Chapter 31

1K 47 0
                                    

NAGPUPUYOS ng galit si Amaris habang pinagmamasdan ang malaking bahagi ng east wing na muntik lamunin ng apoy. Abala na sa pag aayos ang mga tao nya, at mas pinag igting nila ang mga bantay. Yung iba naman ay nag iimbestiga na kung saan nagmula ang sunog at kung maaari pa nilang mahanap ang may gawa.


Pero habang abala ang lahat, sya naman ay nakatingin lang sa buong lugar habang kinakain ng galit. Yon ay dahil naalala nya ang nangyari sa Rogue land noon. Paano nalang kaya kung hindi naapula ng mga tao nya ang apoy? Nasunog kaya ang siyudad na pinaghirapan nyang paangatin? Naulit kaya ang nangyari noon? Na marami ang namatay?


Napakuyom sya ng kamao. Nanginginig sya sa sobrang galit. Dahil sa nangyari ngayong gabi muli nyng naalala ang mga nangyari noon. Yung gabing maraming namatay na kasamahan nila, yung gabing nawalan sila ng tahanan. Sariwa pa sa kanyang ala ala ang mga lungkot at takot sa mga mata ng mga lobo noon, naririnig parin nya sa kanyang mga bangungot ang malakas na pag iyak ng mga bata at matatanda. Hinding hindi sya papayag na mangyari ulit yon!



Sisiguraduhin nya na wala ng mawawalan ng tahanan. Wala ng mamamatay at hindi na kailangang magkawatak watak ng mga rogue sa pagkakataong ito.


This is her City, she fought for this place. So only she can decide who  stays and who leaves. Wala ng makakasira sa kanilang tahanan..



Nararamdaman ng mga lobo sa paligid ang matinding galit ng kanilang pinuno kaya walang naglalakas loob na lumapit.


She will hunt whoever did this to her city. Hindi man ganon kalaki ang damage, ngunit hindi sya papayag na isipin nilang papalagpasin nya ang ganitong bagay. Nagkamali sila sa taong kinalaban.



Buong gabi na nagtrabaho ang kanyang mga tao upang mas mapabilis na ibalik sa dati ang nasunog na mga bahay. Mabuti nalang at nang gumagawa sya ng plano para sa Rogue city, pingawa nyang concrete lahat ng mga kahoy na bahay. Kaya nang magkasunog, hindi agad kumalat ang apoy dahil walang mga madaling masunog na materyal sa paligid. But the damage is still there.

Nang pumasok sila Ru at Marianne sa kanyang  opisina, hindi agad umimik ang mga to  dahil sa sobrang bigatng galit nya na nararamdaman nila mula sa kanya.


"Amaris...." Mahinang wika ni Ru matapos ang ilang sandali.


Sinalubong ng kanyang  galit na mga mata ang mga mata nila "Say it... You better have a good news..."


Tumango ito "Kahit papaano marami ng natapos ang mga tao natin. Siguro pag nagpatuloy ang mabilis na pag galaw nila baka maagang maibabalik ang Rogue city sa dati. Good thing, walang namatay sa insidenteng to. May labing walong nasaktan pero mabilis naman silang nakaka recover. Unfortunately, nasunog ang mga gamit ng mga kasamahan natin na nasunugan ng bahay. They barely managed to save their important belongings. "

Muling nagsalubong ang mga kilay nya dahil sa hindi magandang balita "Bilisan nyo ang restoration ng mga bahay. Make sure na maayos lahat bago sila bumalik. Bigyan mo ang bawat pamilya ng malaking halaga ng pera, siguruhin mong maibigay lahat ng kailangan nila. Kung kailangan nila ng trabaho, bigyan mo sila ng trabaho. Kung kailangan nila ng mga damit, bigyan mo sila ng damit. Dapat bawat isa sa mga naapektuhan sa nangyaring to ay maaasikaso ng maayos. Don't let them suffer just because of this. "


Mabilis na tumango si Ru "Gagawin mo yan...pero Amaris.." medyo nag alangan si Ru na magsalita ng ilang segundo "May...... kailangan ka pang malaman."



"Ano yon? Sabihin mo na lahat." Ayaw nyang sayangin ang oras. Kailangan pa nyang hanapin ang gumawa nito sa teritoryo nya.


"May hindi normal sa pangyayaring to. Yung apoy na sumunog sa mga bahay ay hindi normal. The houses at the east wing are all concrete, kaya naman  ilang bahay lang ang inaasahan kong dinaanan ng apoy base sa oras na nagsimula ang sunog nang matanggap ko ang ulat. Pero nagulat kami nang maabutan namin ang maraming bahay na nasusunog. The fire spread so fast, faster than in should be. As if it was not a normal fire. Kaya tinawag ko si Marrianne upang masiguro kung tama ang obserbasyon ko. And true enough, it was not normal. "


Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now