Chapter 29

1K 49 19
                                    

NANG makabalik sya sa party, unang bumungad sa kanya ay ang taong ayaw nyang makita. Akala nya hindi ito dumalo dahil hindi nya ito nakita kanina. Ngunit nang bumalik sya pagkagaling sa CR nakita nya itong nakikipag usap sa  ibang mga alpha.

She froze when he suddenly look at her direction. Mabilis syang nag iwas ng tingin.
Baka isipin pa nito na pinapanood nya ito.

Nang bumalik sya sa upuan kanina, narinig nya ang  mga babae sa kabilang table na kinikilig habang pinag uusapan si Griffin. Pinag uusapan ng mga to kung gaano kagwapo si Griffin at ang katawan nito.

She glance at her enemy. Sang ayon naman sya sa  sinasabi nila. Griffin is really handsome with a sexy fit body. Kaya nga ito naging fckboy noon. Siguro hanggang ngayon pa kung sino sino ang ikinakama nito. Hindi na sya magtataka kung ngayong gabi may iuuwi itong babae. Dahil ganon si Griffin, he's all about s*x and body. Wala itong pake alam sa nararamdaman ng mga babae.

Tinungga nya ang laman ng champagne flute at muling kumuha ng bagong champagne mula sa server.

Narinig nyang mahinang nagtilian ang mga babae sa kabilang table. Saka lang nya narealize na papalapit pala sa kinaroroonan nya si Griffin.

"Hello Alpha Amaris..." He called in his low time.

Tila awtomatiko namang kumulo ang kanyang dugo.

Tinignan nya ito ng masama "Pwede bang lumayo ka? I don't even want to talk to you so leave me alone. Ayokong isipin ng mga tao na close tayo. "

"Sorry..." Mahinang wika nito "I just want to tell you that you look beautiful. You look pretty tonight alpha Amaris."

Griffin met her glaring eyes for a few seconds before leaving. Inaasahan ba nitong makukunsensya  sya? Alam ni Griffin ang galit nya dito, si bakit pa ito lumapit? Kung ayaw nitong nararamdaman ang pagkamuhi nya dito, lumayo nalang ito at wag syang kakausapin.

Habang pinapanood ang nangyayari sa paligid nakita nya si Shelly na bumalik sa party. Hindi nya alam kung saan ito nagpunta kanina matapos ang drama nito pero tila yata mas nauna silang bumalik ni Kaeden. Nang makita nito si Griffin, napatingin ito sa kanya saka ngumisi.

Alam na nyang may plinaplano ito. Kaya naman halos matawa sya nang lapitan  nito si Griffin at nang aakit na yinapos ang braso nito.

What? Inaasahan ba nito na  magseselos sya?

Nakangising tumingin si Shelly sa kanya pero natigilan ito nang makita syang nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa kanila. Ang inaasahan nitong pagseselos nya ay hindi nagkatotoo, sa halip ay ipinaramdam nya dito kung gaano ito ka estupida sa pinag gagagawa nito.


What funnier is that Griffin didn't even noticed what Shelly was doing to him because he was busy talking to another Alpha about business. At nang makita ni Griffin ang ginagawa nito, walang pagdadalawang isip na itinulak nito si Shelly. Sapat lang ang lakas na ginamit nito upang kumalas ang babae at mapaatras. Hindi makapaniwalang napatingin si Shelly kay Griffin ngunit isang matalim na tingin lang ang bumalik dito.

At nang tumingin si Shelly sa kanya, isang mapang asar na ngiti ang ibinigay nya dito.  Dahil kasama si Kaeden sa audience na nanonood sa mga kagagahan nito, dinagdagan pa nito ang pang aasar kay Shelly.

Kaeden took a table napkin and gently wipe the corner of her lip even is there's actually nothing to wipe. Then he  gently caress her cheek and smiled. Nang tumingin sya kay Shelly, nagpupuyos na ito at halos mamatay sa selos. Natatawa syang napailing dahil sa epekto ng ginawa ni Kaeden. Ang beta nya talaga, minsan may saltik din.



Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now