CHAPTER 08

18.5K 409 14
                                    





"Teka hindi ganyan ang paghiwa niyan." Saway ko kay Primo ng mag-volunteer siya na siya na daw ang maghihiwa ng kamatis sa sawsawan namin. Paanong hindi ko siya sasawayin, eh ang lalaki ng hiwa no'n. Nag-ihaw kase kami ng liempo dahil 'yon lang ang nakita ko na mero'n sa ref at kaming dalawa lang din ang nag-ihaw no'n. At siya ang pinag-ihaw ko kaso inabot naman siya ng siyam-siyam sa pagpapa-dingas ng uling. Akala ko nga magrereklamo siya pero hindi din siya nagpatulong sa mga kasambahay namin dito at maski sa bodyguards niya na nakasunod sa amin. 



"Kaya ko na 'to." Sabi naman ng alkalde, aba hindi siya papayag na walang mai-ambag sa tanghalian nila no. Pero kanina willing na talaga siyang magpa-deliver na lang ng pagkain o kaya naman ayain na lang si Serenity na kumain sa labas lalo pa at ang hirap palang magpa-dingas ng uling sa ihawan. Ayaw naman niyang magreklamo kaya wala siyang nagawa kung hindi pag-tiyagaan ang ginagawa kanina. 



Napapailing na lang tuloy si Serenity at hinayaan na lang ang asawa, mukhang kahit anong pigil ang gawin niya ay hindi din talaga ito magpapatalo. Kaya inabot niya na lang din ang limang piraso ng calamansi para mahiwa na din nito. Habang inayos na niya ang lamesa para makakain na sila. 




    "Ang sarap.." Ani ni Primo habang kumakain silang dalawa ng asawa. "Sandali mo lang ito minarinate pero malasa." Sabi niya pa, hindi niya nga naisip na puwede pa lang ipang-marinate sa baboy ang sinigang sa sampalok at nagulat talaga siya kanina ng 'yon ang ilagay ni Serenity sa iihawin nila.




"Masarap talaga." Pilit kong inaalis ang pagka-ilang ko sa kanya, dahil habang tumatagal na nakakausap ko siya ay nare-realize ko na hindi naman pala siya masungit gaya ng sabi ng mga tauhan niya dito. 'Yon nga lang lagi siya talagang seryoso at parang hindi mo siya makakausap pero kapag inapproach mo naman siya ay nakikipag-usap naman siya. 




"Pupunta ka ba sa bakery mo mamaya?" Pag-iiba ng usapan ng alkalde. 



Umiling ako. "Bukas pa, hindi ako nagtatrabaho kapag Linggo." Sabi ko sa kanya, ito kase ang araw na pahinga ko talaga pero bukas ay sigurado akong nasa bakery ako. "Pero aalis pala kami nila May-ann mamaya, mag-gogrocery kami." Sinabihan ko kase ang mga kasambahay niya kanina habang nasa kusina kami para naman makapamili kami ng mga stock dito. 




"Ako na lang ang sasama sa 'yo, wala naman akong gagawin." Pag-piprisinta ni Primo, isa 'yon sa kinakaayawan niyang gawin at nagbibigay na nga lang siya sa mga kasambahay ng budget para mag-grocery at mamalengke. Pero dahil may asawa na siya ngayon ay dapat lang siguro na samahan niya ito mamaya. 



"S-Sigurado ka?" Ito na naman kami sa sasama siya, at ang ending nito panigurado ay wala akong magagawa. 


"Siguradong-sigurado." Nakangiti pang sabi ng alkalde bago ulit sumubo ng pagkain. 





    Alas tres ng hapon sila aalis na dalawa, dahil pareho lang nila iniiwasan ang init ng panahon. Primo already talked on the two victims of Enriquez, tumawag ang mga ito sa kanya kanina. Hindi man niya inamin na siya mismo ang pumatay sa kapatid ng konsehal pero parang gano'n na nga din at bukas nga ay nagsabi pa ang mga ito na pupunta sa munisipyo para makausap siya.

"Yan talaga ang susuutin mo?" Ang mapanuring tingin ni Primo ang tumingin kay Serenity.


"H-ha? O-oo, bakit? Maayos naman ang suot ko." Wag niya lang talaga sasabihin na magpalit na naman ako dahil hindi ako papayag. T-shirt na nga lang ang sinuot ko at maong na palda tapos hindi pa puwede?



"Your showing off your legs." Ani ni Primo na lumapit sa asawa. "Are your lips always luscious Serenity?" Tanong niya dito wala naman itong ano mang nilagay sa labi pero napaka-natural naman ng pagka-pula no'n, parang gusto niya tuloy haklitin ang asawa at halikan ang mga labi nito, o hindi kaya naman ay ihiga sa kama nila.


