Chapter 2

1.1K 49 5
                                    

HINDI nya alam kung pinaglalaruan sya ng tadhana. Sa tuwing pumapasok sya nagkakataon na nakakatabi nya si Amaris. Laging ang mga upuan lang sa paligid nito ang bakante.




Later on, nakumpirma nya na pareho ang schedule nila. Hindi lahat ng midyears ay magkakapareho ng schedule. Yung iba naisipan na magdagdag ng subject, yung iba naman  nagbawas. Kailan lang nya nalaman na nasa estudyante ang desisyon pagdating sa subject na kukunin nila at kung ilang subject ang gusto nilang kunin upon enrolment. Looking at his list of subjects,  alam na agad nya na ang ama nya ang namili ng lahat ng mga yon.



He didn't even give him an hour break!




This must be his punishment. Gusto ng tatay nya na mag concentrate sya sa pag aaral. Hindi tulad ng nasa university sya, na mas inaatupag nya ang pagpaparty. His father make it  sure that he will have no choice but to study.



Pero nagtataka sya kung bakit nasa lahat din ng pasok nya si Amaris. Magkapareho ang mga subject nila- no, mas marami pa itong subject dahil may klase ito ng sabado. Mas masipag pa itong mag aral kaysa sa ibang estudyante doon.



"Amaris...."lumapit si Cyra, isa sa mga kaklase nila sa katabi nya. "Pahiram ng notes, hindi ko nasulat lahat eh."



Napatingin si Amaris dito at napabuntong hininga muna bago inabot ang notebook.




Ngumiti lang si Cyra saka sya kinindatan at umalis.




Ibinalik nila ang atensyon sa pagsagot ng mga tanong ng iniwan ng instructor dahil wala ito. Pero nag iwan ito ng activity na kinakailangang bigyan ng mahabang sagot. 




Minutes later, Cyra called Amaris again.



"I'm done copying!Here! " Sa halip na ibalik nito ng maayos ang hiniram nitong notebook, ibinato nito iyonnsa direksyon nila at hindi manlang napunta sa kinaroroonan nila. "Oops! Sorry, namali ako ng tantsa...pulutin mo nalang." Wika lang ni Cyra saka muling tumingin sa sariling papel, the girl doesn't even care about the notes.


Tatayo sana si Amaris para pulutin iyon, pero naunang kinuha ng isang kaklase nilang lalake ang notebook nito.




"This is yours Amaris?" Ngumisi ito at bigla nalang pinunit ang mga notes sa notebook.



Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng inis dahil sa ginawa ng mga to. If you borrowed something, you should return it nicely. Hindi na nga naibalik ng maayos ang notebook, pinunit pa nila.



Nang tumingin sya kay Amaris, halata na galit ito pero nagtitimpi lang. Hindi na ito nagsalita at itinuon ang atensyon sa harap.




"Aww, hindi ka magagalit? C'mon rouge, stop trying to be nice. " Nang uuyam na ngumiti ang kaklase nila.



But instead of Amaris, another student got mad.



"Seriously Clyde? Ang tanda mo na pero isip bata ka parin. Why would you destroy someone's note huh? May napala ka ba?" Wika nito.


"Hindi naman  ikaw ang pinagtripan ko. So what is it to you?" Wika ni Clyde dito.



"What is it to me?" Sarkastikong ulit ng kaklase nila "Baka makakalimutan mo na pag nagkagulo, damay damay tayong lahat dito pagdating sa punishment. Baka dahil dyan sa pagiging childish at estupido mo pati kami mapag initan ng seniors. Wag ka ngang mayabang, wala ka namang gaanong maibubuga eh. Ayusin mo na yang gulo kung ayaw mong malaman ng student council yang ginawa mo".



Rise of the Hidden BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon