Chapter 50

863 43 0
                                    

KAHIT anong paki usap ni Aruna hindi sya nakinig. Kabado ang lahat habang pinapanood syang pinag hahandaan ang pagpunta nya sa kinaroroonan ni Espera.

"Amaris hindi mo maaaring gawin ito!" Galit na wika ng lolo nya "Ikaw ang Alpha ng Terra Gaia! Hindi ka dapat sumusugod sa labanan ng mag isa at wag lumaban sa labanang alam mong  matatalo ka. "

Walang buhay nyang tinignan ng lolo nya "Narito naman na kayo. Kayo na ang bahala sa pack na to. Siguro naman nagawa ko na ang lahat ng responsibilidad ko ng ilang taon."

"No...."umiling ang lolo nya "Kahit sabihin mo yan hindi ako papayag. Dito ka lang! Sasabihin ko sa lahat na harangin ka kung kakailanganin!"

Her expression went dark. "Lolo, wag mo na akong tangkaing pigilan. Don't make me kill the people I once protected."


The coldness on her voice made everyone in the room shiver. Pero lalo silang nagulat sa sinabi nya. Kahit na ang lolo nya ay hindi inasahan ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig.


"I am this pack's alpha. Kung gugustuhin ko, kaya kong wasakin ang buong Terra Gaia. Kung ako sa inyo, wag nyo ng susubukan. Kahit apo nyo ako, hindi nyo parin ako lubos na kilala" banta nya dito.

Thellion Maraja, the great Alpha who is feared by many, was shocked and  frightened by his own great-granddaughter's words.

Parang nabalot ng yelo ang paligid sa sobrang tensyon. Nabasag lang iyon nang kumatok si Arya. Pumasok ito at tumingin sa kanya.

"Alpha, may bisita ka " wika nito "Nandito yung prinsesa ng mga diwata."

She doesn't have time for this. Gusto nya itong paalisin ngunit naisip nyang hindi iyon magugustuhan ng ama nito.


Pero ano naman kaya ang kailangan nito ngayon?



She asked Arya to bring the guest at the rose garden. Doon na rin sya dumeretso.



Habang naka upo dumating ang prinsesa. Malayo palang makikita mo na ang angking ganda nito. As expected from the princess of nature. Her beautiful green eyes shines beautifully under the sun like a jewel. Kumpara nang huli nya itong nakita, mas naging masigla ito.



"Alpha Amaris." Nakangiting bungad nito..


Tipid syang ngumiti at itinuro ang upuan kaharap nya. Naupo naman ito at ilang sandali syang pinagmasdan.




"Bakit biglaan naman yata ang dalaw mo?" Tanong nya dito "May problema ba?"



"Ah..."umiling ito "Wala namang problema. Nandito ako para kumustahin ka. Gustong malaman ng daddy ko kung nasa maayos ka bang lagay? Nabalitaan kase namin yung nangyari."



Muli nyang pineke ang ngiti "Maayos naman ang lagay ko. Salamat sa pag aalala. Hindi ka na sana nag abalang pumunta dito."



"Bakit naman hindi. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking bagay saamin ang pagbabalik mo sa aking mga mata. Ah, nga pala..." Inilagay nito sa harap nya ang mga bitbit nito "Heto, nagdala nga pala ako ng mga makakatulong sayo. "



"Salamat" walang buhay na wika nya nang tanggapin nya ang mga yon.



Agad namang nakapansin si Elysee sa nangyayari sa kanya. Noong una tinangka pa nitong makipag kwentuhan at masaya itong nagkwento sa kanya ngunit nang tumagal hindi na ito nakapag tiis.



"Alpha....may problema ba?" Tanong nito na umagaw sa atensyon nya.


"Ha? " Mahina syang umiling"Wala naman...."



Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now