Chapter 19

856 49 4
                                    

Wuxie's note: supposed to be kagabi ang update pero tinapos ko yung isang chapter para apat ang maipublish today for some reason. Pasensya na sa mga pinaasa ko? Char!




AKALA nya bangungot lang ang lahat, ngunit mismong sarili nya ang nagpaalala na nangyari lahat ng yon at nasaksihan nya lahat. Agad na nagmulat sya ng mga mata, ngunit hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan nya. Napatingin sya sa mga palad, dahil ang huli nyang naaalala ay nasa kanyang bisig ang nanay nya.

Napabalikwas sya, at lalong kinabahan nang wala syang maramdaman na kahit na anong sakit. Iba na rin ang suot nya, at wala na ang mga dugo sa balat nya. Ilang araw nanaman ba syang walang malay? Nasaan ang kanyang ina?


Naaalala nya na kaasama nya si Theron bago sya nawalan ng malay. Ngunit nasaan na ito ngayon?

Her mom, she needs to find her. Baka kung ano nanaman ang ginawa nila sa kanyang ina. Hindi nya mapapatawad ang kahit sinong lumapastangan sa nanay nya. Lumabas sya ng silid upang hanapin ang ina.


Sa itsura palang ng paligid, alam na nyang mayaman ang may ari ng bahay. She can sense some wolves inside the house. At habang naglalakad sya, may nakasalubong syang isang babae at isang lalake. Tulad ni Theron, magkahalong itim at puti ang buhok ng mga to ngunit kumapara kay Theron mas maliit ang puting buhok ng mga to.

"Gising ka na..." Sambit ng babae "N-Nagugutom ka ba? Nauuhaw?"

Lalapitan sana sya nito ngunit pinigilan nya ito.


"Tigil." Sambit nya at parang robot na tumigil ito. Nangatog ang tuhod nito na tila nahihirapan.



"Amaris, kumalma ka" tila nahihirapan na paki usap ng lalake.



"Kilala nyo ako. Sino kayo?" Walang buhay na tanong nya.

"Mga pinsan mo kami...."hirap na sagot ng babae "M-Mga pamangkin kami ni tita Froja......."

Tita?


Ibig bang sabihin nito, nasa tahanan sya ng mga Barize?


Lalo syang nainis sa nalaman. Pero nagtaka sya nang mapansin na lalong nahihirapan ang dalawang kaharap.


"Dalhin nyo ako kay mommy..." Walang emosyon na wika nya sa mga to.

"Kailangan mo munang kumalma. Naapektuhan kami sa emosyon mo..." Wika sa kanya ng babae.



Hindi nya naiintindihan ang sinabi nito, ngunit kahit ayaw nya humugot sya ng malalim na hininga upang gumaan ang nararamdaman. Napansin naman nya na parang gumaan din ang nararamdaman ng mga to.


Nakita nya ang takot sa mga mata ng babae, hindi ito maka tingin deretso sa kanya. Sinundan nya ang mga to nang iginiya nila ang daan papunta sa kanyang ina.


At habang naglalakad sila, napansin nya ang bawat taong dinadaanan nila ay tila napapaluhod. Hindi nya alam kung talagang lumuluhod ba ang mga to kung may dumadaan na mga Barize, o may nagpapaluhod sa mga to.

One girl even dropped the glass plates she was holding and kneeled in fear. Hindi nila ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Amaris?" Natigilan si Theron sa paglapit sa kanya nang tila may mapansin ito. Tumingin agad ito sa mga pinsan nila "Nico, Daniela ako na bahala dito. Makakaalis na kayo. "

Agad naman na umalis ang dalawa, nakita nyang may inutusan si Theron na pack member, at sinabihan itong paalisin lahat ng mga members sa Barize mansion. Hindi nya alam kung bakit nito ginawa iyon, siguro para walang may makaalam tungkol sa kanya.

Rise of the Hidden BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon