong dapat ikatakot sa kanya, he's nice all the time though..

"I know you're still awake wife.." Napakasensuwal ng pagkakasabi na 'yon ni Primo na umusog pa talaga palapit sa asawa.

Para namang huminto ang pagtibok ng puso ko ng idantay niya ang kanyang kamay sa aking beywang, at ramdam ko din ang init ng hininga niya sa may batok ko. Ano bang ginagawa niya?

"Kailangan mong masanay na magkatabi tayo sa iisang kama Serenity, paano na lang kung may makaalam na ganito pala ang set up natin? Baka kung ano ang isipin ng mga tao." Pilit sa sarili na huwag mapamura ang alkalde dahil langhap na langhap niya ang mabangong buhok ni Serenity ngayon. Mas inilapit niya pa tuloy ang katawan dito, alam niyang gising pa din ito at gaya niya ay hindi din makatulog.

"P-Primo.." Wahhh he's really hugging me! Siguro kung ibang babae ay kikiligin kapag ganito ang nangyari tapos si Primo pa ang katabi, pero hindi ako! Dahil nakapulupot talaga ang kamay niya sa beywang ko, at ng akma kong aalisin sana 'yon ay hinawakan naman niya ang kamay ko. At doon na parang tumigil ang mundo ko dahil ngayon lang talaga nangyari ang ganito.

"I know your nervous wife, but I just want to hug you. Wala naman akong ibang gagawin na hindi maganda at lalong hindi naman kita pipilitin na mag-sex tayo kahit pa gustong-gusto ko." Wala man lang preno na sabi ng alkalde, aba hindi naman siya santo at gaya lang din siya ng ibang lalake na nakakaramdam ng pagnanasa. Pero kaya naman niyang pigilan para sa asawa, pero kung hanggang kailan ang hindi niya alam.

Oh my god! "A-Ano bang sinasabi mo? Tumigil ka nga Primo!" Kahit hindi ko siya nakikita dahil nga nakatalikod ako sa kanya ay alam na alam ko naman na nakatingin siya sa akin. So gusto niya ng sex kaya ba niya ako biglang kinausap? At akala niya siguro ay nakalimutan ko na ang paghalik na ginawa niya sa akin kanina? Hindi no!

"Why? Tama naman ang sinabi ko diba? Iniisip mo na gusto ko ng sex kaya ako ganito at tama ka naman, gusto ko nga. Pero hindi naman ako gago para pilitin ka na gawin 'yon." Isiniksik pa ni Primo ang mukha sa may leeg nito at parang lalo lang nagwala ang kanyang pagkalalaki ng maamoy ang asawa. His wife smell good, but he's not a bastard to do something he will regret later on. At 'yon ang pilitin si Serenity na may mangyari sa kanila. Buti na lang at naglakas loob siya na tabihan ito kung hindi ay puro tingin lang ang magagawa niya.

"B-Bitiwan mo ako.." Napapikit ako dahil sa may tenga ko naman nararamdaman ang paghinga niya, at para akong nakikiliti dahil do'n.

But Mayor Primo is so persistent, hinawakan niya pa ang tiyan nito at inikot ang asawa hanggang sa mapaharap ito sa kanya. And now they are facing to each other face and he like that.

"Kahit hindi ko naririnig ang tibok ng puso mo ay alam kong kinakabahan ka." Primo was trying his self not to smile because Serenity face now is so pale like a paper.

"A-alam mo naman pala pero nananadya ka.." Halos pabulong lang 'yon na sinabi ni Serenity pero narinig naman 'yon ni Primo.

"I'm not bad Serenity, at hindi din ako nananadya kung 'yon ang iniisip mo. At gaya ng sabi ko sa 'yo, wala akong gagawin na masama sa 'yo. I just want you to be comfortable around me at wala naman talagang masama kung magtabi tayo dahil asawa naman kita." Ani ni Primo, siguro kung sa ibang tao ay kaya niyang ilabas ang sama ng kanyang ugali ay iba naman pagdating sa asawa. Dahil simula ng tumira ito sa mansyon niya at makasama ito ay may parte ng kanyang pagkatao na gusto itong makilala pa lalo na kailangan niya itong dahan-dahanin dahil hindi ito katulad ng ibang babae na nakasalamuha niya na. Na alam niyang mabuting babae ito, kahit na nabigla pa ang buong bayan ng Santa Clarita sa biglaang pagpapakasal niya ay wala siya doon pakialam dahil aaminin niya ngayon mismo marahil nga ay na-love at first sight siya kay Serenity.