"T-tigilan mo nga ako Primo, halika na umalis na tayo." Umalis ako sa harap niya at dinampot ang maliit na bag na pinatong ko sa vanity mirror. Hindi ko kase talaga natatagalan kapag tumitingin siya sa akin dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. 



Pero hindi nagpa-daig ang alkalde dahil hinila niya ang asawa at niyakap ito.


"P-Primo!" Bakit ba ang hilig ng lalakeng 'to manghila?



"Pa-kiss muna sa asawa ko." At tsaka walang babala na niyuko ng alkalde si Serenity at siniil ito ng halik sa mga labi. Ang halik na ginawad niya sa asawa ay napaka-sensuwal, hindi siya nagmamadali kaya naman ninamnam din niya ang mga labi nito. At ilang sandali pa ay siya na din ang kusang tumigil. "Ang sarap talaga halikan ng asawa ko."




    Hindi ako umiimik pagsakay namin sa sasakyan niya, napahawak pa tuloy ako sa aking labi. Nakakarami na ng halik ang mayor na 'to sa akin pero wala naman akong magawa kung hindi halikan din siya. Hindi gaya kahapon ay kasama na namin ang driver niya at mga bodyguards ngayon na umalis kaya kami ang nakaupo sa gitna. Gusto ko mang magreklamo sa mga nakaw niyang halik ay hindi ko naman magawa at natatahimik na lang ako pagkatapos. Siya ang unang nakahalik sa akin at ewan ko ba tuwing hinahalikan niya ako ay hindi lang pag-kabog sa dibdib ang nararamdaman ko kung hindi pati nasasarapan ako.


"Hey.." Primo got his wife attention when he saw her shaking her head while looking outside of the car. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

Napalingon naman ako sa kanya. "W-wala, wag mo akong intindihin." Sabi ko sa kanya at tumingin na ako ulit sa labas ng bintana.



But Primo knew how to make her feel more awkward, so he leaned towards her and held her hand. Pinagsalikop niya ang kanilang mga kamay at laking tuwa niya ng makita ang suot nitong wedding ring nila. Kaya naman sa labis na saya ay hinalikan niya ang kamay nito.


"A-ano ka ba Primo!" Hihilahin ko sana ang kamay ko pero mas hinila lang din niya 'yon lalo at mas hinigpitan pa nga ang pagkakahawak sa kamay ko.



"Don't embarrass me wife, your hand feels good into mine." Ngingiti-ngiti pa na sabi ni Primo, ang lambot ng kamay ng asawa at parang ayaw niya ng bitiwan. And that made Serenity feels dumbfounded and uneasy in the same time.



    Sa isang grocery sa bayan ng Santa Clarita nagpunta ang mag-asawa. At sa entrance pa lang ay madami ng bumabati sa alkalde lalo pa at ito ang unang beses na magawi ito dito.



"T-teka, ang dami niyan!" Saway ko ng makita ko na dampot lang siya ng dampot ng iba't-ibang chips. Dinaig niya pa pala ang bata kasama sa grocery pero ang dami kase talaga niyang kinuha!


"It's looks tasty so why not?" Ani ni Primo na dumampot pa ng chips na may barbeque flavor at nilagay sa tulak-tulak niyang cart. Ito 'yong madalas kinakain ng kaibigan niyang si Garreth kapag nag-iinuman sila kaya alam niya ang chips na 'to. 


"At ikaw ang kakain niyan lahat?" Namamangha kong tanong.


"Puwede naman o kaya tayong dalawa habang nanonood ng movie o kaya umiinom."


Movie? Eh wala nga siya lagi sa bahay at anong oras na din siya nakakauwi tapos movie pa. "Ibalik mo 'yong iba, tsaka hindi ako umiinom ng alak no." Tinaasan ko na siya ng kilay dahil halos mangalahati na 'yong cart namin sa dami ng nilagay niya.



"Pero---" Magpo-protesta pa sana si Primo pero seryoso na kase ang tingin ni Serenity sa kanya. 


"Wala ng pero-pero ibalik mo na 'yong iba. Hindi porket ikaw ang magbabayad kukunin mo na ang lahat ng gusto mo no." Sabi ko sa kanya, ang usapan namin kanina 'yong kailangan sa bahay ang bibilhin namin pero ito talaga ang una niyang kinuha. Okay lang naman sana kung mga dalawang piraso kaso ang dami nga no'n. 


Napaawang na lang ang bibig ng alkalde dahil ito ang unang beses na may mag-bawal sa kanya at babae pa nga. At ng hindi pa kumibo ang asawa at nakatingin lang sa kanya ay wala na siyang magawa kung hindi ibalik din ang ilan sa kinuha niya sa shelves.


Doon lang ngumiti si Serenity at ngayon puwede niya ng sabihin na masunurin din pala ang asawa niya.






Hi! May onhand copies ako ng libro nila Princess, Daddy Rios, Arkanghel, Miguel at governor's son.



#maribelatentastories

Call me Mayor Book 01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon