CHAPTER 22

21K 363 6
                                    


Hi! Chapter 09 na kami sa story ni Maria Cristina Tuazon, pm niyo ko sa fb page sa gustong sumali. And again pay to read story po ito.





"Come on you should smile wife and please don't look like that." Sabi ni Primo habang nag-aalmusal silang mag-asawa, bihis na siya para pumasok sa munisipyo at kahit kulang sa tulog ay ang ganda pa din ng gising niya. And take note kahit pa sabihing mero'n siyang hang over ay hindi niya 'yon iniinda, sadyang napakasarap talaga ng gising niya ngayong umaga at walang maaaring makasira ng mood niya na ito.


I should smile mo mukha mo! Inirapan ko nga siya sa inis ko, ang init-init ng panahon pero ako heto at naka-jacket pupunta ng bakery ko! Paanong hindi ako maiinis, eh tinadtad niya lang naman ng kiss mark ang leeg ko at hindi lang 'yon dahil nasunog pa 'yong mga carrot bread ko kagabi at nanghihinayang ako do'n.



Natawa lang ang alkalde sa inasal na 'yon ng asawa, alam niya kase kung ano ang sinisintir nito kaya ganito ito sa kanya. Matapos niya kase itong angkinin sa kusina kagabi ay tinulungan niya muna itong ayusin ang mga binake nito, kaso 'yong iba nga ay nasunog dahil kahit pinatay naman na ang apoy ng oven ay nandoon pa din ang init no'n sa loob. He tooked her again in the shower, at tumatlo pa talaga siya kagabi bago matulog. Sabi nga sa kanya nito ay para nga daw hindi naman siya lasing kase nga nagawa pa din niyang angkinin ito ng tatlong beses. Plus the red marks he leave on her neck, at ngayon nga ay naka jacket ito na parang turtle neck na kung tawagin para itago ang mga marka na siya din ang salarin.



"Wag ka ng magalit, masyado ka lang talaga masarap kaya hindi ko naiwasan kagabi na huwag kang lagyan ng kiss mark." Sabi pa ni Primo na ganado sa pagkain.



I rolled my eyes again to him. "Ewan ko sa 'yo." At sa inis ko pa nga ay sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa.



Santa Clarita..

"Ganda ng mood ah, sayang-saya tayo ah." Ani ni Noah na sumaglit sa opisina ng kaibigan, may pinuntahan kase siya dito sa Santa Clarita kaya naman dinaanan na din niya ang kaibigan na Mayor dito sa munisipyo.



"Maganda talaga kaya lumayas ka na dito sa opisina ko." Sabi ni Primo, kinukulit niya kanina ang asawa sa text dahil nagpahatid na ito sa driver niya sa bakery nito pero hindi naman siya nito nirereplayan pero ng tawagan niya ay sinagot naman siya. He's like a teenager, 'yong teenager ba na nagpapansin sa crush niya. Hindi kase sa kanya nagpahatid si Serenity sa bakery nito dahil mukhang inis pa din sa kanya ang asawa hanggang ngayon pero mamaya babawi talaga siya dito pag-uwi niya. Sosorpresahin niya ito ng dinner tsaka ng bulaklak tapos muli niya itong ikukulong sa kuwarto nila! Tama maganda at magaling talaga siya mag-plano eh!



"Wow makasabi ng lumayas ah, parang hindi kaibigan." Umupo pa si Noah sa upuan sa harap ng lamesa nito. "Mukhang naka-score tayo kagabi ah." He teased him while his eyebrows are moving, 'yon lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit ito masaya eh, kase kagabi ay nakabusangot naman ito habang nag-iinuman sila.



Hinawakan naman agad ni Primo ang folder sa ibabaw ng lamesa niya para ihampas sa kaibigan pero mabilis lang din itong umiwas sa kanya. "Lumayas ka na nga at may pupuntahan din ako."



"Susss nahiya pa si Mayor, dito muna ako, maya-maya na ako aalis." Ani ni Noah, para kaseng timang na kinikilig ang mayor niyang kaibigan. Ngiting-ngiti ito ng maabutan niya kanina samantalang puro papel lang naman ang kaharap nito.