"G-Goodnight, w-wag kang gagawa ng masama Primo dahil lagot ka talaga sa akin." Pumikit na ako, bahala siya diyan basta ako pipilitin kong matulog.

Doon na natawa ang alkalde dahil pinakita pa sa kanya ni Serenity ang kamao nito bago ito pimikit. "Don't worry, wala naman talaga ako gagawin sa 'yo na masama. I just want to lay beside you that's it." And with that he kissed her forehead, hindi na din niya inalis ang kamay niya sa beywang nito at sa halip ay mas niyakap niya pa si Serenity. At alam niya makakatulog talaga siya ng maayos ngayon na walang bumabagabag sa kanyang isip.


Nahuling nagising si Serenity kinaumagahan, tinanghali na nga siya dahil pasado alas nuwebe na siya nagising at pag-gising niya ay wala na sa tabi niya si Primo. Agad niya pa ngang kinapa ang katawan at pinakiramdaman ang sarili kung may nabago doon pero nakahinga siya ng maayos ng wala naman siyang maramdaman na kakaiba. Nagmadali din siya dahil kailangan niyang ideliver ang mga ginawang banana bread kagabi at kailangan niya pang magpunta sa bakery niya mamaya pagkahatid no'n.

Pagkatapos makaligo ay agad na din siyang lumabas ng kuwarto at bumaba sa paikot na hagdan ng bahay ni Primo. Ang tawag nga ng mga taga dito sa bayan nila sa bahay na 'to ay bahay na puti. Dahil kulay puti talaga ang pintura ng buong mansyon at pati ang gate ay puting-puti din maski na ang bakod. Pero sino ba naman ang mag-aakala na matitira siya dito at mapapangasawa niya pa ang Mayor ng kanilang bayan, wala. pati nga ang mga nakakakilala siya sa kanya ay hindi makapaniwala at maski na siya mismo. As in wala dahil nga maliban sa laki ng agwat ng edad nila ay kilala din si Primo na istrikto bilang alkalde ng bayan ng Santa Clarita. Pero alang-alang sa bakery ng tinayo pa ng magulang niya ay pumayag siya magpakasal dito.

"Hey, hey, hey where you going?" Naka isang linya na tanong ni Primo kay Serenity ng makita niyang palabas ito ng mansyon, he just finished a video call meeting at kahit talaga araw naman ng Sabado ay hindi pa din maiwasan na magtrabaho siya.

"I-Ikaw pala.." Bakit parang hindi man lang siya kababakasan na late na siyang natulog? Eh madaling araw na nga kami nakatulog na dalawa. Samantalang ako ay inaantok pa. "Mag-dedeliver lang ako nito." Hindi ko na itinaas ang bitbit kong eco bag na may laman na mga banana cake dahil medyo mabigat 'yon. Ito 'yong ginawa ko kagabi at buti na lang at na-pack ko din siya agad, tinulungan din kase ako ni Criselda ang isa sa kasambahay dito sa mansyon.

"Wearing that? Your not going anywhere wearing a shorts Serenity." Biglang sumeryoso ang boses ni Primo, muli din niyang pinasadahan ang suot ng asawa. She's wearing a maong shorts and blouse, at kahit disente naman ang suot nito para sa kanya hindi ito makaaalis ng bahay niya na gano'n ang suot nito.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niyang 'yon. "Anong problema sa suot ko? maayos naman ah." Tanong ko sa kanya, alas dyis dapat madala ko na ang mga tinapay na 'to sa umorder sa akin at anong oras na. Ito kase ang magiging meryenda ng event ng umorder nito, nagpapa-loan sa bangko ang kumuha nag-order sa akin at bayad na ang lahat ng 'to.

"Your showing too much skin wife, and for me that's so absurb." Nilapitan na ni Primo ang asawa at sinenyasan ang dalawang kasambahay niyang naroon. Pinakuha niya sa mga ito ang dala ni Serenity bago ito hinawakan sa kamay. "Come on magpalit ka muna ng damit at sasamahan na lang kita maghatid niyan."

Halos manglaki naman ang mata ko, ano daw? sasamahan niya ako? nagulat na nga lang din ako ng kunin sa mga kamay ko ang dalawang eco bag ng kasambahay.

"Wag ka ng umapela pa Serenity, dalhin niyo na din 'yan sa sasakyan ko." Sabi pa ni Primo sa mga kasambahay. "Magpalit ka na ng damit dahil ayoko na may ibang lalake ang makakita sa asawa ko na ganyan ang suot."

Kaya kahit naguguluhan sa inaasta ng alkalde ay walang nagawa si Serenity kung hindi sumunod dito ng akayin siya paakyat ng hagdan.



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin