Chapter 30

1K 47 0
                                    

WHAT happened at the wedding became the news's headline for a few weeks. The supposed to be joyous occasion became a disaster because of the bride's bestfriend. Sa laki ng kahihiyan na idinulot non sa pamilya ni Julius at Aya, siniguro ng kanilang mga pamilya na nasa balita din ang pangalan ni Shelly at ang naging kuneksyon nito sa mga witch.

Pero sa likod ng mga pangyayari, sinusubukang bawasan ng dalawang pamilya ang kahihiyan na natatanggap. They paid well known magazine to publish about the grand wedding and their incredible list of guests. Talagang ipinaalam pa nila ang pagdalo ng mga kilalang Alpha gaya nila Alpha Dominic at Alpha Griffin. They even specifically mentioned her and her wonderful gift to the newlyweds


She couldn't help but scoff. Bakit hindi nila binanggit ang tungkol sa pagrambulan ng dalawang bagong kasal at ang tungkol sa pagiging makasarili si Julius nang kainin nito ang rainbow tulip?

Makakalimutan talaga ng mga tao ang tungkol sa eskandalo pag nabasa nila ang pangalan nya. She, despite of being one of the strongest and richest alpha, ni minsan hindi pa sya dumalo sa kahit anong event. Panigurado magugulat ang mga tao pag nalaman nilang nagpakita na rin sya sa wakas.



May balak pa sana silang isali sa magazine ang picture nya na nakuha ng gabing yon, ngunit mamukhaan agad sya ng may ari ng magazine company nang ipadala nila dito ang picture nya. Fortunately the owner is one of her good seniors, so before publishing he called her to ask permission if she's ok with it. Alam nitong dapat lang na hingin ang permiso nya dahil isa syang Alpha. Malamang hindi  rin sya pumayag.


Kung papayag syang ilabas ang litrato nya sa publiko, yun ay dapat sa dahilan na  personal na konektado sa kanya. It should be an article about her pack members, her pack itself, the Rogue city or her own issue.


Sabi nga ni Magenta nang nalaman nya ang tungkol doon "Those vermin shouldn't even dream about putting your beautiful photo next to theirs. "


Kahit naman pumayag sya, hinding hindi papayag ang kanyang sekretarya. Minsan nawiwirdohan sya sa pagiging possessive ng mga tao nya.


Even Kaeden once said Your beauty is only for your people. Hayaan mo na yung mga hampaslupang taga labas..."


Minsan nag aalala na sya sa mga to, kung paano sila makakapag asawa. Masyadong nakatuon sa kanya ang atensyon nila. She's not complaining about their loyalty, she's actually happy that her people gave their whole heart to her. Pero parang labis labis naman yata ang loyalty nila.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng mga hunters ang nangyari sa kasal at hawak nila si Shelly. Plus, Aya is suing her bestie for a few millions for ruining her wedding. Tuluyan namang bumitaw ang pamilya ni Shelly dito. She's totally on her own now. At kahit hindi sya mahanapan ng  ebidensya ng mga hunters, matatalo naman sya sa korte laban kay Aya. So she'll be homeless after this.


Mas pinag igihan naman nila ang  imbestigasyon sa grupo ng mangkukulam. Baka biglang tumahimik nanaman ang lahat saka umatake ang mga ito ng biglaan. Bawat isa ay nag iingat. Halos wala ng nagpapadala ng imbitasyon sa kanilang mahahalagang okasyon dahil sa takot nilang mangyari din sa kanila ang nangyari sa kasal nila Aya.



Halos hindi na rin nya makita sila Aruna at Arya dahil abala ang mga ito sa paghahanap ng mga kalaban nila. The witch was clever, she was only using her pawns and not her own power. That's why it's hard to track her down.

Sa halip naman na invitation letter, ibang klaseng letter at emails na ang natatanggap nya. Each family is asking for  special potions, or magical  plants that could protect them from the witch. Iniisip yata nila na meron syang collection ng mga halaman na may iba't ibang abilidad. Hindi nya pinansin ang mga yon at itinabi lahat.


Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now