Pero tumayo na ang alkalde, alas onse pa lang ng umaga at plano niyang maglibot ngayong tanghali sa bayan na nasasakupan niya. May nakaabot kase sa kanya na balita na may mga tulisan na bumaba galing bundok at nanggugulo sa mga kababayan niya kaya 'yon ang gusto niyang maaksyunan. "Halika na, oras ng trabaho ngayon pare at binabayaran tayo ng taong bayan para magtrabaho." Hinila na lang niya si Noah dahil mukhang tatambay pa ito dito sa opisina niya. Basta ang sigurado at pangako niya sa sarili ay hinding-hindi siya magkukuwento sa kahit kanino kung bakit siya masaya, kahit pa dito.



"Ma'am hindi po ba kayo naiinitan? Kanina pa po kayong umaga nakasuot ng jacket." Sabi ni Lina ng salubangin niya si Serenity, namili kase ito ng ilang lalagyan para sa mga tinapay sa bakery.



Naiinitan, para na nga akong naliligo sa pawis mula pa kanina eh. "Hindi naman mainit." Sagot ko sabay upo sa upuan, alas kuwatro na ng hapon at kakabalik ko lang din dito sa bakery. Natagalan kami dahil sa check point mukha kaseng naka-high alert ang buong Santa Clarita dahil wala naman 'yon kaninang umaga.



"Kung sa bagay, baka po sanay na kayo sa aircon sa bahay ni Mayor, 'yong mga nakikita ko din po na naka-aircon mahilig sa jacket eh." Sabi pa ni Lina. 'Siya nga pala Ma'am bali-balita po na bumaba 'yong mga bandido galing sa bundok ah, may bumili po kase kanina dito at naikuwento 'yon sa amin."



Bandido? "Talaga? May ginawa bang masama?" Balik kong tanong, wala naman kase sa akin naikuwento tungkol doon si Primo kanina kaya siguro nito lang 'yon bago magtanghali.



"Nagbabahay-bahay daw po at nangunguha ng mga gamit." Kuwento pa ni Lina, minsan madami talaga silang nasasagap na kuwento dito sa pinagta-trabahuan niya eh. Lalo na mula sa mga costumer nila mismo.



"Delikado nga kung gano'n, kaya siguro may mga check point kanina." Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong bag at tiningnan kung may message man lang ba sa akin si Primo pero wala naman.



"Kaya nga po malaking tulong at pinalagyan itong bakery niyo ni Mayor ng security guard eh, tapos may bodyguard pa kayo kaya safe na safe tayo.."



"Lina.." I shook my head, para ngang nasanay na lang din ako na nakabuntot sa akin ang dalawang tauhan ng asawa ko eh. Pero minsan naiilang pa din ako lalo na kung may kailangan akong hatiran ng mga tinapay, minsan kase may mga bulk orders din ako at ako mismo ang naghahatid no'n.



"Hindi naman po sa pag-aano Ma'am pero sa totoo lang po parang naging blooming kayo simula ng mapangasawa niyo si Mayor Primo, basta po parang nag-iba ang awra niyo." Dagdag pa ni Lina, malapit siya sa boss niya dahil siguro sa halos magkasing-edad lang naman sila. Pero syempre kahit gano'n ay nandoon pa din ang pag-galang niya dito.



"Tumigil ka na nga. halika na at linisan na natin itong mga binili kong tray para bago ako umuwi ay maayos muna natin ang mga ito sa estante." Para kaseng napa-isip ako sa sinabi niya, may araw man na nakakainis si Primo pero mas madami pa din ang araw na naiintindihan ko ang ugali niya, siya 'yong tipo ng tao na matatakot ka sa umpisa pero kapag nakilala mo na ay okay na. At parang kakaiba na din kase ang nararamdaman ko, 'yong bang parang nahuhulog na ako sa kanya.



#nahulognakaymayor
#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon