Chapter 25

938 55 4
                                    

HER introduction caused a little disturbance in the room. Maraming nagtaka, at kinabahan sa biglang pagdating nya. She was never active in any social events. Madalas si Magenta ang ipinapadala nya. Ngunit ngayon hindi nila inaasahan na bigla syang magpapakita.

Her cold eyes remained in Griffin's direction, watching as he struggle to hide his shock and confusion. Muntik na syang mapangisi sa nakitang reaction nito, ngunit nanatili syang  nakatingin dito ng walang emosyon. Hanggang sa pairap nyang tinanggal ang mga mata dito at tumingin sa alpha king.


"It's good to finally have you here Alpha Amaris" wika ng Alpha King. "Ilang taon ka ring naging Alpha pero hindi ka nagpakita ni minsan sa mga meetings at events.  Mabuti naman naisipan mo ng dumalo ng personal."

Ramdam na ramdam nya ang malagkit na titig ng  maraming alpha sa kanya. Some of them couldn't even hide their blushing cheeks. Pero may ibang hindi nagustuhan ang pagdalo nya sa meeting.

"So you're Alpha Amaris..."natutulalang wika ng isa sa mga Alpha na halos ka edad lang yata nya "You're as pretty as they said. "



"Absolutely beautiful" dinig nyang kumento pa ng iba na sinang ayunan naman ng marami.



Kinakabahan na tumawa ang isang alpha na hindi nya namumukhaan "I wonder, ano kaya ang dahilan kung bakit bigla kang sumali sa meeting ngayon?"

"Bakit hindi? I heard na isa sa mga tapic ngayon ay ang Rogue city. As the leader of that place dapat lang na narito ako. Who knows...."tumingin sya kay Alpha Alfonse na syang nagbabalak ng masama sa Rogue city "....baka kung ano na pala ang plinaplano nyo? I just want to remind everyone that Rogue city is my territory. Kung may problema, ideretso nyo saakin. "

Umismid naman si Alpha Alfonse at hindi na nagpaligoyligoy pa "That's right! Plano kong buksan ang topic na yan sa araw na to. Because that place is filthy! It's filled with dangerous people! The Rogue city shouldn't exist no matter what! Rogues are still Rogues, mga rebelde parin sila! Sisirain nila ang mga ibang pack, nanakawin nila ang mga ari arian, papatay sila ng ibang tao, they are packs of criminals! That place must be destroyed. I know many of us here agrees to that!"


"Oh gosh this is why ayoko sa mga matatandang alpha!" Napa irap sya "Yang mindset nyo kase pang sinaunang tao! Pasensya na ha kung hindi na po kita irerespeto kase the way I see it hindi mo naman deserve. FYFI and that's for your fckng info, matagal ng established ang Rogue city at approved na rin ang lugar na yon sa Alpha king dahil proven na mas nakakatulong ng pag eexist ng Rogue city. Less crimes happened because Rogues finally found a place to live in. And what?! Sisira sila ng pack? Magnanakaw ng ari arian? Mahiya ka nga, mas mayaman pa ang Rogue city kaysa sa pack mo. Pustahan tayo mas malinis pa kaming magbayad ng taxes namin kaysa sayo."

Namula sa kahihiyan ang alpha "Ano?! Hindi yan totoo! How dare you!"


"Talaga!" Hindi mapigilan na sumbat nya "At dahil aanga anga ka at wala naman talagang alam pero dakdak ng dakdak, sasabihin ko to sayo. In favor sa government ang kontratang pinirmahan ko. And Rogue city is not just a place na pwedeng puntahan ng kahit sino. Maraming proseso ang pagpasok doon to give assurance na hindi kami taguan ng kriminal. "

"Ah talaga?!" Humalakhak ang Alpha "At sino naman ang maniniwala sayo! I know maraming kriminal doon! Stop sugar coating it Alpha Amaris!"


"I don't need to sugar-coat anything. Maging prangka na tayong lahat dito. Minsan kasalanan naman ng pack o di kaya ay ng mga alpha kung bakit umaalis ang mga members nila. Masyado kaseng mahigpit ang mga batas nyo kaya nasasakal na sila. So they chose to become rogue. And some people are fast to assume that Rogue are automatically murderers, thieves, or any other kind of criminal kahit ang totoo wala pa silang nagagawa sa mga yon. Paano naman ang mga inosenteng nasasakal lang sa mga batas ng ibang pack? Paano naman yung mga may pinag daanang abuse sa mga pack nila at gusto lang makatakas. Sa Rogue city na nga lang sila nagkaroon ng bagong buhay pababagsakin nyo pa."

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now