Chapter 13

752 42 2
                                    

MINUTES, hours, days passed. Habang tumatagal patamlay ng patamlay ang kanyang araw. Noong unang araw na wala si Griffin, sobra syang nanibago. Bigla nalang nawala yung taong nangungulit sa kanya araw araw. Wala na yung nanlalambing sa kanya. Biglang naging tahimik ang kanyang mundo.


On the first day, she miss him already. She badly wants to hear his voice and smell his scent. Akala nya unti unti syang masasanay sa mga susunod na araw pero nagkakamali sya.  Mas lalo lang lumala ang mga nararamdaman nya. Without him by her side, she couldn't function well.

Tulad nalang nang magkaroon sila ng running contest sa field. Dahil wala ang  isip nya sa ginagawa, hindi nya napansin ang bato sa daan. Nang matisod sya, malakas na bumagsak ang katawan nya sa lupa. Malakas na tumawa ang mga kaklase nya at inulan sya ng mararahas na salita. They called her idiot and airhead for not paying attention.

Pero kahit anong sabihin nila, hindi nya maramdaman ang sakit non dahil nakay Griffin ang isip nya.

"May problema ba Amaris?" Tanong ng instructor nya "Napapansin ko parang wala ka sa sarili nitong nakaraan. Hindi uso sayo ang matisod ah. Is there's something bothering you?"

Tipid syang umiling.  Kahit ang  totoo wala talaga sya sa sarili nitong nakaraan.

"C'mon, you can't lie. You're one of the best student in your class pero parang naging lutang ka. Dahil wala yung kalaban mo? Dahil ba umuwi si Griffin?"

Medyo natigilan sya nang marinig ang pangalan ng taong gusto nyang makita.

"I see. Nagiging ganito ka kase wala yung tanging taong kaya kang tapatan. I know, napansin ko rin. Your classmates are not on your level. Habang si Griffin, dahil sa pack na pinanggalingan nya hindi na ako nagtataka sa outstanding performance nya." The teacher chuckled "An amazing student needs another amazing student to match her. Ok, how about this. Wag ka munang pumasok saakin hangga't sa hindi pumapasok si Griffin. Alam kong kayang kaya mong habulin ang klase ko kahit ano pa ang ituro ko sa kanila. So pagbalik ni Griffin, sabay nyong habulin ang klase ko"

That somehow made her smile. Hindi nya inaakalang sasabihin yon ng instructor nya.

Dumaan nanaman ang mga araw, tila nawawala na ang kulay ng mundo sa kanya. Madalas syang magpunta sa secret place nila pero nagsimula na syang umiwas doon dahil mas lalo lang nyang namimiss ito.

Then after three long weeks, nalaman nyang nakabalik na si Griffin. Halos tumalon ang puso nya nang sabihin ng isang senior nya na nakita nito si Griffin kanina.

Patago syang ngumiti habang  pinapakalma ang sarili. Itinago nya ang tuwa na nararamdaman. Hindi na sya makapag hintay na makita ito, at yakapin ito.

Pagkatapos ng klase nya ng umaga, dali dali syang lumabas ng silid at pumunta sa lugar kung saan sila madalas magkita ni Griffin. Hindi na nya mapigilan ang ngiti habang nasa daan. She's finally going to see him?

Sobrang bilis ng tibok ng puso nya, parang sasabog yon dahil sa pagkasabik.

As soon as she entered the forest, naamoy na nya agad ito. He's really here, nandito si Griffin!

Mabilis na gumalaw ang kanyang mga paa, at nagpunta sa pinaka dulong kubo. At doon, nakita nya si Griffin na nakatayo sa harap ng kubo. Walang pagdadalawang isip, mahigpit syang yumakap dito.

He's right here! Magkasama na sila!

"Griffin, I miss you so much." Hindi mapigilan na wika nya habang nakasubsob sa dibdib nito "Sobrang namiss kita. Ang tagal mong nawala. Andito ka na rin sa wakas. Namiss talaga kita Griffin. "Lalong humigpit ang yakap nya dito "I miss you......I love you..."


Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now